Share

Chapter 126

Katatapos ko lang mag-impake ng mga gamit namin. Hindi na ako makapaghintay na umalis ng Pilipinas kasama sina Kalix at Lena. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang nalaman ni Miguel ang totoo. Kinaladkad ko pa talaga siya palabas ng condo ko para lang umalis.

Ngayon ang press conference nila at ngayon din ang flight namin pabalik ng Portugal. Hindi ko alam kung para saan ang press conference. Hindi rin kasi ako nagbabasa ng mga balita. Nangako siya sa akin na papatunayan niya talaga na hindi siya kalaban. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa kaniya. She's dating my cousin and everyone knows it. At hindi pa rin naglalabas ng statement si Cecile tungkol sa pinapakalat kong scandal videos nila. Wala rin akong balak burahin 'yon. Gusto kong maranasan rin nila ang pagpapahiyang ginawala nila sa akin noon nang pinagkalat nila na may relasyon kaming dalawa ni Miguel. Worst, bodyguard ko pa siya noon.

"Nandito ba lahat ng mga gamit na dadalhin natin?" tanong ko kay Lena nang pumaso
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status