They hated each other's guts ever since their paths crossed. Her as his personal assistant and him as the most successful and arrogant actor in the country. So when her contract with him ended, she promised herself that she would never want to meet him or even have a glance at his face again. Ngunit sadyang mapaglaro ngang talaga ang tadhana, kung kailan mo ipinagdarasal na hindi mangyari ay siyang mangyayari. Dahil sa dare ng kanyang mga kaibigan ay nagbago ang kanyang buhay. Four years later, she came back to meet him. Not because she wants him for herself but for the fruit of what they did because of that dare years ago. Their daughter. Maniniwala kaya siyang kanya ito? O ipagtatabuyan niya dahil sa kanilang huling sagutan?
View More"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung
"WHAT the hell, happened to you?!" Danice blurted out in horror as she scans my whole being.Nasa labas ako ng apartment niya. Ilang minuto nang makarating ako rito ay saka ko pa lamang siya tinext. Ang akala ko ay wala siya rito ngayon kaya naisip ko ng maupo muna sa labas ng apartment niya at maghintay hanggang sa makarating siya. "A-ano..." Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan nang maalala na naman ang sinapit ko. Gustuhin ko mang ngumawa at isumbong sa kanya ang lahat, ayaw ko na siyang gambalain pa. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at kinagat ang pang-ibabang labi. "L-Lumayas na ako kila Tiya, eh... Pwede bang dito na muna ako? Pangako, makikihati ako sa lahat ng bayad! Hindi rin ako burara! Marunong akong maglinis, maglaba, pati sa research mo kung gusto mo ay gagawin ko libre na—" "Wait, wait, wait! Hold up, Cassandra!" Kunot noo niyang sinabi at itinapat ang kanyang palad sa aking mukha. "You're talking too much. There's something wrong with you!" Aniya. Nag-iwas ako
TRIGGER WARNING: RAPE*****"BITAWAN mo ako, hayop ka!" Marahas akong nagpumiglas sa marahas niyang pagkakahawak sa akin. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Ate Irine, tulong!" Pagsisisigaw ko kahit na mas malabo pa sa tubig baha na marinig ako dahil sa sobrang lakas ng pagdagungdong ng tugtog sa buong bahay. "Stupid woman! Kahit ano pang sigaw mo, no one will ever hear you! No one!" Malakas niyang sigaw sabay angat ng kanyang kamay at malakas akong sinampal dahilan upang bumagsak ako sa sahig. "Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, malandi ka! You're so hard to get na parang hindi ka isang bayarang babae!" Nagtatagis ng kanyang mga bagang at nanlilisik ang mga matang nakadungaw sa akin. Hindi alintana ang hapdi sa aking pisngi, sinikap ko ang sariling gumapang palayo sa halimaw na ito. Kailangan kong makalayo sa kanya, kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Mala-halimaw siyang nagpakawala ng halakhak nang makita ang ginagawa ko. "What?! You're trying to escape?! Do you think you can? Dre
"WOAH! Jollibee chicken is the best! Kahit yata aaraw-arawin ko ito ay hindi ako magsasawa!" Saad ko na may pagpikit pa ng mga mata habang ninanamnam ang lasa ng manok."Same here! Hinding-hindi ako magsasawang kumain rito!" Malawak ang ngiting sinabi ni Danice. "Dadalhin ko si Albert dito! I'm sure he'll love what I love!" Umismid ako sa sinabi niya at sandaling tumigil sa pagnguya. Did I just heard her mentioned a name of a man? Albert... Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na kalaunan ay ganoon din siya nang para bang may napagtanto. Tuluyan ko ng ibinaba ang manok sa aking plato at saka pinanliitan ng mata ang kaibigan. "Oh my gosh! Goodness! Sorry, sorry, sorry! I forgot to tell you!" Natataranta niyang sinabi sa akin, nagpalingon-lingon pa siya sa palagid at tinakpan ang kanyang bibig. "Oh my god! Sorry, Sandra-dear... I got carried away! It slipped out of my mind! Promise, hindi ko intensyong hindi sabihin sa'yo, but I always tell him about you naman so maybe... I am
TAHIMIK ako sa buong byahe pa-eskwelahan. Abala ang isipan ko sa kaiisip sa mga katagang sinabi ni ate Irine. Maaari ko naman sana iyong huwag ng pansinin dahil baka pinagtitripan lamang ako ngunit sa nakita kong takot sa kanyang mga mata at sa panginginig ng kanyang kamay ay natitiyak kong hindi lamang ito isang biro. Bakit naman magbibiro ng ganoon si ate Irine? Hindi naman magandang biro iyon gayong ang nakatira sa bahay na iyon ang tinutukoy niya. Mas mabuting sundin na nga lang ang sinabi niyang dobleng pag-iingat...Nang makarating ako sa aming classroom ay may iilan ng tao roon, lumingon-lingon ako upang hanapin si Danice ngunit nang mapansing wala pa siya ay naupo na lamang ako sa kinauupuan namin kaninang umaga. "You're really an early bird, Cassandra!" Anang boses sa aking likod sabay sundot sa aking braso. Napalingon ako roon at gumuhit ang ngiti sa labi nang makitang si Danice iyon. May hawak siyang plastic cups sa kanyang isang kamay na may logo ng isang kilalang coff
TATLONG oras ang makalipas bago ako tuluyang natapos sa pinapagawa ni Tifanny sa akin. Hindi naman iyon ganoon karami pero sa tuwing sumisilip siya at nakikitang malapit na akong matapos ay papasok saka guguluhin lahat.Mariin na lamang akong napapapikit sa kawalang magagawa. Gustuhin ko mang magalit at maglabas ng sama ng loob sa kanya pero alam kong wala naman akong karapatan at nasisiguro akong mas malupit pa ang gagawin niya sa akin. "Oh, you're done?" Nanunuyang tanong ni Tifanny nang Tifanny nang matapos ako sa mga damitan niya, ganoon din pati ang kanyang sahig na ilang beses kong minop. Isinarado ko ng maayos ang kanyang kabinet bago siya hinarap. "Opo, Miss... Pwede na po ba akong umalis?" Magalang kong sinabi. Naningkit ang kanyang mga mata at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng kanyang kwarto, nakalapat pa ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na animong nag-iisip ng malalim.Diyos ko... Sana ay huwag na siyang mag-isip pa ng sunod na ipagagawa sa akin dahil marami pa ako
"MAGANDANG umaga po, Tiya!" Magiliw kong bati sa Tiyahin kong pababa ng hagdan, suot-suot pa nito ang mahabang bestidang pantulog habang humihikab. Alas kwatro y media pa lang ng umaga ay nasabihan na ako ni Ate Irine na madalas daw na nagigising ng ganitong oras si Tiya kaya naman mas maaga akong gumising. Maaga naman na akong nagigising nitong mga nakaraang araw pero mas maaga ako ngayon dahil nga unang araw sa klase. Excited ako."Oh, gising ka na, Sandra?" Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata. "Opo, Tiya. Unang araw na po kasi ng pasukan ngayon kaya maaga po ako," sambit ko. "Gusto ninyo po ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo!" "Naku, halata ngang excited kang pumasok, huh..." Natatawang ani Tiya. "Gusto ko iyang ganyan ka, maganda kapag maaga kang nagigising at paminsan-minsa'y tutulong sa gawaing bahay." "Opo, walang problema, Tiya. Maaga po talaga akong nagigising!" Sanay na ako sa probinsyang nagigising ng madaling araw dahil bukod sa tilaok ng mga manok ay ang bunganga ri
"PAGKATAPOS mong mag-enroll ay umuwi ka kaagad, ha?" Ani Tiya Liza nang magpaalam akong pupunta ng eskwelahan para mag-enroll. "Hindi na kita sasamahan, ipahahatid na lang kita sa driver at may gagawin kami ni Tifanny. Ito ang enrollment fee mo, ingatan mo ha?"Nakangiti kong tinanggap ang inabot ni Tiya. "Salamat po, Tiya. Ingat po kayo ni Miss Tifanny." Tanging tango lang ang isinagot niya. Nakakakaba pero kakayanin ko 'to. Malaki na ako kaya dapat ay kaya ko na ang mga bagay-bagay. Sinasabi ko iyon sa aking sarili pero ang totoo ay naiiyak na ako. "Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" Tanong ni ng family driver nilang si Manong Dante. "Opo, ayos lang ako. Medyo kinakabahan po kasi ako." Pagsasabi ko ng totoo. "First time ko po kasing pumunta ng eskwelahan mag-isa," napalabi pa ako at bahagyang nag-init ang mukha. Tumawa si Manong Dante. "Naku, ayos lang iyan! Iyong isa ko ngang anak noong unang araw niya sa kolehiyo ay umiyak kasi gusto niya kami kasama ng Mama niya at natatakot nga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.