Share

CHAPTER 42

" Medyo maayos na ang kalagayan ni Papa. Uuwi rin siya ngayong araw, ate. Mayroon lang bukol sa likod ng ulo niya dahil sa pagkakabagsak kanina, " hindi ko alam kung dapat na ba akong makahinga nang maluwag sa narinig mula sa kabilang linya. " Sa pagod at init ng panahon kaya nakaramdam ng hilo kanina si Papa. Kulit kasi, ilang beses na naming pinagsasabihan na huwag ng ipagpatuloy 'yong paggawa niya noong upuan, ayaw makinig. Pinasisira na nga ngayon saakin ni Mama 'yong upuan. Tapon ko na rin daw 'yong mga kahoy at baka umulit na naman si Papa."

" Saan ba niya kasi gagamitin 'yong upuan na 'yon? Ang daming silya sa bahay, 'di ba? Iyong tumba-tumba niya, sira na ba? " tanong ko saka tumingin kay Phoebe na nasa backseat ng sasakyan. Papikit-pikit na ang mata niya, mukhang inaantok na.

" Hindi pa sira. Naghahanap lang ng mapaglilibangan si Papa..." sagot ni Zachary na saglit na huminto sa pagsasalita para kausapin 'yong boses na narinig ko sa background. " Ate, sandali lang ah? Tawag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status