Share

Chapter 37: TEASE

Bumalatay naman ang lamig dulot ng takot sa buong katawan niya. Nakatitig na naman sa kaniya ang namamantang mga mata ni Matteo. Sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan nito, pero ito, lumapit sa kaniya.

Tumayo siya, kurot na kurot niya ang kaniyang hintuturo habang nangangamba na baka maririnig pala sa labas ang pinag-usapan nila.

"Hindi ganiyan ang panliligaw, Buck," lokong sabi ng bagong mukhang kasama ng mga ito at natawa ang mga kaibigan nito. Ang sabi ni Bree, Pax ang pangalan nito.

Hindi pa siya tinanong ni Matteo, agad itong nag-react sa kaibigan, "What did you just say? I'm not making ligaw okay? Hindi ko na kailangan yun."

Nagtawanan ang mga ito. Kumunot naman ang noo niya dahil sa salitang ligaw. Nabawasan ng kaunti ang takot niya at napalitan ng kuryusidad.

"Ligaw?" tanong naman ni Bree. Dahan-dahang napalipat ang paningin niya kay Sezy na dahan-dahan ding napadikit ng mga labi. "Ligaw like, manligaw?" tanong pa nito at natawa.

"Shut up, like I said, hindi ko na kailang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status