Share

CHAPTER 37

Lahat kami ngayon ay nasa kuwarto ni Zachary. Nakapalibot kami ngayon sa kaniya pero hindi pa rin siya nagsasalita kahit na anong gawing piga ng magulang namin. Hindi ko alam ang tumatakbo ngayon sa isip niya sa mga oras na ito pero alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit niya nagawa ito.

" Zachary, anak, kausapin mo kami. " Mahinahong pakiusap ni Papa. " Ano bang dahilan at hindi ka na pumapasok? May problema ba sa school niyo? "

Umiling ito. " Wala naman po, Pa... "

" Kung ganoon, ano ngang dahilan? Bakit nag dropout ka nang hindi po ipinapaalam saamin? Mag a-apat na buwan ka na palang hindi pumapasok, pero umaalis ka pa rin ng bahay nang naka-uniporme? " Naroon pa rin ang gigil sa boses ni Mama. Kumpara kanina, kalmado na siya ngayon at hindi na nakasigaw, pero hindi pa rin naalis ang kunot sa mga noo niya at galit sa mga mata. " Zachary, ano? Hindi ka ba talaga magsasalita? Diyos ko, ano bang pumasok sa isip mo? Binibigyan ka pa ng ate mo ng allowance linggo-linggo, hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status