Bumalik lang sila sa unit na parehong may tampo sa isa't isa. Sa inis ni Mahalia, hindi siya nahiga sa kwarto, pinili niya ang couch sa sala si Matteo naman nahiga sa fantasy room. Bali ang kama nila sa kwarto, walang tao dun. Inis na inis talaga siya sa tuwing iniisip ang ginawa ni Matteo. Nagagalit kasi sinabi niya ang totoo na hindi niyo ito boyfriend. Ang buong akala niya, yun talaga ang gusto ni Matteo na talagang umasa itong may sila na kasi ang ginagawa nila, gawain naman ng magkasintahan talaga. Tapos ngayon lang kakauwi nila, iniwan siya kay Finn para makipagkita kay Victoria, sinong hindi maiinis. Nang hindi na niya makontrol ang inis, bumulong-bulong naman siyang niyakap ang maliit na unan sa sala, "Kainis, ang gulo niya. Makareklamo akala mo, mahal niya ako tapos biglang makipaglandian sa iba. Kainis, napaka-babaero." Sa kabilang kwarto naman nakapatong lang ang braso ni Matteo sa noo habang nakahiga sa kama at nag-iisip. Naiinis siya dahil sa nakita niya kanina. Naiini
Pagkatapos nila sa bahay nila lumabas sila at ginala si Finn sa buong lugar. Bumili sila ng halo-halo at tulad ng dati, nanlibre din siya sa mga bata. Tungkol naman sa socks and mittens na nakiha nila sa bahay nila ay wala ding naging sagot si Finn. Kumunot lang ang noo nito na parang hinuhulaan ang DB letters. Nag-enjoy naman sila doon buong maghapon at alas-sais na nga silang umuuwi sa unit. Sumama si Finn sa kaniya at nadatnan nga nila si Matteo sa unit, na nanonood ng TV. "Nag-enjoy kayo?" tanong ni Matteo, tunog nagseselos. "With kids, yes. Masaya pala dun, dalhin mo nga to Mahalia dun, next time," sabi naman ni Finn si Matteo ang tinuturo. Hindi pa rin sila bati ni Matteo kaya tumaas lang ang sulok ng labi niya rito at umirap pa. Si Matteo naman sinabayan ang kasungitan niya at sinamaan din siya ng tingin. Pumasok na lang siya sa kwarto para magbihis. _Bumuntong-hininga na lang si Matteo sa asta ni Mahalia sa kaniya. Natututo na itong sungitan siya hindi tulad ng dati na l
Biglang nagkaroon ng interes si Mahalia sa fantasy room. Sa pagkakataong yun, lalo na't may lugar na talaga ang lalaki sa kaniya, may tiwala na rin siya. Nakita na lamang niya ang sarili niyang nakatali sa isang talian nito habang nakatayo. Nakatali ang mga kamay niya kaliwa kanan at wala naring saplot sa katawan. Kabado siya na excited din. Alam niyang sa pagkakataon na ito, hindi na siya sasakyan ni Matteo tulad ng dati at dahil talagang umaayon ang katawan niya sa ginagawa nito, dulot din ng curiosity gusto niyang nalaman kung gaano ba talaga ka-exciting ang mga hilig nito. "Tapos anong gagawin mo?" tanong niya nang tumayo na ito ng tuwid sa harapan niya at wala na ring saplot tulad niya.Hinawakan siya nito sa baba at pinatingala. "I hate seeing you flirting with Hunter," giit na bulong nito sa mukha niya, matigas na nambabanta. "Ayokong mapunta ka sa ibang lalaki kasi akin ka, okay?" Hindi siya takot, sapagka't gusto niya ang ganitong ugali ni Matteo, possessive na mas ramdam
Ang buong akala ni Matteo, bati na sila ni Mahalia, pero muli itong nagtampo, kaya naman kinabukasan hinarap niya ito kay Finn at hinayaan si Finn ang kumausap rito para kumbinsihin na dumalo sa Birthday ni Daphne. Mabuti na lang sa tyaga ni Finn nakumbinsi nito ang babae. Kaya naman dahil doon dinala niya si Mahalia sa kilala niyang designer ng gown. Isang bakla iyon, na kilala din ni Victoria and Daphne. Taas baba ang tingin ng bakla kay Mahalia na tila ba'y ang baba ng tingin nito sa babae. Dahil doon, nang nginitian siya ng bakla na animo'y hinaharot pa siya, sinamaan niya ito ng tingin. "Ang sungit mo naman, Matt," puna nito sa kaniya at akma siyang hahawakan sa dibdib. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig nito at nagulat nang tumingin sa kaniya, "Kung gusto mong manatiling nakatayo itong negosyo mo, ayusin mo ang tingin mo sa girlfriend mo at wag mong gawin sa akin ito sa harapan niya."Naalarma si Mahalia kaya mabilis siyang hinawakan
Walang idea si Mahalia kung nasaan na sila. Para kasing isang subdivision iyon, walang gaanong sasakyan, at parang paliko kaliwa kanan na ang daan, kung baga letter T at nasa pa-vertical sila huminto. "Saan tayo?" tanong niya. "Ako na ang bababa, wag mo na iwan si Mahalia dito," ani naman ni Victoria na kumikilos agad. "Are you sure? Paano kung delikado pala yan?" tanong naman ni Matteo. "Relax, I can handle myself, kesa naman iwan mo siya dito. Hindi yan pwedeng makita ng babae," rason ni Victoria.Gulong-gulo na siya hanggang sa tuluyan nang bumaba si Victoria sa sasakyan pagkatapos nitong magsuot ng itim na sumbrero. Magsasalita pa sana si Matteo ngunit naisara na nito ang sasakyan. Todo lingon na lang siya upang sundan ng tingin si Victoria na naka-leather jacket na. "Totoo ba na yung babaeng kikitain niya ay iyong babae sa auction?" tanong niya kay Matteo. Napabuga ito ng hangin, at hinawakan siya sa kamay. "Dito ka lang ha, sisilipin ko lang siya.""Sasama ako," mabilis n
After maayusan si Mahalia, kompleto na siya lahat-lahat agad siyang lumabas na inalalayan ng mga bakla. Mang malaman kasi ng mga ito na isa siyang singer kahit sinabi niyang wala pa siyang sariling album naging pala-kaibigan ang mga ito sa kaniya. "Ayan, dahan-dahan lang kasi mukhang hindi ka sanay," sabi pa nito at pagkalabas niya, nakita niya si Matteo na kasalukuyang inaayos din ng isang babae ang kurbata niya. Sabay na nagtama ang kanilang paningin. Para siyang natamimi nang makita ang napakagwapong aura nito na masasabi niyang ibang-iba ito ngayon. Naka-all black tuxedo attire ito bali, kurbata lang ang gray. "Kamusta naman Sir Matt? Okay ba siya? May babaguhin pa ba?" tanong ng bakla kay Matteo na malagkit na rin ang mga titig sa kaniya.Parang may sasabihin ito na ewan nang humakbang palapit sa kaniya, pero sa huli nakalikha ito ng pabulong na salita. "She's perfect." Nagbaba siya ng tingin at kagat labing ngumiti. Lagi namang sinasabi ni Matteo sa kaniya na maganda siya p
Napatingin si Matteo kay Victoria sa realization na iyon. Si Victoria ay nakatitig lang sa kaniya habang ang mag-asawang Bianchi ay naaliw sa napapansin nila kay Mahalia. Lihim na kinabahan si Matteo sa posibilidad na katotohanan. Napatingin siya kay Finn, kaya si Finn naman ay kinausap sandali ang mga magulang. "Mom Dad, is it okay, kung kausapin ko lang si Matteo? May importante lang akong sasabihin, sandali lang po, iwan lang po namin si Mahalia."Tumango ang ina nito at matamis na ngumiti. "Of course go, okay si Mahalia sa amin dito.""Mom she's innocent, 90%," sabi pa ni Finn. Kumunot ang noo ng mga magulang nito. "I'll explained later po." "Don't worry, son, she's okay with us," sabi ng ama nito. Lumabas lang sila ni Finn, at katulad ng inaasahan niya, sumunod si Victoria. "Buck," untag ni Finn nang nasa labas na sila, kaunting hakbang na nakasunod ito sa likuran niya at saka siya huminto na humarap dito. "I'm nervous."Kahit siya, ramdam din iyon. Huminga siya nang malalim m
Hindi napansin ni Mahalia ang reaction ni Finn. Nanginginig na kasi ang mga kamay nito na naiiyak na para bang gumuguho ang mundo, ngunit siya dahil guho din ang mundo niya, hinawakan niya sa braso si Matteo na tila hindi na nakarecover sa kung ano man ang naging dahilan ng pagkatulala nito. "Uwi na tayo," iyak niyang pakiusap. "Matteo uwi na tayo."Saka lang napasinghap si Matteo, at napahilamos ng mukha na may pumatak na luha sa mga mata. "W-What happened?" "Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Hunter nang napansin ang reaction ng dalawa. Saka lang napaangat ng mukha si Mahalia at napatingin kay Matteo na umiiyak pala, pero pilit na kumakalma at si Finn naman, mas luhaan. "Bakit? Ano yan, Buck?" tanong pa ni Hunter sabay turo sa papel na hawak ni Finn. Tinago ito ni Finn at umiling. "Nothing...I mean, I'll tell you later." "Ang gulo nila don sa loob, yung kapatid mo nagwawala," ani na lang ni Hunter para ipaalam sa mga ito ang tunay na kaganapan sa loob. "Why? Is it because of Ma