Share

Chapter Nineteen

KINAUMAGAHAN nga ay maagang gumising si Anastasia para mamalengke at magluto ng mga dadalhin nilang pagkain para sa picnic. Habang sila Virginia at Prince naman ay pumunta da grocery para bumili ng iba pang makakain at maiinom.

Kasalukuyan silang nagluluto ng kaldereta ni Nonna Maria nang pumasok si Craig sa kusina. Wala itong pakialam sa prisensya ng matanda na niyakap siya nito mula sa likuran.

"Mukhang busy ang asawa ko ah." Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi.

"Nagpapaturo kasi ako kay Nonna magluto."

"Nagpaturo ka, hmmm?" Pinupog siya nito ng halik sa pisngi, sa labi at bumalik sa kanyang pisngi.

"Craig, nagluluto ako," natatawang sabi niya. Pero patuloy pa rin siya nitong pinupog ng halik sa mukha na para bang walang ibang tao sa paligid.

"Naku! Kayong dalawa oo. Bumalik kayo sa kwarto ninyo at doon ninyo ituloy ang lambingan ninyong dalawa.

"Good idea, Nonna." Napatili siya nang bigla siyang buhatin ni Craig na parang isang sako.

"Craig! Ibaba mo ako. Nakakahiya kay Nonna,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status