Share

Chapter Four

“Caren Marcelo, 4th year high school,” wika ni Kairos sakin habang pinapanood namin ang babaeng ayon sa kanya ay “mission” ko. 

Mag-isang kumakain ang babae sa dining table. She is wearing a school uniform: a white blouse and red checkered skirt school uniform. She’s tall and pretty. Heart shaped face, almond shaped eyes, small nose and red lips. I bet that even without make up, her face was still beautiful. I smirked when I saw that her nails were painted black.

“Her parents separated when she was young," patuloy na pagkukuwento ni Kairos. "Her mother left them and already has a family of her own. Her father was working abroad. She was under the care of her Yaya Feling.”

Tahimik ang buong bahay. That’s why. Bukod sa kanya ay wala pa akong ibang taong nakita. Mula sa kusina ay lumabas ang isang matanda. I presume it was the Yaya Feling Kairos was talking about. Inabot nito ang isang lunch box kay Caren. “Baon mo, anak.”

“Thanks, Yaya,” Caren gave a small smile to the old woman as she put the lunch box on her bag. 

Kairos smirked while turning to me. “That girl, she was like you.”

“Paano ko siya naging katulad?” sarkastikong tanong ko. “The only similarities we have is we're both beautiful.” From what I can see, she seems like a good girl.

Tinawanan ako ni Kairos. 

Tiningnan ko siya ng masama. “How dare you insult me?” How dare this death angel? Iniinsulto ba niya ako? "Hindi ba ako maganda?" 

He just simply grinned at me. “You know what? You remind me of someone...”

"So, ano, hindi nga ako maganda?" 

"Do you really want me to answer that?" hindi makapaniwalang tanong nito. "No one can see you? Does it still matter if you look beautiful or not?" 

Inirapan ko siya. "Death angel ka ba talaga? Di ba lahat ng angel, mababait? Kaya nga kayo ginawang anghel, di ba?" 

Sa inis ko ay tumawa lang siya. "You're funny. You really remind me of her." 

"Who?" 

Natigilan siya, pagkatapos at umiling. “Nevermind. Let’s go. She's leaving.” Ngayon ko lang pansin na palabas na ng bahay si Caren. Sinundan namin siya palabas ng bahay. Hindi pa siya nakakalayo sa gate ng bahay nila nang buksan niya ang bag. Kinuha niya ang lunch box na ibinigay sa kanya ni Yaya Feling. Binuksan niya iyon at lumapit sa basurahan. Napanganga ako nang itapon niya ang lahat ng laman niyon sa basurahan, pagkatapos ay saka isinara at ibinalik sa bag. 

"Ungrateful, right?" 

Sumulyap ako kay Kairos bago muling ibinalik ang tingin sa babae. Muli siyang may kinuha sa bag. Nakita ko ang hawak niya Isang kaha ng sigarilyo at lighter. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo bago ibinalik iyon sa bag. Itinapat niya ang sigarilyo sa bibig at sinindihan iyon gamit ang lighter. 

“She smokes and drinks,” wika ni Kairos habang nasa patuloy kaming nakasunod kay Caren. Nakarating kami sa labas ng subdivision. Huminto si Caren sa gilid ng kalsada at nag-abang ng bus. Bago sumakay ng bus ay isang mahabang hithit ang ginawa niya sa yosi bago iyon ininapon sa gilid ng kalsada. 

"Let's go."

Hanggang sa loob ng bus at sinundan namin ang dalaga. Naupo kami sa bakanteng upuan sa likod ni Caren.

"Saan ka, Miss?" 

"Isang St. Claire," wika ni Caren sa konduktor na lumapit sa kanya. 

Pagtapat ng konduktor sa amin ni Kairos ay nilagpasan lang kami niyon. Fuck, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong kaluluwa ngayon. 

“I miss you, babe.”

Muli akong napatingin kay Caren nang narinig ko siyang magsalita. May kausap siya sa cell phone. "Sinong kausap niya?” baling ko kay Kairos. 

“Boyfriend niya.”

Oh. She has a boyfriend. I smirked. Well, when I was her age, I already had three boyfriends. Napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Ngayon na lang ulit ako nakasakay sa bus. Kung kailan kaluluwa na ako. 

"Sabi mo kanina, naghatid ka ng kaluluwa sa impyerno? Madami bang kaluluwang naaasign sayo?" tanong ko kay Kairos. 

"Sa lahat ng na-assign sa akin, ikaw ang pinakamadaming tanong."

Umirap ako. "Masama bang magtanong?" 

"Madami kayong ihahatid ko sa impyerno." He smirked at me. "Satisfied ka na?" 

"Hindi nga sabi ako mapupunta sa impyerno!" giit ko. 

Hindi ko maintindihan itong death angel na kasama ko. Minsan, wala siyang emosyon. Minsan, minsan sobrang seryoso niya na tipong nakakatakot na tumingin. Minsan, sarcastic siya. Minsan ay biglang tatawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Tulad kanina, tinawanan ba naman ako nang igiit ko na maganda ako. Anong nakakatawa doon? Pasalamat siya at siya ang susi ko para makaakyat sa langit. 

Natigilan ako nang huminto ang bus sa pamilyar na gate ng isang eskwelahan. It was the same schooI went into in high school and college St. Claire Academy. Eight years na yata ang nakakalipas mula nang huli akong makatapak dito. Damn. I suddenly feel old. “Dito ako nag-aral,” wala sa sariling sambit ko. 

“Really? What a coincidence,” baling sa akin ni Kairos. His face was void of emotion. But there was something in his dark eyes. I don’t know what’s with this death angel. Sometimes, he’s all smirk, sometimes he’s intimidating like this. “Come on, human.” He snapped his fingers at my face. 

Ngayon ko lang namalayan na nakababa na si Caren sa bus. Dumiretso siya sa isang lalaking nakasandal sa motor at nakatambay sa labas ng St. Claire. Mukhang lider ng gang ang lalaki. Nakasuot ng puting t-shirt ang maong pants ang lalaki. Matangkad ito ay may hitsura naman kahit papaano. Puno ng tattoo ang braso nito. May piercing din ito sa tenga at sa ilong. Naalala ko ang ex-boyfriend kong si Gray sa lalaki. Pero syempre, higit na gwapo naman si Gray sa lalaking ito. Hindi ako pumapatol sa mga average looking lang. 

Itinapon ng lalaki ang sigarilyo sa lupa bago nakangiting nilapitan si Caren. “Babe, I miss you.” Hinawakan niya sa baywang si Caren. 

“That boy was her boyfriend, Jake."

We saw Caren and her boyfriend kiss in broad daylight. It was a torrid one. 

Napansin kong nag-iwas ng mga mata si Kairos. “My eyes.”

“Don’t tell me you’re a virgin?” nakangising baling ko sa kanya. “Hindi ba nakikipag-sex ang mga anghel?”

“You and your foul mouth.” Matalim na baling niya sa akin.

Natawa ako. "Weh? Totoo nga?" patuloy kong pagbibiro. "Wala kayong sex life? That's sad."

"Shut your mouth if you still want to enter heaven."

"Fine." Mukhang nayamot siya sa sinabi ko kaya pinilit kong itikom ang bibig. 

Muli naming sinundan si Caren matapos niyang magpaalam sa nobyo. She entered the campus. Hindi ko napigilang igala ang tingin pagpasok sa loob ng St. Claire. Many things have changed. Madami na ring bagong building ang nakatayo roon, halos hindi ko na rin makilala ang mga dati nang building dahil mukhang na-renovate na. Pero pamilyar pa rin sa akin ang mga lumang puno ng mahogany na nakatayo malapit sa  main gate ng campus. Sampung taon na rin nang huli akong makatapak sa St. Claire. I was hit by a sudden rush of nostalgia. Most of them are bad memories I don't want to remember anymore. 

"Wala ba tayong ibang gagawin kundi ang sundan si Caren?" tanong ko kay Kairos. I don't like this place. This school is associated with so many bad memories. 

"She's your mission. You should familiarize yourself with her life."

"I know, but I hate this place," reklamo ko. 

"Sure." Nagkibit siya ng balikat. "May choice ka naman. You can choose to go straight to hell."

Fuck. Umirap ako at napilitang sundan si Caren na umakyat sa Science building. Pagdating sa hallway ng 2nd floor ay isang lalaki ang nakabunggo kay Caren. 

“I’m sorry, Caren.” Nakayukong sambit ng binatilyo kay Caren. "I-ikaw pala yan. Hindi ko napansin."

Pinagmasdan ko ang lalaki. The boy looked like a typical high school nerd. Makapal ang suot nitong salamin sa mata. Namutla ang mukha nito nang salubungin nito ng tingin si Caren. 

“Tss...apat na nga ang mata mo hindi ka pa marunong tumingin sa dinadaanan mo,” sikmat ni Caren sa lalaki. “You’re ruining my day!” Matalim na umirap siya bago nilagpasan ang lalaki. 

I smirked. I’m starting to like this girl. Pagdating sa classroom ay inokupa niya ang isang bakanteng silya sa dulo at muling binuksan ang cellphone. Sa halip na makinig sa klase ay wala siyang inatupag kundi mag-cellphone. She also cuts class. Pagkatapos niyang tumakas sa klase ay nagpalit siya ng damit at nakipagkita sa boyfriend niya. 

“Paano natin siya susundan?” tanong ko kay Kairos nang mawala sa panigin namin si Caren. Paglabas niya kanina sa gate ay umangkas siya sa motorbike ng boyfriend niya.

Kairos just turned to me and smirked. He then snapped his fingers. Sa isang iglap ay nasa loob kami ng isang bar. It looks like an underground bar. Marami akong nakitang tulad ni Caren na tila mga high school student doon. 

“Anong gagawin natin—” Naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Caren at boyfriend niya sa entrance ng bar. 

Bumaling ako kay Kairos. I tried to hide my amazement. “You can read mind. You can teleport. What else can you do?”

“You wouldn’t want to know.” He smirked. 

“God! I missed the taste of alcohol,” wika ko nang makita ang bote ng beer na hawak ng isang babaeng dumaan.

Kairos sternly looked at me. “Do not use His name on blasphemy.”

Fuck. This death angel can really be intimidating sometimes. 

“Okay, fine.” Naupo ako sa sofa at ginala ang tingin. I can see alcohols  everywhere. "Ugh, I wanna drink." Bumaling ako kay Kairos. "I wonder, hindi ba kayo kumakain?" 

"We don't feel hunger," sagot niya na hindi tumitingin sa akin. 

"Hindi rin kayo natutulog?" 

Sa pagkakataong iyon ay bumaling na siya sa akin. "Let me ask you. Simula nang magising ka? Nakaramdam ka ba ng gutom? Ng antok?" 

"Hindi."

"That answers your question."

"But you're different from me," argue ko sa kanya. "You're a death angel."

"Shh. We're not here to chitchat. Focus on your mission."

Hinanap ko si Caren. I spotted her  on the dance floor. She was partying and dancing with her boyfriend. Napaangat pa ang kilay ko nang nakita kong nag-body shot sila. Wild. Damn. I suddenly missed my youth. I used to party this hard back then. 

Habang sinusundan ng tingin si Caren, na-realize ko na tama si Kairos. Unti-unti kong nakikita ang sarili ko kay Caren. Gantong-ganito rin ako noon. A mess. Wild. Black sheep.

“She’s just like you,” wika sa akin ni Kairos. Magkatabi kami sa sofa habang pinapanood si Caren na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. 

"Yeah." wala sa sariling sagot ko. I can see that now. 

“And your mission is to change her. Make her a better person. A better version of herself. You have sixty days to do that.”

Napaharap ako sa kay Kairos. "Change her?" hindi makapaniwalang gagad ko. "Ano ako, juvenile center? DSWD? Rehabilitation center?" 

"Akala ko ba gusto mong napunta sa langit?" ganting tanong ni Kairos. "You're such a whiner. Tatanggapin mo ba o idederetso na kita sa impyerno?" 

"Bakit kasi ganyang mission pa? Sarili ko nga, hindi ko nabago, ibang tao pa kaya? How can you expect me to change her in what, sixty days?" 

"Wala kang tiwala sa sarili mo?" 

"Of course, meron!" mabilis na sagot ko. "Pero paano ko ituturo sa kanya ang isang bagay na hindi ko alam gawin?" 

"Then, learn." Ngumiti siya. "Madali lang naman akong kausap, tatanggapin mo o ililista na kita sa impyerno?" 

Napasinghap ako.  "Fine. Fine," napipilitang papayag ko. "Pero paano ko magagawa iyong mission, eh, ni hindi naman niya ako nakikita?”

“Don’t worry, once your mission starts, she’ll be able to see you.”

"Really?" namamanghang gagad ko. "Pwede akong makita ng tao? I mean, normal na tao tulad ni Caren?"

"All is possible in this world, Cresia."

May naalala ako. "Yung matanda sa condo ko, nakikita niya ako kahit kaluluwa na ako."

He shrugged his shoulders. "There are humans who are capable of seeing souls."

"You mean, third eye?" 

"You can call it like that."

Kunsabagay, kung totoo nga na may mga anghel, bakit pa ako magtataka na may mga taong nakakakita ng kaluluwa.

"Well, enough on the chitchat." Sa isang iglap ay bumalik ang seryosong mukha ng katabi. 

“If you failed your mission, she will die,” seryosong dugtong niya na tila may halong pagbabanta. “When she dies, her soul will end up in hell. Just like yours.”

“What? But she’s not that bad!” nagtatakang sagot ko. Ganito ba talaga kahigpit sa langit? "At bakit naman siya mamamatay? Ang bata-bata pa niya!" 

“You know why? Because Caren will commit suicide. And suicide is the biggest form of sin a human can commit.” 

"So, totoo nga na kapag nagpakamatay, diretso ka sa impyerno?" 

"Because only the Cretor has the power to take back a human life," sagot ni Kairos. 

Ibinalik ko ang tingin kay Caren. She was still on the dance floor with her boyfriend. I saw the big smile on her face as she took a shot of tequila while dancing. She will commit suicide? Pero parang wala sa ugali niya ang gawin ang bagay na iyon.

"B-bakit siya magpapakamatay?" mahina ang boses na tanong ko sa katabi. "Wala naman sa mukha niya na magagawa niya iyon?" 

"I'm sorry but I can't tell you that." Ibinaling niya ang tingin sa dancefloor bago ibinalik sa sakin. “The only thing I can tell you is that part of your mission is to get her away from that guy.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status