Sa una, kabado si Mahalia habang kumakanta ngunit kinunsidera naman iyon ni Ms Thalia at napatango, napapalakpak, napangiti nang makitaan ng Chemistry ang boses niya. "Ang galing! Ang ganda ng boses mo kahit medyo kinakabahan ka ng konti," sabi nito nang inakay siya ni Finn palabas sa vocal booth. Yung kinanta din kasi nila ni Finn noon sa KTV bar ang kinanta nila ulit. Bali sinamahan lang siya nito para hindi siya kabahan. Ngunit shempre kinabahan pa rin siya. Nahihiya naman siyang ngumiti kay Ms. Thalia na inaabot ang kamay sa kaniya.. "First time mo bang kumanta sa studio?" tanong nito. Tumango siya. "At sa may nanunood po." "Huh?" Napatingin ito kay Matteo. "You mean never mong ginawa to? Yung kahit sumali ka lang sa singing contest?" "Sa bahay lang po ako kumakanta, hindi ko po naranasan yung kumakanta sa maraming tao po," sagot naman niya. Umatras ang ngiti nito napalitan ng pagkalito pero nagtanong si Finn. "Pero okay ang boses niya, right?" "Kinakabahan lang siya
Ang totoo niyan, hindi nagustuhan ni Mahalia ang nakikita niya. Ngunit alam niya sa sarili niyang wala siyang karapatang magreklamo. Pet lang siya ni Matteo at wala silang relasyon at sinabi na nga niya ang totoo. Ngunit kumunot ang noo niyang pinandilatan siya ng mga mata ni Matteo tapos ang babae natawa. "Hindi naman pala boyfriend eh," asar pa nito. Tumikhim si Finn pero si Matteo biglang nagalit, "Hindi boyfriend?" Napaawang ang mga labi niya, biglang kinabahan sa reaction nito. "So hindi boyfriend?" ulit pa nito. "B-Bakit...diba..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang mismo sa harapan niya hinalikan ni Matteo ang babae. Napanganga lamang siya nang makaramdam siya ng kirot sa kalooban niya. Tinagalan pa talaga ni Matteo ang paghalik sa babae parang gusto niyang umiyak. Galit itong kumalas sa paghalik at sinamaan siya ng tingin. Yun lang at umalis agad na namumula ang mukha sa inis. Nanginig ang labi niyang napayuko na lang, hindi niya alam ang gagawin niya tapos
Hindi na siya kinikibo ni Matteo kahit sa kanilang pag-uwi. Nag-aalala naman siya dahil mukhang galit nga ang lalaki sa kaniya. Kahit saan ito magpunta, sinusundan niya ng tingin hangang sa pagtulog nila at ang sabi pa nito, "Dito ako sa kabilang kwarto matutulog, diyan ka." Binuksan nito ng fantasy room at pumasok agad. "Luh, b-bakit?" tanong niya kahit alam naman talaga niya kung bakit. Nasabi ni Finn sa kaniya, na nahuhulog na nga raw itong lalaki sa kaniya. At nakonsensiya siya ng sabihin niya kanina sa studio na hindi niya ito boyfriend. Hindi na tumugon ang lalaki, hindi na rin siya nangulit. Pabalik-balikwas siya sa kama, hindi siya makatulog kahit na sumapit na ang alas dose ng gabi. Hindi siya sanay na hindi nakasiksik sa katawan nito habang natutulog. Nasasanay na kasi siyang katabi ito kaya nang hindi na niya kaya bumangon siya at dahan-dahang lumapit sa kwarto. Pero nadatnan niya itong nakadilat pa, nakahiga lang na nakatingin sa kisame, mukhang nag-iisip din. "Matte
Sa harap ng hapunan, tahimik na naman silang kumakain. Nawawalan ng gana si Mahalia dahil sa pakikitungo nitong sobrang lamig. Hindi umiimik kung hindi niya tatanungin. Pinaikot-ikot lang niya ang tinidor niya sa kanin na niluto lang din nito para sa kaniya. Inaalagaan siya nito pagdating sa pagkain, pero hindi siya pinapansin. Oo at hindi, sagot sa tanong lang niya ang ginagawa nito. "Bakit hindi ka kumakain?" tanong nito pero panay lang ang ipon ng pagkain sa plano sabay subo. Nakabusangot din siyang nagtanong, "Wala akong gana.""Dahil?" tanong pa nito, parang walang pakialam lang. "Kasi wala akong gana," sagot naman niya. "Kumain kayo ni Finn kaninang hapon?" tanong nito. Umiling siya, hindi pa rin sumusubo. "Hindi.""Oh bakit wala kang gana, dapat gutom ka," sabi naman nito. "Mamaya na lang siguro," sabi niya sabay tayo. Binalik niya papasok ang upuan sa ilalim ng lamesa at sumunod ang paningin nito sa kaniya. Lumabas siya sa kusina at nagpasya na lang na magbabad sa bath
Hinatid siya ni Matteo sa unit ni Finn. Habang nasa biyahe pa lang kanina nakabusangot na siya. Bakit ba kasi makikipagkita ito kay Victoria? Akala niya kaya nito sinabi kay Victoria na magboyfriend girlfriend sila kasi ayaw nitong mahalikan, tapos ngayon makikipagkita pa. Sa unit naman ni Finn nadatnan nila si Hunter. Malaki din ang unit na iyon. Dalawa ang kwarto at magara din. Maaliwalas nga ang lugar, dahil medyo malawak ang sala. Tapos sa sala na iyon, nakaupo lang sila sa sahig dahil naglalaro sila ng video game ni Hunter. Mga isang oras ang lumipas, hindi pa nakabalik si Matteo. Naiinis siya kaya sa video game na niya ibinuntong ang galit niya. Kalaban niya si Hunter kaya binugbog niya ito sa laro. "Galing ah," anito nang matumba niya ang hero nito. Sa una hindi siya marunong ngunit sa huli nang natuto na siya, ginanahan na siyang maglaro. "Isa pa," sabi pa niya at nagsimula sila ulit. Natalo na naman niya ito at natawa na lang ito sa kaniya, halata kasi ang panggigigil ni
Bumalik lang sila sa unit na parehong may tampo sa isa't isa. Sa inis ni Mahalia, hindi siya nahiga sa kwarto, pinili niya ang couch sa sala si Matteo naman nahiga sa fantasy room. Bali ang kama nila sa kwarto, walang tao dun. Inis na inis talaga siya sa tuwing iniisip ang ginawa ni Matteo. Nagagalit kasi sinabi niya ang totoo na hindi niyo ito boyfriend. Ang buong akala niya, yun talaga ang gusto ni Matteo na talagang umasa itong may sila na kasi ang ginagawa nila, gawain naman ng magkasintahan talaga. Tapos ngayon lang kakauwi nila, iniwan siya kay Finn para makipagkita kay Victoria, sinong hindi maiinis. Nang hindi na niya makontrol ang inis, bumulong-bulong naman siyang niyakap ang maliit na unan sa sala, "Kainis, ang gulo niya. Makareklamo akala mo, mahal niya ako tapos biglang makipaglandian sa iba. Kainis, napaka-babaero." Sa kabilang kwarto naman nakapatong lang ang braso ni Matteo sa noo habang nakahiga sa kama at nag-iisip. Naiinis siya dahil sa nakita niya kanina. Naiini
Pagkatapos nila sa bahay nila lumabas sila at ginala si Finn sa buong lugar. Bumili sila ng halo-halo at tulad ng dati, nanlibre din siya sa mga bata. Tungkol naman sa socks and mittens na nakiha nila sa bahay nila ay wala ding naging sagot si Finn. Kumunot lang ang noo nito na parang hinuhulaan ang DB letters. Nag-enjoy naman sila doon buong maghapon at alas-sais na nga silang umuuwi sa unit. Sumama si Finn sa kaniya at nadatnan nga nila si Matteo sa unit, na nanonood ng TV. "Nag-enjoy kayo?" tanong ni Matteo, tunog nagseselos. "With kids, yes. Masaya pala dun, dalhin mo nga to Mahalia dun, next time," sabi naman ni Finn si Matteo ang tinuturo. Hindi pa rin sila bati ni Matteo kaya tumaas lang ang sulok ng labi niya rito at umirap pa. Si Matteo naman sinabayan ang kasungitan niya at sinamaan din siya ng tingin. Pumasok na lang siya sa kwarto para magbihis. _Bumuntong-hininga na lang si Matteo sa asta ni Mahalia sa kaniya. Natututo na itong sungitan siya hindi tulad ng dati na l
Biglang nagkaroon ng interes si Mahalia sa fantasy room. Sa pagkakataong yun, lalo na't may lugar na talaga ang lalaki sa kaniya, may tiwala na rin siya. Nakita na lamang niya ang sarili niyang nakatali sa isang talian nito habang nakatayo. Nakatali ang mga kamay niya kaliwa kanan at wala naring saplot sa katawan. Kabado siya na excited din. Alam niyang sa pagkakataon na ito, hindi na siya sasakyan ni Matteo tulad ng dati at dahil talagang umaayon ang katawan niya sa ginagawa nito, dulot din ng curiosity gusto niyang nalaman kung gaano ba talaga ka-exciting ang mga hilig nito. "Tapos anong gagawin mo?" tanong niya nang tumayo na ito ng tuwid sa harapan niya at wala na ring saplot tulad niya.Hinawakan siya nito sa baba at pinatingala. "I hate seeing you flirting with Hunter," giit na bulong nito sa mukha niya, matigas na nambabanta. "Ayokong mapunta ka sa ibang lalaki kasi akin ka, okay?" Hindi siya takot, sapagka't gusto niya ang ganitong ugali ni Matteo, possessive na mas ramdam