Share

Chapter 93

Umupo ako sa kama pagkatapos kong magbihis habang si Miguel naman ay hindi pa tapos maligo. Napalingon ako sa cellphone niya nang napansin kong may tumatawag. Tumayo ako upang tingnan 'yon.

"Love?" sambit ko nang nakita ang pangalan ng caller. Ibinalik ko ito sa ibabaw ng mesa nang hindi ko na narinig ang tunog ng shower.

"Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo," bulalas niya paglabas galing sa banyo.

Niyakap ko ang aking sarili nang naramdaman ko ang malamig na hangin galing sa labas.

"Kumportable ka ba sa suot?" tanong niya nang tapos na siyang magbihis.

Tumango ako. Nakatingin pa rin ako sa cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Gusto kong makilala ang babaeng pinalit niya sa akin. Bahala na kung desperada ako.

"Matulog ka na. May tatawagan lang ako," sabi niya at kinuha ang cellphone.

"Sige," tipid kong sagot bago humiga sa kama.

Lumabas siya ng kwarto. Baka tatawagan niya ang girlfriend niya. Isinara niya ang pinto. Dahil curious
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status