Share

Chapter 142

Bumalik ako sa apartment namin ayon sa napag-usapan plano. Magpapanggap ako na walang napapansing kakaiba sa paligid at namumuhay ng normal. Mag-iisang linggo ng ganito ang ginagawa ko. Gusto kong i-confront si Avery pero natatakot ako na baka masira ang plano.

"Nakasunod siya sa 'yo ngayon, Caroline," saad ni Monica sa kabilang linya.

Luminga-linga ako sa paligid. Umupo ako sa bench na nasa tapat ng convenience store at nagkunwaring may pinapakinggan. Kausap ko pa rin si Monica dahil mino-monitor nila kung ano ang gagawin ni Avery kapag nakita niya akong nag-iisa.

Binuksan ko ang camera ng cellphone ko at nagkunwaring kumukuha ng litrato kahit ang gusto ko lang naman gawin ay malaman kung nasaan siya. Kumuha ako ng ilang shots at videos sa buong paligid.

"Caroline?"

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko nang narinig ko ang boses niya. Nakangiti siya sa akin na parang nagulat nang nakita niya ako.

"A-Avery?" Tumayo ako at yumakap sa kaniya. "How are you? It's been awhile!"

"Mabut
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status