Share

Chapter Thirty Four

PAGOD NA bumalik sa pagkaka-upo si Anastasia. Hiningal siya sa ginawang pagkiliti sa kanya ni Craig. At tuwang tuwa naman ang mga anak niya.

"Ayaw ko na," hingal niyang sabi.

Tumawa ito. "I miss the old days, Princess."

Natigilan siya at napatingin kay Craig na nakatingin din sa kanya kaya nagtagpo ang mga mata nila.

Mabilis na kumabog ang puso niya dahil sa paraan ng oagtawag nito sa kanya. She missed him calling her; princess.

"Kain na." Inilapag ni Peter ang inihaw nitong barbeque sa gitna ng lamesa. Sunod namang nilapag ni Rolly ang binili nitong especial halo-halo.

Inalis niya ang tingin kay Craig. Kumuha siya ng barbeque at doon itinuon ang buo niyang atensyon.

Huling dumating sila Prince at Virginia. May bitbit din ang mga ito na burger at inilapag ang supot sa lamesa.

"Anong gusto ninyong gawin natin bukas?" tanong ni Prince.

"Sir—I mean, Craig, diba magaling ka may surfing? Pwede tayong mag surfing bukas," si Peter kay Craig.

"Marunong din ako mag-surfing," sabat ni Rolly na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status