Nag-aalburoto sa galit si Timothy habang pinapanood ang video ng mga magulang niyang nakagapos ng bomba sa loob ng opisina ng kompanya niya. Hindi nga nagbibiro ang Elioconti na iyon. Nanginginig ang kamay niyang ni-cancel ang video at tinawagan ulit si Matteo. Agad itong sumagot sa kabilang linya at sinabing, "Your decision?""Fine! Release my parents and remove the bombs from my company, return what you took, and I will give you back Mahalia," pagsuko niya pero nagtatagis pa rin ang ngipin habang nagsasalita. "No. Return Mahalia to me, issue a public apology to ELObank, your parents and your company will remained safe, and I will return the shares as well," sabi pa nito. Mas lalo siyang nag-aalburoto dahil mas lalong ayaw niyang gawin ang public apology, masisira siya sa lahat. Ibang klase talaga ito si Matteo. Pero hindi naman siya magpapatalo nang makaisip siya ng hirit. "If you don't do as I say, Mahalia will die," pananakot niya. Tumawa ito sa kabilang linya at sinabi pang,
Sinugod nila sa hospital si Matteo. Pagkatapos ng isang oras nagising ito na nakaupo siya sa tabi nito iyak ng iyak. "Matteo?" tumayo siya at hinawakan ang pisngi nito. Pagkakita nito sa kaniya matapos ang ilang pagkurap napaangat ito ng ulo, "Mahalia?" Agad ring napadaing dahil nakaramdam ng sakit sa likod. "Oh teka, hindi ka pa okay. Napalo ka daw kanina sa likod, kaya masakit dyan, diba?" sabi naman niya, mugtong-mugto ang mga mata. Hinawakan siya nito sa braso. "Mahalia, are you okay? Nasaktan ka ba?" Umiling siyang umiiyak. "Ikaw nga tong nasaktan eh. Dapat sarili mo tinatanong mo."Sandali itong napatitig sa kaniya at natawa. "Ba't ko naman tatanungin ang sarili ko?" Saka lang din niya narealize ang tanong niya, mali pala. Napatingin ito banda sa paligid. "Nasaan si Finn?"Bumalik siya sa pag-upo. "Ayon kausap ang doctor mo, tapos si Hunter bumili ng pagkain." Huminga ito nang malalim at hinaplos ang mga luha sa mga mata niya. Ramdam niya ang inis ng palad nito sa pisngi n
Pagkatapos niyang magpaalam kay Matteo through phone call, agad silang bumaba. Plano kasi nila, pupunta sila sa bahay nila at saka idaan sa Enflame Roses ang mga kaibigan niya. Sandaling nag-usap muna si Sezy at ang kuya nito, pagkatapos napatanong siya dahil naalala niya ang kapatid nito. "Kamusta pala si Kobe, naoperahan na?" Napangiti si Sezy na parang naging emotional, "Woi, oo teh, tinulungan kami ni Finn. Grabe ang bait non." Nagulat siya. "Talaga? Alam kong mabait si Finn pero wow, hindi ko inasahan na mapagbigay din pala siya," ngiting sabi niya. "Naku, dahil sa tulong na yun, crush na crush na yun ni Sezy," singit naman ni Miarta at kilig-kilig naman ang kaibigan niya. "Paano kasi, simpleng hmm lang niya, nakakakilig," sabi pa nito. Natawa siya, at inakbayan ito. "Ewan ko sayo, halika na nga." Hinila niya ito papunta sa sasakyan pero may narinig siyang pumito. Pagtingin nila sa loob kung saan sila nanggaling, nakita niya si Hunter. "Saan kayo pupunta, Mahalia?" "Sa Tu
Napabuntung-hininga na lang ang mga kaibigan ni Mahalia habang pinapanood siya na nilalagay sa isang sako bag ang mga gamit na binigay ni Teehan noon sa kaniya. Iyak siya nang iyak sa isiping lahat ng taong minahal niya niloko siya. Nagpunas siya nang luha at tumayo. Inangat ng kunti ang bag para maisaayos ang mga laman nito sa loob pero kumilos si Hunter. "Ako na yan. Saan ba to dadalhin?" tanong nitong mahinahon. "Dun sa kabilang bahay," humihikbi niyang sagot. Tumango ito, "Okay-okay." Lumabas sila sa bahay nila at saka lumapit sa gate sa malaking bahay nila Teehan. Ang nga kapitbahay nila nandiyan pa rin, parang pinagmamasdan lahat ng magara sa paligid niya. Pinindot naman niya ang doorbell at sandaling naghintay. "Grabe naman tong mga kapitbahay mo Mahalia, para kang artista sa kanila," bulong-bulong naman ni Miarta. "Intindihin mo na, kung nakakulong kasi dito si Mahalia, sa bahay nila talagang agaw pansin siya kapag lumabas. Tsaka ang gara ng sasakyan na dala natin, may m
Sobrang bored si Matteo nang pagpasok niya sa unit niya, wala si Mahalia. Alas sais pa lang naman ng hapon at alam naman niya kung nasaan ito. Naisip niya rin, si Mahalia lagi ang nagluluto para sa kanila, ngunit dahil wala ito, siya na lang ang nagluto. Nagsangag din siya ng kanin na may iba't ibang sahog para ganahan naman kumain ang isa. Puno ang plato palagi non ng kain, na para sa kaniya, kakaiba talaga kumain ang babae pero shempre para kay Mahalia, weird din siyang kumain kasi pakonti-konti lang. Iba kasi ang perspective nila pagdating sa pagkain pero marunong silang mag-adjust sa isa't isa. Stake lang din ang niluto niya, katulad ng nakagawian nilang pagkain. Nagtosta siya ng tinapay at nilagyan ng buttercream. Isang oras ang lumipas pumatak na ang alas-siyete. Nagtanong siya sa mga security kung kamusta si Mahalia at ang sabi ng mga ito ay pauwi na. Napangiti naman siya at dama ang excitement dahil makakasama na niya ulit si Mahalia. Alas otso imedya, dumating si Mahalia
Sa una, kabado si Mahalia habang kumakanta ngunit kinunsidera naman iyon ni Ms Thalia at napatango, napapalakpak, napangiti nang makitaan ng Chemistry ang boses niya. "Ang galing! Ang ganda ng boses mo kahit medyo kinakabahan ka ng konti," sabi nito nang inakay siya ni Finn palabas sa vocal booth. Yung kinanta din kasi nila ni Finn noon sa KTV bar ang kinanta nila ulit. Bali sinamahan lang siya nito para hindi siya kabahan. Ngunit shempre kinabahan pa rin siya. Nahihiya naman siyang ngumiti kay Ms. Thalia na inaabot ang kamay sa kaniya.. "First time mo bang kumanta sa studio?" tanong nito. Tumango siya. "At sa may nanunood po." "Huh?" Napatingin ito kay Matteo. "You mean never mong ginawa to? Yung kahit sumali ka lang sa singing contest?" "Sa bahay lang po ako kumakanta, hindi ko po naranasan yung kumakanta sa maraming tao po," sagot naman niya. Umatras ang ngiti nito napalitan ng pagkalito pero nagtanong si Finn. "Pero okay ang boses niya, right?" "Kinakabahan lang siya
Ang totoo niyan, hindi nagustuhan ni Mahalia ang nakikita niya. Ngunit alam niya sa sarili niyang wala siyang karapatang magreklamo. Pet lang siya ni Matteo at wala silang relasyon at sinabi na nga niya ang totoo. Ngunit kumunot ang noo niyang pinandilatan siya ng mga mata ni Matteo tapos ang babae natawa. "Hindi naman pala boyfriend eh," asar pa nito. Tumikhim si Finn pero si Matteo biglang nagalit, "Hindi boyfriend?" Napaawang ang mga labi niya, biglang kinabahan sa reaction nito. "So hindi boyfriend?" ulit pa nito. "B-Bakit...diba..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang mismo sa harapan niya hinalikan ni Matteo ang babae. Napanganga lamang siya nang makaramdam siya ng kirot sa kalooban niya. Tinagalan pa talaga ni Matteo ang paghalik sa babae parang gusto niyang umiyak. Galit itong kumalas sa paghalik at sinamaan siya ng tingin. Yun lang at umalis agad na namumula ang mukha sa inis. Nanginig ang labi niyang napayuko na lang, hindi niya alam ang gagawin niya tapos
Hindi na siya kinikibo ni Matteo kahit sa kanilang pag-uwi. Nag-aalala naman siya dahil mukhang galit nga ang lalaki sa kaniya. Kahit saan ito magpunta, sinusundan niya ng tingin hangang sa pagtulog nila at ang sabi pa nito, "Dito ako sa kabilang kwarto matutulog, diyan ka." Binuksan nito ng fantasy room at pumasok agad. "Luh, b-bakit?" tanong niya kahit alam naman talaga niya kung bakit. Nasabi ni Finn sa kaniya, na nahuhulog na nga raw itong lalaki sa kaniya. At nakonsensiya siya ng sabihin niya kanina sa studio na hindi niya ito boyfriend. Hindi na tumugon ang lalaki, hindi na rin siya nangulit. Pabalik-balikwas siya sa kama, hindi siya makatulog kahit na sumapit na ang alas dose ng gabi. Hindi siya sanay na hindi nakasiksik sa katawan nito habang natutulog. Nasasanay na kasi siyang katabi ito kaya nang hindi na niya kaya bumangon siya at dahan-dahang lumapit sa kwarto. Pero nadatnan niya itong nakadilat pa, nakahiga lang na nakatingin sa kisame, mukhang nag-iisip din. "Matte