Share

Kabanata 006

Kinabukasan ay sobrang galit na galit pa rin si Mama kay Ate Kate ,panay ang pagsigaw niya sa buong bahay dahil hindi man lang siya sinasagot ni Ate ang kanyang mga messages at tawag.

"Bwis*t na Kate yan, hanggang ngayon ayaw pa rin akong sagutin sa tawag ko. Aba hindi siya nagpadala ng allowance para ngayong buwan at biglaan palang uuwi . Anong ipangbabayad natin sa mga bills ngayon! Ginigil talaga ako ng anak mong yan Arthur." sabi ni Mama Camilia

“Ikaw nga tumawag diyan George baka sakaling sumagot yang kapatid mong magaling! Ang dami daming bayarin dito sa bahay hindi man lang nag iwan kahit magkano.”Sabi naman ni Papa

“eeh kasi sinabihan mo pa si Ate na hindi niyo kailangan ang pera niya siya na nga itong niloko" pabulong kong sabi sa kanila

"anong sinasabi mo George?" tanong sakin ni Mama

"sabi ko anong sasabihin ko kapag sumagot na si Ate?!” Tanong ko naman sa kanila

“Ikaw ng bahala magdahilan sabihin mo na din yung pang tuition ni Charlotte. Isa pa yun hindi naman pwedeng i hang yun kung kelan huling bayaran na saka pa naman nagka-ganito . Hayyyyyy bwis*t talaga” galit pang sabi ni Mama

“Haist!” Napabuntong hininga na lang ako kila Mama.

Ilang beses ko ng dina-dial at minemessage si Ate pero hindi din ito sumasagot sakin.

“Ayaw naman sumagot ni Ate, Papa” sabi ko sa kanila.

“Aba punyet* talaga yang anak mo. Napaka walanghiy* ang taas na ng tingin niya sa sarili niya porket nakapag abroad lang. hinayaan mo kasing sumasagot sagot na lang yan satin kaya nagka ganyan yan. Aba utang na loob niya satin kung bakit gumanda ang buhay niya ngayon. Kaya obligasyon niya na suportahan tayo sa mga pangangailangan natin.” Galit na galit na sabi ni Mama.

“Huhuhu! Mama pano na yan yung pang tuition ko baka hindi na magbigay si Ate sakin, finals ko na pa naman ?!” Umiiyak na sabi ni Ate Charlotte kila Mama nakasubsob ito sa dibdib ni Kuya Michael.

“Hayaan mo Charlotte kapag nakasampa na ko sa barko hinding hindi mo na kakailanganin pang magmakaawa kay Kate!” Sabi naman ni Michael “Ma, Pa pangako pag nakasampa ako kahit hindi na kayo manghingi kay Kate. Nag iba na talaga ang ugali niyan magmula ng magtrabaho siya sa Dubai. Akala mo kung sino na, siguro ayan ang nakuha niya sa pagsama-sama niya dun sa mga pokp*k niyang kaibigan” gigil na sabi pa nito.

Gusto ko man itong bigyan ng isang suntok ay di ko magawa dahil kakampi niya sila Mama. Hindi ko din alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha itong si Michael at siya pa ang maraming nasasabing hindi maganda tungkol kay Ate Kate .

“Puny**a kamo siya. Kailangan pa din niyang magbigay samin, wala naman siya kung nasaan siya ngayon kundi dahil samin ni Arthur! Kaya gampanan niya ang obligasyon niya sa amin dahil magulang niya pa rin kami, isa pa napagkasunduan na namin na siya ang magpapa-aral kay Charlotte hanggang makapagtapos. Aba wala kaming magagawa kung hindi niya matanggap na kayo ni Charlotte ang nagkatuluyan!” Gigil pa ring sigaw ni Mama.

Hindi pa man nagtatagal ang pag-uusap nilang iyon tungkol kay Ate Kate ay bigla ng nakaramdam ng matinding pagkahilo si Mama. Halos himatayin na ito sa sobrang pamumutla. Nangitim ang kanyang mga labi at kamay. Nataranta naman kaming lahat dahil umaangal siya ng paninikip ng kanyang dibdib. Mabilis akong nanakbo sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig para ipainom sa kaniya pero hinimatay na ito ng tuluyan bago pa man ako makabalik. Tumawag na kami ng ambulansya at mabilis naman ang naging pagresponde ng ambulansya at kinuha nito si Mama. Nag uumpukan naman ang mga tsismosa sa tapat ng bahay namin.

Simula pa kahapon ng dumating si Ate Kate ay naging tampulan na ng tsismis ang sitwasyon sa aming bahay. Hindi naman na namin ito pinapansin. Sumama na si Papa sa loob ng ambulansya at binilinan akong sumunod sa kanila sa ospital para magdala ng ilang gamit ni Mama. Nang makaalis na sila Papa ay panay naman ang pangungulit sakin ni Ate Charlotte para tawagan si Ate Kate.

“George , tawagan mo nga yang si Ate Kate pag may ngyaring masama kay Mama issusumpa ko talaga siya. I message mo sabihin mong dinala si Mama sa ospital." sabi pa ni Ate Charlotte

"oo na ito na nga ate, kanina ka pa kulit ng kulit diyan tinatawagan ko na nga." sagot ko naman sa kanya. Makailang ring ako ay wala pa rin talalang sumasagot sa kabilang linya.

Binaba ko na muna ang aking telepono ng patayan ako ni Ate Kate sa huling pagtawag ko sa kanya upang makapag ayos ng mga gamit na dadlahin ko sa ospital para kay Mama. Imbis na tumulong ay abala naman si Ate Charlotte kung pano niya mabubuksan ang maleta na iniwan ni Ate Kate. Napapailing ako dito, kapatid ko siya pero tila nawalan na ata ito ng pakielam para sa pamilya niya lagi niyang dinadahilan samin ang pagbubuntis niya.

Isa rin sa makapal ang mukha itong si Kuya Michael na tila proud pa na binabandera sa mga kapitbahay namin ang naging kaguluhan sa bahay ng dahil sa pag-aaway ni Ate Kate at Ate Charlotte. Noon pa man ay naririnig ko na ang hindi magagandang balita na sinasabi nito tungkol sa dahilan ng pag iwan niya kay Ate Kate. Wala din naman mangyayari kahit sabihin ko pa iyon kila Mama kasi lagi nilang sinasabi na kapag naging Kapitan na ng barko si Kuya Michael malaki maitutulong nito sa pamilya namin. Tutal ay may mga foreigner naman na daw na kasama si Ate Kate atleast kahit papano makinabang pa rin sila sa pinaghirapan ni Ate Kate sa mga naging gastos niya kay Kuya Michael. Malaki nga naman ang sasahurin ni Kuya Michael bilang kapitan sayang kung iba lang ang makikinabang nuon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status