Share

Chapter 24

Ngayon ay nandito ako sa veranda ng kwarto kung saan ay ito ang inilaan sa akin ng pamilya ko na matutulugan ko sa oras na makita nila ako. Muntik nang may mangyari ulit sa amin ni Jonas kahapon pero mabuti nalang at hindi na niya naituloy ang binabalak niya sa akin dahil sa pag-iyak ko.

Pinunasan ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Nasasaktan ako, alam kong nagseselos lang siya pero hindi ko aakalain na masasaktan na niya ako.

Nagising na lamang ako nang naaalala ko na ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Pagkagising ko kanina ay bigla nalang sumakit ang ulo ko hanggang sa tuluyan ko nang maalala ang buong memorya ko. Ayokong sabihin sa kanila na nakakaalala na ako dahil hindi ko pa rin matanggap ang lahat-lahat lalo na sa pagbabago ni Jonas.

Tama nga ako, kahit magbalik na ang alaala ko ay hindi nagbago ang katotohanang si Josiah na ang mahal ko.

Sinabi noon ni Jonas na ang isip ay makakalimot pero ang puso ay hindi, tama siya. Hindi ko siya nagawang makalimutan dahil noong unang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status