Share

Chapter Thirty Eight

MASAYANG natapos ang gabi nila at kanya-kanyang balik na sila sa kanilang kwarto. Anastasia became nervous when she and Craig were the only two left.

Hinatid muna kasi nila sa kwarto ni Virginia ang kambal bago sila nagtungo sa kwarto nila.

"Ana, relax. I'm not going to do anything you don't like," sabi ni Craig pagkasara ng pinto sa suit nila.

Mahina siyang nagbuntong-hininga. "Pasok na ako sa kwarto," paalam niya.

"Goodnight, Ana."

Nginitian niya ito. "Goodnight, Craig.

Pagpasok niya sa bed room area ay agad siyang nag-half bath, pagkatapos ay nagbihis ng pantulog at agad na nahiga sa kama.

Ipinikit niya ang mga mata pero ilang minuto na siyang nakapikit ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tumititig siya sa kisame o hindi kaya ay pabaling baling lang siya ng higa sa kama.

Sa tantya niya ay umabot siya ng isang oras na ganu'n lang ang ginagawa. Pabalikwas siyang bumangon at mariin na ipinikit ang mga mata.

Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya magawang kumalma. Tumingin s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status