"Sabi ng hubarin mo na!", naiirita kong pahayag kay Mino dahil ayaw niya sumunod sa aking iniuutos. "No! Ako na lang ang maglalagay ng kung ano man 'yan!", agad niyang singhal sa akin habang pilit niyang inilalayo sa akin ang kaniyang sarili dahil sa ayaw niya na ako ang maglalagay ng halamang gamot sa kaniya. "Hindi nga kasi pwede! Ako nga ang dapat maglalagay!", malakas kong sigaw sa kaniya. Nawawala talaga ang pagiging mahinhin ko dahil sa kaniya."Kaya ko naman gawin eh! Let me do it!", sagot niya pabalik sabay inilag niya ang kaniyang sarili dahil akma ko na siyang hahawakan. "Inuubos mo ang pasensya ko!", naiinis kong pahayag dahil kanina ko pa gusto magpalit ng kasuotan dahil basang-basa pa din ako. Hindi na ako nakatiis at binitawan ko muna ang kapirasong kahoy na siyang nagsilbing sisidlan ng dinurog kong bulaklak. Agad kong ginamit ang aking bilis at nahawakan ko siya sa kaniyang balikat.Agad naman siyang nanlaban dahil sinisimulan ko ng ibaba ang kaniyang kasuotang pang-it
"Drink.", malamig kong utos sa kaniya habang nag-iiwas ako ng tingin. Iniabot ko ang sisidlang kahoy na may katas ng bulaklak at patak ng aking dugo upang inumin na lamang niya ito kaysa naman ako pa ang magpahid. Hindi na ako natutuwa sa paulit-ulit na pagwawala ng aking puso. Hindi maaari na magkaroon ako ng damdam para sa kaniya. Isang malaking pagkakamali ang umibig sa katulad niya.I saw how people cheat and play with each other's heart. Ilang makamundong pag-ibig na nga ba ang nasaksihan ko sa kanilang mundo at ilang pagkabigo na din ang aking nakita. Mababaw kung magmahal ang mga tao dahil karamihan sa kanila ay madaling matangay ng tukso at pagnanasa. Dagdag pa dito ay ang ikli ng kanilang buhay, kung ako ay iibig ay nais ko na sa matagal na panahon kami magsasama ngunit ang mga mortal ay tumatanda at namamatay.For me, the length of their lives are not enough. Gusto ko ng pag-ibig na aking mararanasan habang ako ay nabubuhay. Ilang sandali pa ay tinanggap na din niya ito at h
Prente ko lamang na pinakatitigan ang dalawang lalaking nakagapos sa isang malaking puno habang kapwa sila malamig na nakatitig sa akin habang ako ay nag-aalmusal sa kanilang harapan. "Hungry?", agad kong tanong sa kanila sabay turo sa mga pagkain na nasa lamesa at pareho lamang silang umismid sa akin. Alam ko naman na kayang-kaya ni Tiyo na makawala diyan pero batid ko na ayaw niya rin umalis dahil kung makakaalis siya ay makakaalis din si Mino at batid ko na gusto niyang pahirapan ang mortal bilang ganti sa pagtama niya sa minanipula kong puno. Minsan lang talaga kapag walang magawa sa buhay si Tiyo ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa niyang kinakasakit ng ulo ko."Masaya ba mang-inis ng isang magandang katulad ko?", mayabang kong saad sabay pareho silang napaubo na tila hindi sila sang-ayon sa aking tinuran. Agad akong napatingin sa kanila nang matalim at tinaasan ko sila ng kilay. "May angal?", matapang kong saad sa kanila. "Mas gaganda ka kung papakawalan mo kami dito.", mala
"Bakit mugto ang iyong mga mata?", agad na tanong sa akin ni Ina habang papababa ako ng hagdanan. Agad akong lumapit sa kaniya at yumakap nang mahigpit na kaniya naman ipinagtaka. "Ina nagkaroon ako ng malungkot na panaginip.", tila bata kong sumbong sa kaniya. "Nais mo bang pag-usapan 'yan iha?", malumanay niyang tanong sa akin. Ilang minuto pa ay kapwa na kami mabagal na naglalakad sa gubat upang makalasap ng sariwang hangin."Bakit ka tila umiyak iha?", malumanay na panimula sa akin ni Ina at muli na naman ako nakaramdam ng lungkot. "Nanaginip ako patungkol sa isang batang lalaki sa ating baryo Ina. Humihingi siya ng tulong sa akin ngunit wala man lang akong nagawa.", mahina kong turan habang nagsisimulang mamuo ang luha sa aking mga mata. "Pakiramdam ko Ina kasalanan ko ang lahat. Hindi ko siya naprotektahan. Tila nawalan ng hustisya ang mga sinulat niya para sa akin.", hindi na ako nakapagpigil sa pag-iyak kasabay ng malungkot na pag-abot ko kay Ina sa kwaderno na siyang sinulat
Agad na natunaw sa aking mga kamay ang yelong punyal na galing sa prinsipeng mayabang lamang na nakatingin sa akin habang iniisip ko ang kalagayan ngayon ni Mino. "Mukhang nasa alanganing kalagayan ang iyong mortal na kapareha.", agad nitong usal sa akin ngunit wala akong panahon na makipag-usap sa kaniya ngayon. "Hindi ngayon ang tamang panahon para ubusin ang aking pasensya.", agad kong malamig na usal sa kaniya.I am about to turn my back away from him ngunit muli ko na naman nasalo ang yelong punyal na kaniyang itinapon sa aking direksyon. Hindi ko na maiwasang makaramdam ng inis dahil sa kaniyang ginagawa. "Entrante! Stop it Calix!", agad kong singhal sabay bato sa kaniya pabalik ng punyal na prente lamang niyang pinigil gamit ang kaniyang titig. "Anong klaseng lengguwahe iyan prinsesa?", agad niyang tanong ngunit napangisi lamang ako. "Quit it! I already knew na maraming beses ka ng nakapunta sa mundo ng mga tao!", agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa aking tinuran.Ag
Ilang minuto pa ng aming paglalakad sa nagyeyelong gubat ay agad na kaming nakatanaw ng isang tahanan na nababalot na din ng nyebe. Agad akong huminto sa paglalakad at napahinto din si Calix. "I don't like the idea of us going there.", malamig kong pahayag dahil hindi naman namin kakilala ang kung sino man na nakatira diyan. Kailangan walang makakaalam kung nasaan kami ngayon ni Mino dahil mainit sa amin ang ibang kaharian."Chill princess, that's my place.", prente lamang na turan ni Calix at tumango na lamang ako. "Why do you have a place here in this cold dead forest?", agad kong tanong habang papalapit na kami sa may katamtamang laki na tahanan. "Because I am cold and dead too.", he said figuratively at napayuko na lamang ako dahil sa kaniyang tinuran. I knew that he is talking about our past. Ako lang naman ang nakasakit sa kaniya ng todo kaya nawala ang dating masayahing Calix na kilala ko.Ilang minuto pa ay nakapasok na kami sa loob at halata nga na hindi abandonado ang lugar
I stared at the falling snow outside the window. Sometimes I miss wearing a dress that as white as the snow. Hindi mawaksi sa isip ko ang mga bagay na pinagsamahan namin ng kababata kong si Calix sa ilalim ng kaniyang nyebe. For me, he is just a friend while he took a turn and had feelings for me na siyang aking tinutulan. I treasured our friendship at ayaw ko na sumugal sa isang pag-ibig dahil una pa lang ay alam kong hindi siya ang nararapat para sa akin. Our friendship is more important than having an intimate relationship that might destroy it. But I guess even though I tried, it ended up being shuttered in pieces."Gosh! It's freaking cold!" rinig kong saad ni Mino kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam ngunit nakaramdam na naman ako ng inis dahil sa mga kataga niya kanina."Bahala ka diyan mamatay sa lamig!" agad kong mahinang bulong sa nakatalikod na Mino na prenteng nakatingin sa larawan na nasa pader na tinignan ko kanina. Hindi ko alam pero nakaramdan na lang
Ilang beses ko ng pinakatitigan ang mapa na hawak ko na iniligay ni Calix sa bulsa ng ibinigay niyang kasuotan sa amin. It is a long cloak that covers our entire body and a large hood to hide our head and cover our faces. Naglagay na lamang ako ng pulang panyo sa aking mukha upang panapal dito. Hindi man sila magkatulad ng kulay ng aking kasuotan ay sapat na ito upang maitago ang aking katauhan.Ganoon din naman ang ayos ng mortal na nasa aking likuran. Sa muli kong pagtitig sa mapa ay batid kong kailangan lamang namin diretsuhin ang nagyeyelong landas na kasalukuyan naming tinatahak. Nagsisimula ng magreynang muli ang Dyosa sa kalangitan at wala akong balak na abutan ng dilim sa kagubatan na ito. Kitang-kita ko ang malalaking puno na balot na balot ng yelo, maging ang mga damo at bulaklak namumuti dahil sa nyebe.Kahit nakakaawa silang tignan ay mga punot halaman sila na talagang nabuhay para sa ganitong klima. Without this cold they will perish. Natatanaw ko na ang mga kabahayan na