Alas-dose na ng hating-gabi nang makauwi ng bahay. Alam kong tulog na ang mga tao saamin kaya nagpasya akong humilata sa sopa habang binabalikan ang mga nangyari kanina. Pumikit ako upang ipahinga ang pagod kong mga mata at pinakikinggan ang katahimikan sa buong salas. " Bakit diyan ka mahihiga? " Napadilat ako nang marinig ang boses ni Mama. Umayos ako ng pakakaupo at nakita ko siyang may bitbit na baso. " Hindi po. Namahinga lang saglit, " saad ko saka tumayo at lumapit sa kaniya para mag mano. " Bakit po gising pa kayo? " " Nagising ako nang marinig na bumukas ang gate. Kadarating mo lang ba? " Tumango ako. Dumiretso si Mama sa kusina at tumungo sa ref para salinan ng tubig na malamig ang basong hawak niya. " Kumusta ang event? May nakuha ka ba? " Nahihiya akong umiling. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na nakauwi na ako bago pa maganap 'yong pa-raffle ng company. Hindi naman ako umaasa do'n dahil sa tagal kong nag ta-trabaho sa Updated, ni minsan hindi ako sinuwerte sa bu
" Congrats? " hindi makapaniwalang saad ni Jana. " Iyon ang sinabi mo sa kanila? "Tumango ako sabay lantak ng ice cream na nasa tub na hawak ko. " Dapat ba condolences? "" Gaga, seryoso ba? Baka naman pina-prank ka lang? " Binitawan ni Jana ang ice cream niya at dinala ang silya palapit sa tabi ko. " May engagement ring ba siyang pinakita? Sa mga daliri ni Sir Joaquin, may napansin ka bang singsing na suot niya dati pa? "Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream sa pagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam ko. Nasa isa kaming ice cream parlor sa loob ng Mall ngayon, nagkayayaang maglibot dahil half-day lang kami. " Baka arranged marriage? " Napatingin kami kay Terrence. " Hindi malabo 'yon lalo na sa mga tulad nilang may mga matataas na social status. "" Ay, oo nga, 'no? Magkaibigan pa ang mga pamilya nila kaya posibleng pinakasundo nga sila, " pagsang-ayon ni Jana sabay tingin muli sakin. " Pero bakit hindi sinabi ni Sir Joaquin sa'yo ang tungkol doon? "" Malay ko. " Kibi
Lahat kami ngayon ay nasa kuwarto ni Zachary. Nakapalibot kami ngayon sa kaniya pero hindi pa rin siya nagsasalita kahit na anong gawing piga ng magulang namin. Hindi ko alam ang tumatakbo ngayon sa isip niya sa mga oras na ito pero alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit niya nagawa ito. " Zachary, anak, kausapin mo kami. " Mahinahong pakiusap ni Papa. " Ano bang dahilan at hindi ka na pumapasok? May problema ba sa school niyo? " Umiling ito. " Wala naman po, Pa... " " Kung ganoon, ano ngang dahilan? Bakit nag dropout ka nang hindi po ipinapaalam saamin? Mag a-apat na buwan ka na palang hindi pumapasok, pero umaalis ka pa rin ng bahay nang naka-uniporme? " Naroon pa rin ang gigil sa boses ni Mama. Kumpara kanina, kalmado na siya ngayon at hindi na nakasigaw, pero hindi pa rin naalis ang kunot sa mga noo niya at galit sa mga mata. " Zachary, ano? Hindi ka ba talaga magsasalita? Diyos ko, ano bang pumasok sa isip mo? Binibigyan ka pa ng ate mo ng allowance linggo-linggo, hi
" Si Joaquin ba ang ama ng batang dinadala mo? " Ang tanong na halos magpahinto sa paghinga ko. Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko at ang bawat butil ng pawis na bumabagsak mula sa aking sentido. Tumingin ako kay Sir Nicolas na walang kahit na anong emosyon na makikita sa mukha niya. Paano nga ba kami napunta sa ganitong stwasyon? Paano nga ba niya nalaman ang tungkol sa pagdadalang tao ko kung 'yong ama ng bata sa tiyan ko ay dalawang araw ng nasa labas ng bansa? " Tatlong araw lang akong mawawala. Pagkabalik ko, sana may sagot ka na sa kasal na inaalok ko para makakilos na tayo, " ang paalam saakin ni Sir Joaquin noong gabing paalis siya ng bansa para sa isang mahalagang trabaho. " Pero kung may sagot ka na ngayon pa lang, sabihin mo na para pag-uwi ko, magpakasal na agad tayo. " Pinaikutan ko siya ng mata. " Ewan ko sa'yo. " " Zenaida, para 'to sa bata, " aniya, " Alam kong hindi ka mabuting tao, pero kayanin mong mabago para sa magiging anak natin. " Pinanlisikan ko
" Tatawagan ka na lang namin next week... " ito na ang pangalawang beses na narinig ko ito ngayong araw. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan ang sinabi ng HR. Malamang isa sa rason kung bakit hindi ako magawang tanggapin ay dahil sa buntis ako. Inaasahan ko na 'to, pero nagbabakasakali pa rin ako. " Alright, Ma'am. Thank you. " Nakangiti akong tumalikod at naglakad palabas ng kaniyang opisina. Hindi ko 'yon inalis sa mukha ko hanggang sa makalabas ako ng kompanya. Sumilong na muna ako sa lilim at tumingin sa orasan para tantiyahin kung ilang kompanya pa ba ang pupuntahan ko para makapag-apply ng trabaho. Kahit nga walang kinalaman sa field ko, kailangan kong patusin dahil hindi sapat ang aking ipon para sa panggastos sa sarili at sa anak ko. Kinuha ko ang payong ko sa loob ng bag at binuksan ito bago tumawid sa kabilang kalsada. Alas-dose na ng tanghali, tirik na tirk ang araw. Wala pa akong kain kaya tumungo ako sa isang fast food chain para doon mananghalia
" Ayos ka lang? " ang tanong na bumasag sa ilang minutong katahimikan sa pagitan namin ni Sir Joaquin. Sa loob ng kotse niya pinili kong mag-usap kami, hindi ko gusto sa loob ng bahay namin lalo na't mayroon din akong kailangang sabihin sa kaniya na kami lang ang dapat makaalam. " Anong oras ka nakauwi? " hindi ko alam kung bakit ko 'yon tinanong, pero may nagsasabi saakin na kailangan kong alamin kung ang lalaki ba sa tabi ko ay mapagkakatiwalaan ko. " Mga ala diyes nang tanghali. May inisikaso lang saglit kaya hapon na noong makapunta ako kompanya, pero wala ka na doon, " sagot niya. " Sorry kung dumiretso na ako dito sainyo. Hindi kasi kita ma-contact kanina. " Nanatili ang mga mata ko sa labas. Hindi ko magawang tignan siya sa mata dahil nakararamdam din ako ng hiya sa naabutan niya kanina. Hindi ko alam kung hanggang saan ang narinig niya at kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya matapos ng nasaksihan niya. " Puwede ka namang umiyak, " rinig kong saad niya, " Huwag mong pi
Maingat kong inilapag sa mesa ang mangkok na may lamang tatlong itlog na nilaga. Sinimulan ko itong durong-durugin gamit ang tinidor bago ilagay ang mayo saka hinalo-halo ito. Naglagay rin ako ng kaunting asin at paminta bago ito muling haluin at ilagay sa pagitan ng dalawang buns. Napatingin ako sa kalan nang marinig ang tunog na nanggagaling sa takure kaya inihinto ko muna ang ginagawa para patayin 'yong kalan at isalin ang bagong kulong tubig sa termos. Nagtimpla ako ng dalawang gatas at ipinuwesto ito sa magkabilang dulo ng mesa. Muli kong ipinagpatuloy ang pagpapalaman sa tatlong buns at nang makuntento sa paghahanda ng almusal, hinubad ko ang suot na apron at isinabit ito sa gilid ng lababo. Tumingin ako orasan na nakasabit sa dingding, alas siyete ng umaga. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina para pumasok ang sikat ng araw mula sa labas. Maganda ang panahon ngayon, huwag sanang umulan dahil may lakad kami mamaya. " Mama! " Napatingin ako sa itaas ng hagdan nang marin
" Medyo maayos na ang kalagayan ni Papa. Uuwi rin siya ngayong araw, ate. Mayroon lang bukol sa likod ng ulo niya dahil sa pagkakabagsak kanina, " hindi ko alam kung dapat na ba akong makahinga nang maluwag sa narinig mula sa kabilang linya. " Sa pagod at init ng panahon kaya nakaramdam ng hilo kanina si Papa. Kulit kasi, ilang beses na naming pinagsasabihan na huwag ng ipagpatuloy 'yong paggawa niya noong upuan, ayaw makinig. Pinasisira na nga ngayon saakin ni Mama 'yong upuan. Tapon ko na rin daw 'yong mga kahoy at baka umulit na naman si Papa." " Saan ba niya kasi gagamitin 'yong upuan na 'yon? Ang daming silya sa bahay, 'di ba? Iyong tumba-tumba niya, sira na ba? " tanong ko saka tumingin kay Phoebe na nasa backseat ng sasakyan. Papikit-pikit na ang mata niya, mukhang inaantok na. " Hindi pa sira. Naghahanap lang ng mapaglilibangan si Papa..." sagot ni Zachary na saglit na huminto sa pagsasalita para kausapin 'yong boses na narinig ko sa background. " Ate, sandali lang ah? Tawag