HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung
"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na araw na iyon. Oo, matatawag kong kahindik-hindik ang mga iyon dahil sa damuhong 'yon!"Alam mo, Sandra. Sa tuwing nakikita ko ang videos ni Theo James, si Elias na ang nakikita ko! Oh My God! He's just so freaking good looking! Hindi ko talaga masisisi ang ibang babae na niluluhuran siya at halos hagkan na ang mga paa because I, too, would do that!" Anang talanding babaitang kumakain ng chicken sandwich. She was scrolling on her phone and everytime there's a video of Theo James appearing on a certain application, she'll shreik and showed it to me.Jusko, kulang na lang malaglag ang panty niya!"Tsk. Tigilan mo mga iyang pagkilig-kilig mo sa lalaking iyon, yes maybe he's freaking hot pero sobrang bastos naman! Tss. Aanhin naman niya ang kaguwapuhan niya gago naman?" Simangot ko, umaasang kakampihan ng kaibigan but the brute even screamed more!"Ahhh! Gustong-gusto ko 'yon! If he'd do that to me, luluhod pa ako
"I JUST want to remind you that once you start working with him, you are not allowed to mention it to anyone. And that, as well, was stated in your contract. Nagkakaintindihan ba tayo?" Allison said in a stern, professional voice. Lumunok ako at saka tuwid na umupo saka siya magaang nginitian. "Noted, Ma'am. I won't do anything that can harm Mr. Villacaza..." Kahit pa man gusto kong masuka sa kapangitan ng ugali ng hinayupak na iyon pero hindi naman sa puntong kaya ko siyang ipahamak. Lalo pa at siya na ngayon ang trabaho ko. Wait, parang ang laswa pakinggan. Sa kanya na ako magtatrabaho, siya na ang magpapasahod sa akin. "Alright, that's nice to hear, then. Starting tomorrow, you'll be with him wherever he is." Aniya na ikinanlaki ng mata ako! "Pagod na pagod na ako sa pagiging gala ng lalaking 'yon." Dagdag ni Ma'am Allison at minasahe pa ang sentido na para bang isang malaking batang pasaway ang tinutukoy niya.Wait... Kung simula bukas ay naroon ako kung nasaan siya, paano ang
MY NOSE scrunch as I roamed my eyes outside of the van. Parang napapalayo na kami sa kabihasnan. Parang hindi naman ito ang ini-imagine kong bahay ng artista! Ang alam kong bahay ng artista ay nasa syudad, iyong nagtataasang building at maraming guards na subdivision! Pero ito, hindi! Sobrang layo! O baka naman kaya malayo kasi hindi talaga mayaman si Elias at palabas lang lahat! Oo palabas lang para magustuhan siya ng mga tao! “Nandito na po tayo, ma'am…” anang driver at saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot ang noo ko at napalingon nang tuluyang makababa. Bumungad sa akin ang pilak na malaking gate. Gate pa lang iyon at wala pa akong nakikitang bahay! “Maghintay lamang po kayo ng kaunti ma'am at parating na ho ang golf cart na maghahatid sa inyo sa mansion ni sir.” Anang driver na siguro ay napansin ang paglulumikot ng mata ko. Napatango-tango ako at hindi na rin nagsalita. Masyadong malayo ang lugar na ito sa kabihasnan ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko
"Woohoo! Inom pa! Huwag kang mahiya! We should celebrate this fucking night because we deserve it! Finally! Nakalabas din sa college life! Wala ng school works! Wala ng bugnuting propesor!" Nadine ranted, one of our batch mates. "Goodbye, sleepless nights! Goodbye, eyebags!" Ngumuso ako at nilagok ang isang shot na inabot sa akin. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pait na dumadaloy sa aking lalamunan. Hindi talaga ako sanay sa alak, at hindi ko alam kung kailan ako masasanay. Ayaw ko rin namang masanay. "B-baka magjowa ang mabuksan ko!" I responded in horror. "Kaga-graduate lang natin ayaw kong umuwi ng bukid na may bugbog, ha!" Sambit ko at kinuha na naman ang inabot na shot sa akin. "Hoy, ang dadaya! Bakit sunud-sunod naman 'yung shot ko? Alam ni'yo namang hindi ako umiinom!" Reklamo ko nang mapansin ang ginagawa nila. Nagpalipat-lipat sila ng tingin sa isa't isa at sabay na nagkitbit ng balikat. Ang isa ay ininom ang kanyang shot ngunit may malokong ngisi sa mga labi
I felt the soreness all over my body. Hindi ako pinanganak lamang kahapon para hindi malaman ang nangyari sa amin. Oo nga at marami akong alak na nainom but I knew to myself that I liked it too, I had a chance to push him away or screamed all my lungs out to get out of his grip but I did not. Because I wanted it. I really like it.I took a deep breath and I decided to open my eyes. Kung ano ang itsura bago kami makatulog, ganoon pa rin naman ang itsura, dimmed pa rin ang lights. Ang kaibahan lamang ay wala akong damit. Bumangon ako sa kama kahit pa sobrang nanakit ang aking katawan upang hanapin ang damit ko. Itinapis kong maigi sa aking katawan ang puting kumot para hindi makitaan. Isa-isa kong dinampot ang damit kong nakakalat sa sahig at kahit napapangiwi sa sakit ng katawan ay tiniis ko na lang maisuot lang ang damit. We did it not only once but thrice. In all corners, in all positions that he knew. Nagrereklamo ako? Hindi naman. Just like what I've said, I wanted it too. Kahit
||FOUR YEARS LATER|| "Inez!" Malakas kong tawag sa kanya. "Bumalik ka ritong bata ka!" Nakapameywang kong sinabi. "Hindi! Yoko uwi! Hindi kita lab!" Aniya at malditang pinagkrus ang maliliit na braso sa dibdib. Masama ang kanyang tingin sa akin. "Hanapin ko papa ko! Alis ako! Iwan kita! Di kita lab!" Tumalikod siya at hirap na hirap na isinabit sa maliit na balikat ang shoulder bag. Ano naman kaya ang laman niyan bakit parang bigat na bigat siya? Nasampal ko ang aking noo nang makita siyang madapa matapos matisod ng bato. Ngunit bilang siya ay isang strong and independent malditang Inez Isabelle, tumayo siya at parang walang nangyaring lumakad ulit. Napa-iling akong sinundan siya. "Sige, aalis ka? May pamasahe ka ba?" Nanliit ang mata ko nang mapatigil siya. "Paano mo hahanapin ang tatay mo kung wala kang pamasahe? Hindi ka naman pwedeng maglakad dahil aabutin ka ng limang taon. Sige ka, baka may mga masasamang loob makakita sa'yo sa daan tapos gawin kang vetsin, paano mo pa makik