PAGDATING ng gabi ay nagkaayayaan silang mag-inuman sa may dalampasigan. Ang mga bata ay nasa kwarto na nila habang bantay ito ni Virginia."May nahanap na ba kayong lugar para sa negosyo ninyo?" tanong sa kanya ni Craig.Nakapalibot sila sa bonfire na ginawa ni Peter."Wala pa," sagot niya."Meron akong lugar na mairerekumenda, if you want?"Tipid niya itong nginitian. "Pag-uusapan namin 'yan ni Rolly." Nagbuga siya ng hangin. "Actually, ayokong abalahin ka pa 'dun." Ayaw niya kasi itago ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang alok nito."Abala? Hindi ka abala sa'kin, Ana.""Ayoko rin mag-isip ng hindi maganda ang asawa mo kapag nalaman niya na tinutulungan mo pa ako. Alam na ba niya ang tungkol sa mga bata?"Nakita niya na nag-igtingan ang mga bagang nito. "She don't need to know."Nangunot ang noo niya. "Bakit hindi? Sa tingin ko may karapatan siyang malaman ang tungkol sa mga bata dahil asawa mo siya."Nanahimik lang ito at hindi sumagot kaya muli siyang nagsalita
SAPO ang ulo na nagising si Anastasia. Idagdag pa na umuuga ang kama dahil sa kakatalon ni Cazziana sa kama."Mimi, wake up!"Umungol siya. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Gaano ba karami ang nainom niya kagabi? At paano siya nakarating dito sa kwarto?Natigilan siya at nag-isip. Naalala niya na kakwentuhan niya si Craig tapos..."Oh my!" Natutop niya ang bibig nang maalala niya ang mga nasabi niya kay Craig at ang ginawa niyang paghalik dito."Mimi, are you okay? Do you want I will Dada—""No! Don't call your dada. I'm fine. Masakit lang ang ulo ko," mabilis niyang pigil dito.Marahan siyang bumangon. "Where's your brother and your dada?""Nagja-jogging po sila.""Ganu'n ba? Maliligo lang ako tapos bababa na rin tayo."Sapo ang ulong nagtungo siya sa banyo. Siguro mawawala rin ito kapag iniligo niya ng malamig. Medyo nahimasmasan ang sakit ng ulo niya, pero hindi pa rin siya kumportable. Kaya minabuti niyang tawagan si Rolly para ipakisuyo si Cazz at para mabilhan siya
MASAYANG natapos ang gabi nila at kanya-kanyang balik na sila sa kanilang kwarto. Anastasia became nervous when she and Craig were the only two left.Hinatid muna kasi nila sa kwarto ni Virginia ang kambal bago sila nagtungo sa kwarto nila."Ana, relax. I'm not going to do anything you don't like," sabi ni Craig pagkasara ng pinto sa suit nila.Mahina siyang nagbuntong-hininga. "Pasok na ako sa kwarto," paalam niya."Goodnight, Ana."Nginitian niya ito. "Goodnight, Craig.Pagpasok niya sa bed room area ay agad siyang nag-half bath, pagkatapos ay nagbihis ng pantulog at agad na nahiga sa kama.Ipinikit niya ang mga mata pero ilang minuto na siyang nakapikit ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tumititig siya sa kisame o hindi kaya ay pabaling baling lang siya ng higa sa kama.Sa tantya niya ay umabot siya ng isang oras na ganu'n lang ang ginagawa. Pabalikwas siyang bumangon at mariin na ipinikit ang mga mata.Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya magawang kumalma. Tumingin s
NANG makabalik sila sa Manila ay hinintay niya ang sinabi ni Craig na tatawag ito, pero hanggang sa ngayon ay wala pala.Marahan niyang pinakawalan ang inis na nararamdman niya. She shouldn't feel this, dahil simula pa lang ay wala siya dahilan para makaramdam ng ganito at lalong wala siyang karapatan na magdemand na agad siyang tawagan ni Craig.Muli niyang sinipat ang cellphone niya, nagbabakasakali na baka may dumating kahit mensahe na mula kay Craig pero wala."Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo, ah," si Virginia. Inilapag nito ang tinimplang kame sa center table bago ito naupo sa kaharap niyang sofa. Kasalukuyan silang na nasa sala."Kape ka muna," sabi pa nito.Kinuha niya ang tasa at humigop. Napadaing siya nang mapaso ang dila niya sa init ng kape."Masyadong mainit," aniya."Ang sabihin mo, lumilipad kasi iyang isip mo kaya kahit na alam mong mainit ang kape di mo alintana. Anyare ba?"Nagbuga siya ng hangin. "Hindi ko dapat hintayin ang tawag niya, pero heto ako n
ARAW NGAYON ng Lingo kaya schedule ng mga bata ngayon na pumunta sa bahay ni Craig. At dahil masama ang pakiramdam ni Virginia siya na lang nagnaghatid sa mga bata.Hindi naman sa ayaw niya g makita si Craig, umiiwas lang talaga siya na magkatagpo silang dalawa. Tatlong Lingo na ang lumipas mula nang huli niya itong nakita at hindi niya itatanggi sa sarili na nami-miss na niya ito."Mimi, hindi pa po ba tayo aakyat?" pukaw sa kanya ni Crayson nang hindi pa rin sila bumababa sa sasakyan. Ilang minuto na ba silang nandito sa parking area ng condominium?Tipid niya itong nginitian. "Sorry. baba na tayo.""Did you and Dada have a fight, Mimi? We've noticed that you're no longer seeing each other," curious written on Cazziana's face.Nilingon niya ito sa likod. "No, baby. We are not fighting. Alam niyo naman na na-busy din ako.""We also noticed that dada is sad when you are not the one who brings us here," segunda naman ni Crayson."But I'm sure Dada will be happy now," si Cazziana.Ngiti
MAINGAT na inilapag ni Craig sa kama si Crayson saka nito inayos ang kumot nito."Salamat, Craig," aniya rito nang nakalabas sila sa kwarto saka isinara ang pinto.Tiningnan siya nito. "Don't mention it. Ako ang dapat na magpasalamat. Pambawi ko na rin ito sa nangyari kaninang umaga.""Ayos ba kay Cameron na puntahan mo ang mga bata?""Pumayag man siya o hindi, wala siyang magagawa. Hindi niya ako mapipigilan na makita ang mga anak ko."Mapait niya itong nginitia. Gusto niya itanong dito kung sinabi ba niya rito noon ang tungkol sa pagbubuntis niya tuluyan pa ba siyang hihiwalayan nito?Nangunot ang noo ni Craig. "What are you thinking?"Marahan siyang umiling. Wala ng saysay na tanungin pa ang bagay na iyon."It's nothing.""Come on, tell me."Huminto siya sa paglakad. "Hmm... kung sinabi ko ba sayo noon ang tungkol sa mga bata, hihiwalayan mo pa rin ba ako?""You want a honest answer?"Tumango siya. "Hindi sasama ang loob ko.""Yes. Itutuloy ko pa rin."Hindi niya maitago ang lungkot
"BAKIT biglaan naman ata? Akala ko ba ayaw ni Prince sa bata? Tapos ngayon bigla-bigla gusto ka na niyang pakasalanan?" sunod-sunod na tanong ni Anastasia sa kaibigan ng ikwento nito sa kanya ang naganap na usapan ni Virginia at Prince.Nahihiyang tumingin si Virginia kay Craig na kasalukuyan din nandoon sa mga ora na iyon. "Ini-record niya ang huling sex namin at iyon ang ginamit niyang panakot para pumayag akong magpakasal sa kanya," anito."What?!" bulalas niya.Natawang umiling-iling naman su Craig habang nakikipaglaro ito ng barbie doll kay Cazziana. Alam niyang nakikinig lang ito at hindi sumasabat."Gusto mo bang daanin natin 'yan sa legal na paraan?" si Rolly. Lumabas ito sa kusina bitbit ang tinimpla nitong tsaa. "May kilala akong magaling na abogado.""Nainis ako sa paraang ginawa niya, pero siya pa rin naman ang ama ng magiging anak ko," sagot ni Virginia."Ayoko makipag-usap sa marupok," sabi ni Rolly na naupo sa sofa."Ano ba ang plano niyo?" tanong niya."Dahil pareho na
VIRGINIA ang Prince wedding day came. Kahit alam niyang peke lang ang kasal ay hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kaibigan niya.Bigla niyang naalala 'yung ganitong pagkakataon na ikinasal siya noon kay Craig. Na tanging siya lang ang masaya ng panahong iyon.Mula sa dalawang ikinakasal ay dumapo ang tingin niya kay Craig kung saan ito ang best man ng groom. Craig is look handsome in his blue tuxedo. Ang mahaba nitong buhok ay hindi nakakabawas sa sex appeal nito.Hindi niya inaasahan na titingin ito sa kanya kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Matamis siya nitong nginitian, and he mouthed the words 'I miss you". Nakagat niya ang ibabang labi at pigil ang kilig na muli niyang ibinaling ang tingin sa ikinakasal.Nang matapos ang misa ng kasalan ay agad na silang nagtungo venue kung saan sila kakain para sa selebrasyon."Mimi, I want to go to Dada," sabi ni Cazziana sa kanya.Tiningnan niya si Craig kung saan may mga kausap ito. Sa tantya niya ay kamag-anak ito nila P