Share

Chapter Thirty Seven

SAPO ang ulo na nagising si Anastasia. Idagdag pa na umuuga ang kama dahil sa kakatalon ni Cazziana sa kama.

"Mimi, wake up!"

Umungol siya. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Gaano ba karami ang nainom niya kagabi? At paano siya nakarating dito sa kwarto?

Natigilan siya at nag-isip. Naalala niya na kakwentuhan niya si Craig tapos...

"Oh my!" Natutop niya ang bibig nang maalala niya ang mga nasabi niya kay Craig at ang ginawa niyang paghalik dito.

"Mimi, are you okay? Do you want I will Dada—"

"No! Don't call your dada. I'm fine. Masakit lang ang ulo ko," mabilis niyang pigil dito.

Marahan siyang bumangon. "Where's your brother and your dada?"

"Nagja-jogging po sila."

"Ganu'n ba? Maliligo lang ako tapos bababa na rin tayo."

Sapo ang ulong nagtungo siya sa banyo. Siguro mawawala rin ito kapag iniligo niya ng malamig. Medyo nahimasmasan ang sakit ng ulo niya, pero hindi pa rin siya kumportable. Kaya minabuti niyang tawagan si Rolly para ipakisuyo si Cazz at para mabilhan siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status