Share

BITE ME

"HUWAG!", agad akong napasigaw at napaupo sa aking pagkakahiga. Agad na dinagundong ng kaba ang aking dibdib na agad ko namang sinapo. Entrante! Ilang mabibigat na paghinga ang aking pinakawalan habang lumilingalinga ako sa paligid ng aking silid.

Agad na napasadahan ng aking mata ang tila isang pigura na nasa sulok. Tsaka ko lamang napansin na nakadungaw na muli sa kalangitan ang mahal na Dyosa. Madilim ang paligid ngunit inangat ko ang aking kamay at nagliwanag ang mga bulaklak sa aking silid upang maging tanglaw.

Tsaka ko nakita ang paninitig sa akin ng mortal na prenteng nakaupo at nakangisi. Agad na tumaas ang aking kilay ngunit agad akong nanlamig ng maalala ko ang nangyari. Mabilisan akong tumingin sa aking kasuotan at agad akong napanganga at napayakap sa aking sarili nang makita kong iba na ang kasuotan na aking suot.

Agad akong nagtapon ng madiin na titig sa kaniya. "Entrante! Nakita mo ang lahat sa akin!", malakas kong bulyaw sa kaniya ngunit dahan-dahan lamang niyang pina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status