Share

Chapter 141

Isang linggo na ang nakaraan at wala pa rin kaming panibagong balita na natanggap kung saan nila tinatago si Miguel. Nandito pa rin kami sa condominium unit nila. Halos hindi na ako makatulog nga maayos sa rami ng iniisip ko. Palagi akong nagigising ng madaling araw, hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko, parang may mga matang nakatitig sa akin kaya nagigising ako. At kapag nagising ako, hindi na ako makabalik sa pagtulog.

Sa sumunod na araw, nabalitaan ko na bumuti na ang kalagayan ni Daddy. Ibabalik na siya sa kulongan. Ganoondin sina Glenda at Cecile. Inilipat sila sa ibang kulongan baka maulit na naman ang nangyari sa kanila.

Napabalikwas ako ng bangon nang bumukas ang pinto. Agad akong tumayo at naglakad palapit kay Mommy ng pumasok siya sa kwarto. Hindi ko mapigilan na mapaluha sa sobrang pag-aalala.

"Don't ever leave this place without my permission, hija," bulong niya at hinaplos ang likod ko. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo nang nalaman ko na bumalik ka rito,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status