Si Venus Cristobal ay isang dalagang mataas ang pangarap. Lumaki siya sa hirap kaya gusto naman niyang makaranas ng kaginhawahan sa buhay.
Sa edad na bente ay mag-isa na siyang namumuhay. Parehong patay na ang kan'yang mga magulang at tanging ang kanilang lumang bahay lamang ang naiwan sa kan'ya.Biniyayaan si Venus ng magandang mukha at katawang sobrang pinagpala. Halos lahat ng kalalakihan sa kanilang lugar ay pinagpapatansyahan siya."Hi, Venus!" bati ni Diego kay Venus. Si Diego ay masugid niyang manliligaw. Guwapo ito at malakas ang sex appeal. Wala itong trabaho at nakikitira lang sa kan'yang tiyahin dito sa Bulacan.."Bakit na naman?" iritang tanong ni Venus sa binata. Palagi kasi itong nakatambay sa labas ng kan'yang bahay."Hatid na kita!" alok ni Diego sa dalaga.Inirapan ito ni Venus at dire-diretsong naglakad na parang hindi narinig ang binata."Venus, wait!" hinabol ni Diego si Venus na dire-diretsong naglalakad. Lakad-takbo ang ginawa nito maabutan lamang ang dalaga."Ano ba Diego? Baka malate ako!" pasigaw na wika ni Venus. Ang totoo, lihim na din niyang nagugustuhan ang binata ngunit pinipigilan n'ya lamang ang kan'yang nararamdaman dahil ayaw niyang maging sagabal si Diego sa mga pangarap niya."Venus, hayaan mong ihatid kita please! Delikado para sa'yo ang lumakad mag-isa. Alam mo naman na maraming lalaki d'yan sa tabi-tabi ang patay na patay sa'yo." wika ng binata habang nakahawak sa dibdib. Hiningal kasi ito kakahabol sa dalaga.Naisip ni Venus na tama nga ang sinabi ni Diego. Nasa depress area sila nakatira, madalas puro adik at lasing ang nakakasalubong niya."Sige, papayag akong ihatid mo ako pero sa isang kondisyon."Nanlaki ang mata ng binata, ngayon lang kasi n'ya napapayag ang dalaga na magpahatid sa kan'ya."Anong kondisyon?" tanong ni Diego."Basta susunduin mo 'ko mamaya." wika ni venus. Naisip ni Venus na magpahatid at magpasundo sa binata para na rin sa kan'yang seguridad.Maya maya pa ay nakarating na sila sa kanto. Agad pumara ng tricycle ang binata, nagulat si Venus sa ginawa ni Diego."Uy, bakit tricycle? Jeep lang tayo."Tinitipid kasi ni Venus ang pera niya dahil hindi naman araw-araw ay may raket siya."Ako bahala!" pagyayabang ni Diego."Naku, saan ka naman nakakuha ng pera aber?" alam kasi ni Venus na walang trabaho si Diego at umaasa lamang ito sa kan'yang tiyahin.Hindi siya sinagot ni diego bagkus ay nagpatiuna itong sumakay sa tricycle. Sumakay na lang din si Venus dahil baka malate pa siya.Si Venus ay isang freelance model. Ginagamit niya ang kan'yang mukha at katawan para magkapera. Sumasideline siya bilang model ng underwear sa isang sikat na kumpanya.Nang makarating sila sa studio ay agad siyang bumaba para umabot siya sa call time. Hindi na niya nagawang magpasalamat kay Diego.Pagpasok na pagpasok pa lang ni Venus ay nakasimangot na mukha ang sumalubong sa kan'ya."Kabago-bago nagpapalate na? Ano ka gold?" pagtataray ng Makeup Artist sa kan'ya."Pasensya na po, ang tagal kasing may dumaang jeep." palusot ni Venus.Agad siyang nagpalit ng robe. Inumpisahan na rin s'yang ayusan ng mga bakla. Hindi na nahirapan ang mga Make up Artist sa kan'ya dahil natural na s'yang maganda.Nang matapos siyang ayusan, pumunta agad si Venus sa dressing room upang isuot ang mga underwear na imomodel niya.Inuna niyang suotin ang isang red underwear at isang manipis na manipis na white sando. Wala siyang suot na bra at tanging nipple tape lang ang nakalagay sa kan'yang ut*ng. Dahilan para bumakat ang natural at malintog niyang dibdib.Lumabas siyang naka robe at saka lumapit sa mga Photographer."Ms Venus, mag-sstart na tayo within 3 minutes. Get ready!" wika ng photographer.Huminga ng malalim si Venus at dahan dahang inalis ang suot niyang robe. Napalunok naman ang mga kalalakihan sa loob ng studio nang makita ang suot ni Venus.Nag-uumpisa ng umanggulo si Venus nang makita niya si Diego sa 'di kalayuan. Blangko ang ekspresyon ng binata habang titig na titig ito sa kan'ya.Hindi na lang pinansin ni Venus ang presensya ni Diego at sinunod na lang niya ang utos ng mga Photographer."Ok, another pose miss Venus. 'Yung nakakaakit naman."Sinunod naman ni Venus ang utos ng photographer at nangaakit na tumingin sa camera.Hindi nagustuhan ni Diego ang pose na 'yon ni Venus. Hindi n'ya kayang tignan ang dalaga habang nangaakit ang mukha nito.Ilang sunod-sunod na shots pa ang ginawa ng photographer saka inutusan si Venus na magpalit ng damit.Pumasok muli sa dressing room si Venus at saka nagpalit ng underwear. Sinuot niya ang kulay puting lingerie saka kulay puti rin na T-back.Gaya kanina ay lumabas siyang naka robe ulit at saka hinintay ang hudyat ng Photographer kung kelan niya huhubarin.Kung kanina ay nakatayo lamang siyang umaanggulo. Ngayon ay may props ng sofa. Inutusan siyang humiga patagilid doon at umanggulo habang kagat-kagat ang labi.Sinunod naman ni venus ang mga utos sa kan'ya. Humiga siya patagilid at saka kinagat ang labi.Biglang sumagi sa isip ni Venus na naroon nga pala si Diego at nanunuod sa kan'ya. Napatingin si Venus sa kinatatayuan ng binata habang nakakagat labi siya. Agad namang nag-iwas ng tingin si Diego sa kan'ya.Hindi alam ni diego kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Tama ngang nag-eenjoy siyang makita ang katawan ng dalaga ngunit ang kinaiinis niya ay bukod sa kan'ya ay may iba pang mga mata ang nag-fifiesta sa katawan ng dalaga."Ok, pahinga muna. After 30 minutes, maya maya third set na tayo."Isa-isang naglabasan ang mga photographer para mag meryenda. Agad namang nagpalit ng damit si Venus saka pumunta sa kinaroroonan ni Diego."Tara sa labas!" hinila ni Venus si Diego palabas. Dahil nagtitipid, do'n nalang sa sari-sari store nila napiling mag meryenda.Tahimik lang si Diego habang umiinom ng soft drinks. Si Venus naman ay abala sa pagkain ng skyflakes. Tahimik lang ang binata hanggang sa matapos silang kumain."Naiinip ka na ba?" si Venus na ang nagbasag ng katahimikan.Hindi pa rin kumibo ang binata, hindi niya alam kung bakit bigla itong naging tahimik. Sa loob kasi ng isang buwan nitong panliligaw sa kan'ya ay nasanay siyang kinukulit s'ya nito."Kapag 'di ka kumibo, hahalikan kita!" banta ni Venus sa binata.Para itong walang narinig, dire-diretso itong naglakad pabalik ng studio. Hinila ni Venus si Diego paharap sa kan'ya para kausapin. Laking gulat niya ng halikan siya ng binata. Mapusok ang halik nito at mapag-angkin. Wala itong pakialam kahit nasa gitna pa sila ng daan.Napahawak si Venus sa batok ni Diego dahil nadadala na rin siya sa paraan ng paghalik ng binata."Venus," paos na wika ni Diego habang nakahawak sa bewang ng dalaga."Mmmm," tanging sagot ni Venus ng lumipat sa kan'yang leeg ang mga halik ng binata.Natigil lang ang kanilang paghahalikan ng may biglang bumusina mula sa kanilang likuran."Hoy! 'wag kayo d'yan maglandian. Mag-motel kayo!" galit na wika ng Driver.Kapwa sila hiyang hiya, hindi na nila nagawang lingonin ang Driver at patakbong bumalik sa studio.Pagdating nila sa studio, naroon na ang mga photographer at kanina pa naghibintay sa kan'ya.Dali-dali siyang nagtungo sa dressing room para magpalit ng damit.Nagulat si Venus nang makita niyang tanging T-back underwear na kulay pink lang ang nakalatag sa lamesa."Nasa'n po 'yung tops?" tanong ni Venus sa makeup artist."Ang alam ko, 'yan lang ang isusuot mo sa third set." sagot ng baklang makeup artist sa kan'ya.Kahit nag-aalangan, sinuot pa rin ni venus ang T-back na kulay pink. Inisip nalang n'yang kasama ito sa kan'yang trabaho.Lumabas si Venus ng naka robe at naglakad patungo sa mini stages.Inutusan siya ng Photographer na maupo paharap sa upuan. Sinunod naman iyon ni Venus.Maya maya pa ay hinubad na ni Venus ang kaniyang suot na roba. Nagulat si Diego sa ginawa ng dalaga.Nakaharap ito sa upuan at nakatalikod sa camera. Tanging t-back lang ang suot ni Venus at wala itong suot pang itaas.Manghang-mangha si Diego sa ganda ng hubog ng katawan ni Venus ngunit agad napalitan ng inis nang makitang lumapit ang isa sa mga Cameraman at hinawakan ang likod ng dalaga.Hindi nagustuhan ni Diego ang ginawa ng lalaki. Hindi na nakapagtimpi pa si Diego at agad na nilapitan at pinagsusuntok ang Photographer.Nagulat si Venus sa ginawa ng binata. Dali-dali niyang isinuot ang kaniyang roba at pilit na inawat ang binata."Papatayin kita!" sigaw ni Diego habang patuloy na sinusuntok ang lalaki. "Diego! tama na!" awat ng dalaga. Hindi tumitigil si Diego sa pagsuntok sa Photographer kahit na duguan na ang mukha nito.Sumaklolo naman ang mga kasamahang Photographer ng lalaki at pinagtulungang bugbugin si Diego.Hindi malaman ni Venus ang kaniyang gagawin. Si Diego ay nakahandusay na sa sahig habang tinatadyakan ng mga lalaki. Duguan na rin ito at pikit na ang isang mata.Dali-daling nagpalit ng damit si Venus, paglabas niya sa dressing room ay mag-isa na lang ang binata. Umalis na ang mga photographer na bumugbog dito."Diego," wika niya sa binata. Iminulat nito ang mga mata sabay yakap sa dalaga."Dadalin kita sa Ospital!" inakay ni Venus patayo ang binata. Dahil mabigat ito, ay natumba silang dalawa. "H-hindi na kailangan, Venus." wika ni Diego habang iniinda ang mga tinamo na sugat."H'wag
"Umuwi ka na!" dali-daling tumayo si venus at isa-isang pinulot ang damit sa sahig."Bakit?" hindi alam ni Diego kung bakit nag-iba ang mood ni Venus.Hindi siya sinagot nito, Pumasok na ng k'warto si Venus habang si Diego ay naiwang tulala sa sala.Agad din naman itong nagbihis at umuwi.KINABUKASAN,Maagang gumising si Diego para dalan ng almusal ang dalaga. Bumili ito ng pandesal at kape. Hiniram niya ang bike ng kaniyang tita at saka excited na pumunta sa bahay ng dalaga.Sa nangyari sa kanila kagabi ay mas lalong tumindi ang pagkagusto ng binata sa dalaga. Nanghinayang nga lang siya ng naudlot ang kanilang pag-iisa."Tao po! Venus?" "May kumakatok," wika ni Glo kay Venus.Hindi kumibo ang dalaga. Tumayo si Glo upang pagbuksan ang tao sa labas. Si Glo ay ang matalik na kaibigan ni Venus."Diego, ang guwapo mo naman, halika pasok ka!" niyaya ni Glo ang binata na pumasok sa loob at pinaupo ito sa sala."Venus, may bisita ka." tumayo si Glo upang tawagin si Venus."Sabihin mo wal
Kinabukasan,Nagmamadaling lumabas si Venus ng kanilang bahay dahil may usapan sila ng kaibigan niyang si Glo na magkikita sa palengke. Bukas na kasi ang kaarawan ni Ralph at naisip nilang bumili ng bagong damit dahil alam nilang engrande ang party.Natigilan si Venus matapos niyang makita na walang Diego na nag-aantay sa kaniya sa labas. Naisip niyang marahil ay galit ito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pambabasted dito.Aminin man niya o hindi ay nasaktan din siya sa kaniyang nagawa. Gusto niya rin kasi ang binata ngunit kailangan niyang iisang tabi ang kaniyang nararamdaman para rito.Habang naglalakad patungong sakayan ay hindi niya mapigilan na ilibot ang kaniyang mata. Hinahanap niya ang binata at nagbabaka sakaling nasa likuran niya ito."Umaasa ka pa talagang susundan ka niya?" sermon niya sa kaniyang sarili. Pakiramdam ni Venus ay parang lalagnatin siya dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Halos hindi niya maihakbang ang kaniyang paa at hindi niya napapansin ang luhang dumad
VENUS POINT OF VIEW.Mabigat ang katawan ko ngayon at para akong lalagnatin. Gusto ko pa sanang mag-extend pa nang pagtulog kaso naalala ko na ngayon na pala ang kaarawan ni Ralph."Omg! Kailangan ko nang mag-ayos!"Dali-dali ko ng inayos ang aking mga gagamitin mamaya tulad ng aking mga make up at susuoting damit."Kailangang mangibabaw ang kagandahan ko mamaya. Kailangan kong maakit ang anak ni Kapitan!" Para kasi sa 'kin, ay si Ralph na ang magiging tulay ko para makaalis na ako rito sa putikan. Nakakasawa na kasing maging mahirap!Kahit na hindi ko naman talaga siya type ay pipilitin ko pa rin siyang gustuhin. Naisip ko lang, ano kaya ang pakiramdam ng ipinanganak na mayaman? 'Yung tipong mag-aalmusal ka na punong-puno ng pagkain ang mesa. May mga bacon, tocino at isang pack na hotdog tapos ang panulak ko ay fresh orange juice kaso hindi ko iyon gagalawin dahil late na 'ko sa work tapos kapag matigas ang ulo ko, ipapatapon ako nila mom at dad sa states.Ang sarap siguro sa paki
Pagdating nila sa loob ng bahay nila Ralph ay kaagad na silang sinalubong ng mga magulang nito. inayos pa nga ni Venus ang pagkakatayo niya aat pasimpleng hinala pababa ang suot niyang dress."Iho, kanina ka pa namin hinahanap. your dad is tired. ikaw na ang bahala sa mga bisita natin at magpapahinga na nuna kami saglit.""ok, mom."Buong akala ni Venus ay ipapakilala siya ni Ralph sa mga magulang nito. at gaya ng sinabi ni Ralph kanina ay matutuwa raw ito kapag nakita siya ngunit kabaligtaran ang nangyari. hindi man lang siya nagawang batiin ng mga magulang nito kahit ng magandang gabi."hay, saan naman kaya nakuha ng anak mo 'yung babaeng kasama niya. mukhang kaladkarin e,"Nasaktan si Venus sa narinig. Hindi ganito ang ineexpect niyang mangyayari. Nagpanggap na lamang siya na walang narinig pero deep inside ay bigdeal na sa kaniya ang sinabi ng kapitan."Ahh, Venus. ok ka lang ba?" napansin ni Ralph na biglang nawala sa mood ang dalaga. Narinig din kasi ni Ralph ang sinabi ng kaniy
Napanganga si Venus nang makumpirma niyang si Diego pala ang lalaki na sumusunod sa kanila. ngunit isang malaking palaisipan sa kaniya kung bakit sila nito sinusundan."Hindi kaya desperado na siya at balak niya akong rape-in? hindi naman sigur, pero, bakit niya kami.sinsundan?" sa isip-isip ni Venus.Naestatwa naman si Glo nang makita si Diego. "Venus, feeling ko kaya tayo sinusundan ni Diego ay dahil gusto niyang makasigurado na makakauwi tayo ng ligtas. ang bait niya, grabe!!!" kilig na pagkskasabi ni Glo sa kaibigan.napakagat ng diliri si Venus. ngayon lang niya napagtanto.na tama ang sinabi ni Glo. na wala itong ibang intesyon na masama. humanga siyang muli sa binata. na kahit binasted niya ito ay patuloy pa rin nitong ipinaparamdam kay Venus na nasa tabi lang niya ito. iyon nga lang hindi siya nito kinakausap.dire-diretso lang kasi itong lumapit sa mga kaibigang tambay na animo'y hindi sila nakita."Sayang Venus, gusto ko sana siyang pasalamatan kaso hindi niya tayo kinausap m
Dahil maagang na-inform ni Venus ang binata ay talagang nakapaghanda ito sa kanilang lakad ngayon. naligo at nagbihis ito ng desente. nagsapatos din ito at nagsuot ng shades. talagang masasabi mo na kayang-kaya nitong makipagsabayan sa ibang mga nag guwa-guwapuhang mga artista."hala! ngayon ko lang siya nakita ng nakasuot ng disente." wika ni Venus sa kaniyang isipan.Tila nag-slow motion ang paglalakad ng binata sa paningin ni Venus. animoy nasa alapaap silang talaga. her mouth dropped open nang malapitan na niyang nasilayan ang super clear skin na si Diego at nang mamoy ang very manly nitong pabango."shet, kanino kaya siya naki spray ng pabango?" sa may mga ekpertong pang amoy kasi pagdating sa pabango ay kaagad na marerekogna na hindi basta-basta ang gamit nitong pabango.anyway. Hindi na issue 'yon. what matter is nagagalak siya at sa wakas ay ok na sila. "Venus, uyy! uyy! ang lalim ata ng iniisip mo?""w-wala a-akong iniisip," out of nothing ay biglng napataas boses ni Venus.
Maagang gumising si Venus dahil may usapan sila ni Diego na sabay mag-aalmusal ngayon. madaling araw pa lang ay pumunta na siya sa palengke para mamili ng masarap ng ulam. balak niyang ipagluto si Diego ng masarap na almusal. dahil may budget siya ngayon ay bumili siya ng pagkain na hanggang pang isang linggo. malaking biyaya talaga ang napulot niyang pera. nabayaran na rin kasi biya ang kuryente at tubig ngunit may sumobra pa rin.Pagdating niya sa bahay ay naisipan muna niyang maligo. baka kasi bigla-bigla na lang itong dumating, mabuti na 'yung nakaayos na siya.oo. nagpapaganda si Venus para kay Diego. hindi niya rin magets kung bakit gustong-gusto niya na itong laging nakikita. nagsisisi tuloy siya kung bakit niya binasted ito. ngayon kasi, nagkabaliktaran na. siya na ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng binata.samantala.ilang sunod-sunod na katok ang narinig ni Venus habang siya ay naliligo."Sandali lang," sigaw niya dahil nasa kalagitnaan pa lang siya ng kaniyang pa