Share

Chapter Thirty Six

PAGDATING ng gabi ay nagkaayayaan silang mag-inuman sa may dalampasigan. Ang mga bata ay nasa kwarto na nila habang bantay ito ni Virginia.

"May nahanap na ba kayong lugar para sa negosyo ninyo?" tanong sa kanya ni Craig.

Nakapalibot sila sa bonfire na ginawa ni Peter.

"Wala pa," sagot niya.

"Meron akong lugar na mairerekumenda, if you want?"

Tipid niya itong nginitian. "Pag-uusapan namin 'yan ni Rolly." Nagbuga siya ng hangin. "Actually, ayokong abalahin ka pa 'dun." Ayaw niya kasi itago ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang alok nito.

"Abala? Hindi ka abala sa'kin, Ana."

"Ayoko rin mag-isip ng hindi maganda ang asawa mo kapag nalaman niya na tinutulungan mo pa ako. Alam na ba niya ang tungkol sa mga bata?"

Nakita niya na nag-igtingan ang mga bagang nito. "She don't need to know."

Nangunot ang noo niya. "Bakit hindi? Sa tingin ko may karapatan siyang malaman ang tungkol sa mga bata dahil asawa mo siya."

Nanahimik lang ito at hindi sumagot kaya muli siyang nagsalita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status