Share

CHAPTER 32

Naghari ang halos isang minutong katahimikan sa kuwarto kung nasaan kami ngayon. Diretso ang aking tingin sa mata ni Sir Joaquin na mababakas ang gulat at kalituhan sa binitawan kong tanong.

Ngumiti ako at lumakad palapit sa sopa para maupo roon. Hindi pa rin siya nagsasalita, mukhang hindi niya inaasahan 'yon kaya muli kong dinugtungan ang tanong ko. " Anong plano mong gawin saamin? Pananagutan mo ba ako o itatanggi mo—"

" S-Sandali nga. Magkaliwanagan tayo, Zenaida. " Hinarap niya ako at umalis mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. " May katotohanan ba 'yang tanong na binibitawan mo? "

" Ano sa tingin niyo? "

" Zenaida, huwag mo akong sagutin ng panibagong tanong. Oo o hindi lang ang isasagot mo, " kitang-kita ko ang tensyon sa mukha niya. Malikot ang mga matang nakatingin saakin habang may butil-butil na pawis sa noo niya.

" Ako ang unang nagtanong sa'yo, Joaquin. Hindi mo pa nga 'yon sinasagot, 'di ba? " Kalmado kong wika habang nakatingin nang tuwid sa kaniya. " Uulitin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status