Share

Chapter Thirty Nine

NANG makabalik sila sa Manila ay hinintay niya ang sinabi ni Craig na tatawag ito, pero hanggang sa ngayon ay wala pala.

Marahan niyang pinakawalan ang inis na nararamdman niya. She shouldn't feel this, dahil simula pa lang ay wala siya dahilan para makaramdam ng ganito at lalong wala siyang karapatan na magdemand na agad siyang tawagan ni Craig.

Muli niyang sinipat ang cellphone niya, nagbabakasakali na baka may dumating kahit mensahe na mula kay Craig pero wala.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo, ah," si Virginia. Inilapag nito ang tinimplang kame sa center table bago ito naupo sa kaharap niyang sofa. Kasalukuyan silang na nasa sala.

"Kape ka muna," sabi pa nito.

Kinuha niya ang tasa at humigop. Napadaing siya nang mapaso ang dila niya sa init ng kape.

"Masyadong mainit," aniya.

"Ang sabihin mo, lumilipad kasi iyang isip mo kaya kahit na alam mong mainit ang kape di mo alintana. Anyare ba?"

Nagbuga siya ng hangin. "Hindi ko dapat hintayin ang tawag niya, pero heto ako n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status