Share

Kabanata 005

KINAUMAGAHAN SA HOTEL ROOM NI JAMES

Napabalikwas ako ng bangon ng walang tigil na nag ring ang aking cellphone. Napasaplo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit nagulat pa ako ng pagbaling ko sa aking tagiliran na may lalaki akong katabi, agad kong sinilip ang aking katawan na nakatabong sa ilalim ng comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mayroon naman akong saplot.

"Ohhhh Kate, ano na naman kayang katangahan ang pinaggagagawa mo kagabi?!" mahina kong bulong sa aking sarili bahagya ko pang hinampas hampas ang aking ulo dahil sa totoo lang wala akong maalala kung ano ang mga ngayari kagabi. Wala din akong ideya kung paano ako nakarating sa silid ng lalaking ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa Beach Front Bar ako at mag-isang nagpapakalunod sa alak.

Dahan-dahan akong kumilos at bumaba ng kama. Ayokong makalikha ng ingay para hindi ko magising ang lalaki sa aking tabi. Ayokong makita niya ako lalo na at hindi ko naman kilala ang lalaking ito. Napasulyap naman muli ako sa kanya habang himbing na himbing ito sa kanyang pagkakatulog. Isa-isa kong pinulot ang aking sandals at maliit na bag at tuluyan ng lumabas sa loob ng VIP SUITE room na iyon. Lumingon muna ako sa paligid para masiguradong walang nakakita sa akin saka ko inayos ang aking sarili at walang lingon-lingon na akong naglakad palayo ng pasilyong iyon.

Tinawagan ko naman pabalik ang aking bunsong kapatid para tanuning ito kung bakit siya walang tigil sa kakatawag sa akin. Naiinis man ako pero hindi ko kayang tiisin ang aking kapatid at magulang sa ibinalita sa akin ni George.

ARAW NA NAGKAGULO SA AMING BAHAY

GEORGE POV

Nagkakatinginan kaming lahat nila Mama ng pagbuksan ko ng pinto ang taong nag doorbell sa aming gate. Nanlaki ang mga mata ni Mama at Papa na nagkakape ng umagang iyon sa may Veranda ng aming bahay, napabalikwas pa ang mga ito ng tayo. Hindi namin inaasahan lahat na darating na pala ngayong araw si Ate Kate. Ilang beses niya lang sinasabi sa amin na magbabakasyon sya sa Pilipinas ngunit hindi niya sinasabi ang petsa ng araw at oras ng kanyang pag-uwi. Nagulat na lang kaming lahat ng bigla siyang sumulpot sa bahay.

"Suprise!" sigaw ni Ate Kate ng pagbuksan ko siya ng gate "Ang laki laki mo na bunso aah. Dalawang taon pa lang akong nawala ang laki na ng tinangkad mo sa akin. (binigay naman ni Ate Kate ang kanyang maleta sa akin at nanakbo na ito palapit kila Mama) Mama, Papa! (yumakap si Ate sa kanila, tila napansin naman ni ate ang pagsesenyasan namin ni Papa, tinuturo ni Papa na akyatin ko ang silid ni Ate Charlotte para sabihan ito) Aba parang hindi kayo excited na makita ako. Bakit ganyan yang mga mukha niyo para naman kayong nakakita ng multo sa pagdating ko!?” nagtatampong sabi ni Ate Kate samin.

"Ahhhh Kate bakit hindi ka nagsabi samin na ngayon na pala ang dating mo sana ay nasundo ka namin sa airport?!" nauutal na sabi ni Mama.

"Syempre Mama surprise nga. Meron ba namang surpresang sinasabi. (pumasok na ito diretso sa bahay) Hmmmmm namiss ko ang bahay natin . (sabi pa niya) teka Papa nasaan na si Charlotte don't tell me tulog pa rin siya anong oras na aah teka nga magising na muna yan?!" sabi pa ni Ate. Dire-diretso ng naglakad si Ate Kate papunta sa kwarto ni Ate Charlotte.

"Teka Kate!" sigaw ni Mama sa kanya. Pipigilan pa sana siya ni Mama ng biglang pumanik na tila wala ng naririnig si Ate Kate sa kwarto ni Ate Charlotte.

Sinundan naman namin kaagad si Ate sa taas pero huli na din ang lahat. Naabutan na niyang nakahiga pa sa kama si Ate Charlotte at Kuya Michael na magkayap. Matinding gulo na ang naganap sa aming bahay. Naiinis man ako ay wala din akong magawa dahil lagi akong pinapagalitan nila Papa sa tuwing sasabihan ko silang ipaalam na kay Ate Kate ang nangyari kay Ate Charlotte. Ang lagi nilang dahilan ay huwag na munang ipaalam kay Ate Kate dahil baka itigil nito ang pagpapadala ng allowance namin at baka hindi na din siya tumulong sa pag-aasikaso ng mga dokumento ni Kuya Michael para makasampa na siya sa barko.

Matinding sagutan ang naganap sa pagitan nila Mama at Ate Kate. Hindi ko masisisi si Ate kung bakit ganoon katindi ang sama ng loob niya sa amin kahit ako ay tutol sa lahat ng pangungunsinting ginawa nila Papa kay Ate Charlotte. Kaya naman hindi na namin napigilan pa si Ate Kate at tuluyan na itong umalis ng bahay, iniwan niya ang malaking maleta na dala niya. Tanging hand carry luggage at maliit na bag lamang ang dala niya ng sumakay siya sa taxi. Hindi ko na siya naabutan dahil humarurot na ang taxi na kanyang sinasakyan ng labasin ko siya.

"walanghiyang Kate yan! natuto ng sumagot sagot satin aba Arthur hindi mo dapat hinahayaan yan na ganyan-ganyanin lang tayo. Kala mo kung sino na . Porket nagka posisyon lang sa trabaho ang yabang yabang na!" galit na galit na sabi ni Mama kay Papa

Dinuro ni Papa si Kuya Michael "Kaya ikaw lalaki ka gawan mo ng paraan yan, kelangan mapakasalan mo na kaagad si Charlotte bago ka pa sumampa ng barko para hindi kayo nalalait ng ganyan ni Kate. " galit na singhal  ni Papa kay Kuya Michael.

"Pa, bakit naman parang si Ate Kate pa ang may kasalanan?! siya na nga itong niloko niyang hayop na yan." dinuro-duro ko si Micahel habang gigil na gigil akong nagsasabi kay Papa.

"Ikaw George napakatigas din ng ulo mo hilig mong makisawsaw. Huwag ka ng dumagdag sa ikasasama ng loob ng Ate Charlotte mo. Alam mo ng buntis ang kapatid mo baka makasama yan sa bata.” Galit na pagsaway sakin ni Papa. Panay naman ang iyak ni Ate Charlotte at inaalo ito ni Mama.

"Huwag po kayong mag-alala Tito gagawan ko po ng paraan para maikasal na kami ni Charlotte sa lalong madaling panahon. Kumpleto na din naman ako sa mga dokumento at training ko para si Charlotte na ang ilalagay ko sa Alote ko. Schedule na lang din ng pagsampa ang kulang dahil nakapasa naman na ako sa interview.” sagot naman ng kup*l na Michael na ito.

Padabog akong pumasok sa loob ng aking kwarto at pabalibag kong inilock ang aking pinto. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status