" Bakit hindi ka makasagot? " Ngising tanong saakin ni ate Zekainah. " Akala mo siguro hindi ko malalaman, 'no? " Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sopa at hinila ang kamay niya palabas ng salas. Dinala ko siya sa terrace at sinigurong walang ibang tao sa paligid bago ko siya kausapin. " Paano mo nalaman ang bagay na 'yon, ate? " halos pabulong kong tanong. Bumalik ang nerbyos na nararamdaman ko kanina kaya hindi ako mapakali." May nagsabi ba sa'yo? Sino? Alam rin ba nila Mama ang tungkol dito? " Kaswal siyang tumango at sumandal sa railings. " Ilang araw kasi pagkatapos mong umalis ng bahay, pumunta rito ang boss mo. Gusto ka niyang makausap at nang malaman niyang umalis ka, kitang-kita ko kung paano bumagsak ang balikat niya. " Napaawang ang bibig ko." Pumunta talaga siya rito? Bakit? " " Iyon ang unang beses na pumunta siya rito sa bahay simula noong umalis ka. Iyong pangalawa, nakainom siya at kamuntikan pang gumawang eskandalo sa harap ng bahay natin. Mabuti na lang at napaka
" Nasa loob ka na ng simbahan, Zenaida. " Sinalubong ko ang malamig niyang tingin saakin. " Lubusin mo na ang pangungumpisal mo. Gusto kong marinig lahat. " " Bakit hindi ikaw ang gumawa, ikaw ang nakaisip 'di ba? " Mabilis akong tumalikod mula sa kaniya saka siya nilayasan. Hindi ko na nagawang magbigay galang at makapagpaalam sa madre na nakasalubong ko dahil sa pagmamadaling makalabas ng simbahan upang iwasan si Joaquin. Nasa hagdan pa lang ako pababa nang may biglang kamay ang kumapit sa braso ko dahilan upang mahinto ako. " Bakit ba palagi ka na lang nagmamadaling umalis, Zenaida? Umiiwas ka ba saakin? " Pilit kong binawi ang kamay ko na hawak niya pero masyado itong malakas. " Bitawan mo 'ko kundi sisigaw ako. " Gumuhit ang sarkastiko niyang ngiti. " Ang lakas rin naman ng loob mong pagbantaan ako. Kinakausap lang kita—" " Hina-harass mo 'ko. " Matigas kong sambit habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. " Huwag mo akong puwersahin na kausapin ka dahil wala tayong dap
Alas kuwatro nang madaling araw ay bumangon ako sa kama. HIndi ko alam kung nakatulog ba ako dahil pakiramdam ko sa buong gabi ay nakapikit lang ako dahil aktibong-aktibo ang isip ko. Lumabas ako ng kuwarto at saktong nasalubong ko si ate sa salas bitbit ang isang tasa ng kape. " Ang aga mo yatang nagising? " bati niya saakin habang hinahalo ang kape niya gamit ang kutsarita. " Hindi nga yata ako nakatulog buong gabi, " sagot ko saka lumakad patungo sa pintuan. Madilim pa rin sa labas pero nagsisimula ng magtilaukan ang ibang tandang mula sa aming mga kapitbahay. Parang ang sarap mag jogging ngayon. " Hind ka pinatulog dahil sa naging pag-uusap niyo ng ama ni Phoebe? " Naupo si ate Zekainah sa sopa. " Ano ngayon ang binabalak mo? Uuwi pa rin ba kayo mamaya? " Hindi ko ito nagawang sagutin. Natulala lang ako sa kawalan habang binabalikan ang naging pag-uusap namin ni Joaquin na hindi ko alam kung paano nagtapos. " Ginawa 'yon ni Papa? " hindi makapaniwalang saad ni Joaquin noong s
" Ano? Magkasama kayo ni Sir Joaquin? " Inilayo ko nang bahagya sa tainga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Jana mula sa kabialng linya. " Anong...paanong nangyari 'yon? Okay na kayo? Bakit ang bilis naman ng pagkakaayos niyo? " " Jana, kalma, okay? Hayaan mo muna akong magsalita, " saad ko habang pinagmasdan ang dalampasigan kung saan naliligo ang mag-ama. Nasa pinaka-ibabaw lang sila kung saan hanggang tuhod lang ni Joaquin ang taas ng tubig, habang si Phoebe naman ay kailangan ng masasakyang salbabida upang lumutang siya. " Paano ko magagawang kumalma, ginulat mo ako sa binalita mo?! " ani Jana, " So kaya pala absent ngayon si Sir Joaquin, ha? Alam mo bang nagpunta dito kanina 'yong assistant ni Sir Nicolas? Hinahanap si Sir Joaquin, pero hindi naman namin alam ang isasagot dahil wala naman kahit na sino saamin ang may alam kung bakit hindi siya ngayon pumasok. Mabuti na lang tumawag ka, at least ngayon, alam ko na. Dapat na ba kaming mag expect ng baby number two?
Napabuga ako sa hangin matapos kong ibalik sa client ko ang down payment niya dahil hindi ko nagawang tapusin 'yong ipinagawa niya. Alam kong disappointed siya saakin dahil sa halos isang taon naming magka-trabaho, ngayon lang ako pumalpak ng ganito. Ni wala akong dalang laptop, paano ko matatapos 'yong task na 'yon? Hindi rin stable ang internet connection dito sa lugar kaya alas kuwatro y medya nang hapon na ako nakasagot sa email ng client ko na dapat maaga pa lang ay nasabihan ko na siya. Nakakahiya. " Bakit ganiyan ang hitsura mo? " mula sa pagkakaupo sa sopa, napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Joaquin. Hawak niya sa kamay si Phoebe na may iniinom na buko shake. Mabuti pa sila, nagagawang mag chill, samantalang ako, problemado sa nangyari. " Wala, tungkol lang sa trabaho, " sagot ko saka ibinaba ang cellphone ko sa gilid para tawagin si Phoebe na binitawan ang kamay ng ama niya para lumapit saakin. " Huwag ka na mag trabaho. " Bahagyang bumilog ang mata ko s
Nagising ako bandang alas siyete ng umaga. Wala na si Phoebe sa kama kaya bumangon agad ako at lumabas ng kuwarto. Walang tao sa salas at nang sumilip ako sa dining area, may pagkain ng nakalatag sa mesa at isang baso ng gatas na mainit-init pa nang hawakan ko ito. Lumakad ako patungo sa balkonahe at nakita ko agad sa 'di kalayuan sina Joaquin at Phoebe na naglalakad-lakad sa dalampasigan. Saktong lumingon sa gawi ko si Phoebe, kinawayan ako at sumenyas na lumabas para puntahan sila. Umalis ako sa balkonahe at huminto saglit sa mesa para inumin 'yong gatas bago ako tuluyang lumabas ng cottage at puntahan sila. " Mama! " Patakbo akong nilapitan ni Phoebe para yumakap sa binti ko. Tumalungko ako sa harap niya para magpantay ang tingin naming dalawa. " Good morning, baby. Mukhang maganda ang gising mo, ah? " saad ko dahil ngiting-ngiti siya ngayon na para bang bago ako makarating sa puwesto nila ay may maganda silang pinag-uusapang mag-ama. Inangat ko ang tingin kay Joaquin, balak ko
" Happy birthday, Phoebe! " Sabay-sabay naming bati kasabay ng paghipan ni Phoebe sa candle na nasa ibabaw ng cake niya. Nagpalakpakan ang lahat, ganoon rin si Phoebe na mababakas ang kaligayahan sa mukha. Ibinaba ko ang cake sa mesa kasama ng mag regalong natanggap ni Phoebe mula sa mga bisita. " Baby, palitan muna kita ng damit, ah? " Kinuha ko siya mula kay Joaquin. " Ikaw muna bahala sa mga bisita. Saglit lang kami." Tumango si Joaquin at kinuha ang mikropono para muling kuhanin ang atensyon ng mga bisita. Wala kaming kinuhang mga tao para mag organize ng birthday party ni Phoebe. Kami mismo ni Joaquin ang nag asikaso ng lahat mula sa mga dekorasyon at sa mga pagkain. Kami rin dalawa ang nag emcee na hindi na rin mahirap gawin dahil sa prospesyon namin. Akala ko nga nong una, hindi niya ako sasang-ayunan tungkol sa simpleng handaan kung saan kami lang dalawa ang mag-aasikaso ng lahat, pero nagkamali ako dahil sa aming dalawa, siya ang tutok na tutok sa pag-aasikaso dito. " Hap
Ilang beses akong nagpabaling-baling ng higa sa kama para hanapin ang puwesto ko pero kahit na anong gawin ko, hindi ko pa rin magawang makatulog. Ayaw akong dalawin ng antok kahit na anong pikit ko dahil patuloy akong binubulabog ng mga nalaman ko. Maingat akong bumangon sa kama at binuksan ang lampshade na nakapatong sa lamesitang na sa gilid ko. Nilingon ko si Joaquin, nakatalikod siya ng higa mula saakin. Paano niya nagawang makatulog agad matapos ikuwento saakin ang lahat? Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, mayroon akong kailangang gawin para tulungan siyng buhatin ang bagay na pilit pinabubuhat sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesitang nasa gilid ko. Sumandal ako sa headboard ng kama dahil kailangan kong mag research tungkol sa sitwasyon ni Dawn. Obsessive love disorder. Isang psychological condition na kung saan ang taong nakararanas nito ay tila ba wala ng kontrol sa emosyon at nararamdaman niyang pagkahumaling sa isang tao. " Ilang beses siyang na