"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Anastasia?" tanong sa kanya ni Attorney Guarte, nang sabihin niya rito ang plano niyang pag-alis papuntang America."Oho, Attorney. Ayoko mang iwan ang hacienda, pero kung mananatili ako rito hindi ko magagawang makalimot at magpatuloy. Lahat ng ala-ala sa akin ng mga magulang ko at ni Craig ay nandirito sa Zahara at ang lahat ng mga ala-alang 'yon ay nagbibigay ng sakit sa aking puso," mahaba niyang paliwanag."Ganu'n ba? Hindi kita pipigilan kung 'yan ang desisyon mo.""Salamat po, Attorney. May dahilan din po kung bakit gusto ko rin kayong makausap."Tipid siya nitong nginitian. "Tell me.""Ipapakiusap ko lang sana sa inyo ang hacienda—""Tungkol dyan, hindi mo dapat mag-alala. Nasa usapan nila Craig at Señor Alfonzo na hanggat hindi mo pa kayang patakbuhin ang hacienda at ang ibang negosyo ng ama mo, si Craig ang mamamahala ng mga ito. Ang lahat ng kikitain ay didiretso sa bank account mo."Usapan? Alam na ba ng ama niya na mangyayari ang ganito?
5 YEARS LATER..."Surprise, Nonna Maria!" sigaw ni Anastasia pagkapasok niya sa mansion. Napapitlag ang matandang babae. Abala kasi ang mga ito sa paglilinis.Kunot ang noong lumingon si Noona Maria sa gawi niya. "Anastasia?" Tutop ang bibig na naluluha itong tinitigan siya."Ako nga po, Nonna." Nilapitan niya ito at binigyan ng mahigpit na yakap."Akala ko ba next week pa ang dating ninyo?" hindi pa ring makapaniwalang tanong nito."Nagsinungaling po ako sa inyo, Nonna, just to surprise you." Sinabi niya kasi rito na next week pa ang dating nila para masupresa ito."Ikaw talagang bata ka.""Na-miss ko po kayo, Nonna.""Na-miss din kita, Hija," anito na gumanti na sa yakap niya."Mimi..."Sabay silang napatingin sa batang lalaki na nakakapit sa laylayan ng suot niyang blazer."Mimi? Sino naman ang batang ere?" tanong ni Nonna Maria.Nginitian niya ito. "Siya ho ang sinasabi ko ho sa inyong malaki kong sopresa, Nonna. Si Crayson ho, ang anak ko. Actually, kambal ho ang anak ko, ang isa
"Mr. Navarro, thank you for visiting Queen's Mall. I know you're busy, but you made the effort to come here," pagpapasalamat sa kanya ng isa sa mga kasosyo ng lolo niya sa pagpapatakbo ng isa sa pinakamalaking mall sa Pilipinas.Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "You're welcome. If you need anything, please do not hesitate to contact me.""Sure, Mr. Navarro."Pagkatapos makipagkamay ay pinagbuksan na siya ni Peter ng pinto ng sasakyan."What my next schedule?" tanong niya kay Peter nang makasakay na rin ito sa driver's seat. Peter is his secretary/driver. Ito rin ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay at nasasabihan ng mga saloobin."You have a meeting with Mr. Rosales at the Rosales Hotel at 3 p.m, Sir. Meron ka pang isang oras para kumain ng tanghalian."Napatingin siya sa review mirror. Mula roon ay nakatingin din ito sa kanya."I'm not hungry.""Pero lagi ka na lang nalilipasan ng gutom, Sir. Hindi makakabuti para sa'yo kung ipagpapatuloy mo 'yan."Buntong hiningang hi
MAHIGPIT na yakap ang ginawa ni Anastasia habang buhat-buhat niya si Cazz palabas ng building ng condo unit.Hindi niya akalain na si Craig ang taong kita kay Cazz. Sa dinami-rami ng tao, siya pa talaga? Kung sino pa ang ayaw niyang makita sa pagbalik nila rito sa Pilipinas ay talagang ipagkukrus sila ng landas. Mukhang pinaglalaruan ata siya ng tadhana.Nang malaman niya mula kay Virginia na nawawala si Cazz ay agad silang lumuwas ni Crayson papunta sa Manila. Pero noong mga sandaling nabalitaan niya ang pagkawala ng anak, may bahagi sa puso niya ang nagsasabing hindi dapat siya kabahan. Ngayon alam na niya kung bakit.Mabilis silang sumakay sa sasakyan ni Rolly at agad nito pinatakbo ang kotse palayo sa lugar na iyon."You're hurting me," Cazz cried.Niluwagan niya ang pagkakayakap sa anak. "I'm sorry, Baby.""I want to go back to dada!" patuloy pa rin ito sa pag-iyak."He's not your dada, Cazziana," mariin niyang sabi na lalo nitong ikinaiyak.Pilit iyong kumakawa sa pagkakabuhat n
NAPATINGIN siya sa malaking supot na inilapag ni Rolly sa harapan niya."Ano 'yan?" kunot ang noong tanong niya kay Rolly."Inabot sa akin ni Peter ang mga yan nang makita kami kagabi. Sabi iyan daw ang mga naiwang gamit ni Cazz sa condo ni Craig."Sinilip niya ang laman ng malaking supot. Mga laruan iyon at iilang damit.."Hindi kailangan ni Cazz ng mga iyan. Kaya kong ibili sa kanya 'yan.""Anong gusto mong gawin ko rito?""Ibigay mo sa ibang mga bata—""Wow! My toys!" daling tumakbo si Cazz sa kanila at agad na nilabas ang mga laruan na nasa loob ng plastic.."You don't need that, Cazz. I can buy you a new one.""No! Dada give this to me! I don't want a new one."Inagaw niya ang plastic mula rito. "No! Huwag matigas ang ulo mo.""Ayaw ko! Gusto ko bigay ni Dada ko!""Cazziana, don't be stubborn! Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi mo siya Dada!" dahil sa bugsog ng damdamin ay hindi niya napigilang sigawan ang anak.Pumalahaw ng iyak si Cazz. "I hate you, Mimi! I hate you!" sak
"MIMI, sorry," hinging paumanhin ni Crayson sa kanya pagka-uwi nila sa penthouse ni Rolly.Nagbuga siya ng hangin. "I'm really disappointed. Akala ko naiintindihan mo ako, pero sinuway ninyo pa rin ako."Nayuko and dalawa. "We're sorry, Mimi. We disobeyed you because we wanted to see Dada. I disappoint you as well," it's Crayson.Hinawakan niya ang mga kamay ng mga ito. "Naiintindihan ko ang kagustihan ninyong makilala at makita ang ama ninyo, pero pinangunahan ninyo ako. You know how hard for me to face him, pero ginawa niyo pa rin ang gusto ninyo. I'm also disappointed, kasi umalis kayo ng walang kasama. Paano kung may mangyari sa inyong masama? Paano kayo nakapunta roon?"Umangat ang tingin ni Cazz sa kanya. "Crayson and I looked on the internet. Then we take a cab. Taxi driver is nice naman, Mimi. He take us there."Nangunot ang noo niya. "You did that? Anong pinambayad ninyo?"Umangat naman ang tingin sa kanya ni Crayson. "I have money, Mimi. I know how to count, so he cant fool
"SIR, AKALA ko ba bonding ninyo ito ng mga bata, bakit mo 'ko—""Wala na tayo sa opisina. Just call me Craig."Kunot ang noong tiningnan ito ni Peter. "Ha?"Ipinarada ni Craig ang sasakyan sa paradahan ng airport kung saan sila sasakay sa isang private plane papunta sa Boracay. Umibis siya sa sasakyan at kinuha ang mga gamit sa compartment."Sir—I mean, Craig, tulad ng sinabi ko—""Dada!"Napatingin si Craig sa dalawang bata na mabilis bumaba mula sa van at tumakbo palapit sa kanya. "Cazz, Cray." Sinalubong niya ng yakap ang mga ito at agad na kinarga."We miss you, Dada," it's Cazziana.Napangiti siya sa nararamdamang kilig para sa mga anak niya. "Kahit isang araw lang tayong hindi nagkita?""Yeah," sangayon ni Crayson. "How about you? You don't miss us?"Ginulo niya ang buhok ng anak na lalaki. "Of course I miss you too.""Rolly? What are you..." si Peter. Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa lalaking bumaba mula sa driver seat.Tipid niyang nginitian si Anastasia at Virginia na
PAGOD NA bumalik sa pagkaka-upo si Anastasia. Hiningal siya sa ginawang pagkiliti sa kanya ni Craig. At tuwang tuwa naman ang mga anak niya."Ayaw ko na," hingal niyang sabi.Tumawa ito. "I miss the old days, Princess."Natigilan siya at napatingin kay Craig na nakatingin din sa kanya kaya nagtagpo ang mga mata nila.Mabilis na kumabog ang puso niya dahil sa paraan ng oagtawag nito sa kanya. She missed him calling her; princess."Kain na." Inilapag ni Peter ang inihaw nitong barbeque sa gitna ng lamesa. Sunod namang nilapag ni Rolly ang binili nitong especial halo-halo.Inalis niya ang tingin kay Craig. Kumuha siya ng barbeque at doon itinuon ang buo niyang atensyon.Huling dumating sila Prince at Virginia. May bitbit din ang mga ito na burger at inilapag ang supot sa lamesa."Anong gusto ninyong gawin natin bukas?" tanong ni Prince."Sir—I mean, Craig, diba magaling ka may surfing? Pwede tayong mag surfing bukas," si Peter kay Craig."Marunong din ako mag-surfing," sabat ni Rolly na