Alina’s POV Natakot ako nang marinig ko kay White lady na isa palang matinik na demonyo ang nakita ko nun sa paresan. Hindi pala iyon ligaw na kaluluwa kundi demonyo pala na nangangain ng mga ligaw na kaluluwa. Sabi ni White lady, mukhang natakam sa aking ang demonyong ‘yun. Madalas daw kasi ay nakatambay iyon sa mga ospital, nag-aabang sa mga ligaw na kaluluwa na wala pang alam sa nangyari sa kaniya, ‘yung wala pang alam na patay na sila. Sabi pa ni white lady ay minsan na niyang na-encounter iyon. Minsan na rin daw siyang binitikma nun. Suwerte lang na natakasan niya ito kasi may nakita itong ibang ligaw na kaluluwa. Tinanong ko naman siya kung bakit hindi ako inatake kanina nung demonyong ‘yun. Ang sabi niya ay baka dahil kay Corvus. May connection kaming dalawa na hindi niya ako puwedeng galawin. Nang malaman ko ‘yun, natuwa ako kasi malaki talaga ang tulong na nasa tabi ko si Corvus. Kapag nasa tabi ko siya, safe ako. Kaya mainam na rin siguro na hindi na ako umalis sa tabi niy
Alina’s POVBumuhos ang ulan habang nasa biyahe kami ni Corvus. Naawa ako sa kaniya dahil tinuloy pa rin niya ang pagmamaneho ng motor niya habang umuulan. Ayos lang daw siya kasi may dala itong damit na pamalit.Pagdating tuloy sa mansiyon ni Nacho, tumuloy siya sa banyo para magbihis. In-assist siya ng mga kasambahay, habang ako naman ay tumuloy sa kuwarto ni Nacho.Habang narito ako sa kuwarto niya, napagmasdan ko ang buong paligid. Wala siya, mukhang nasa banyo ito kasi naririnig kong may mga kumakalasing na mga tubig doon.Napapailing ako kasi halos lahat ata ng gamit niya rito, ako ang bumili. Hindi ko rin alam kung bakit ang hilig niyang mang-uto nung sweet-sweet-an pa kami nung nabubuhay pa ako. Nakukuha niya ako palagi sa mga matatamis niyang salita at sa mga panlalambing niyang tila acting-an niya lang.Maya maya ay lumabas na siya sa banyo. Tapos na siyang maligo. Topless at nakasuot na lang ng boxer nung lumabas doon. Gamit-gamit niya ang maliit na towel sa buhok niya para
Corvus’ POVAng lalim ng eyebags ni Nacho. Latang-lata at halos hindi makasunod sa mga pinapagawa ko habang nandito kami sa gym niya. Mukhang may sakit siya. Ako ang naaawa sa itsura niya ngayon.“Dapat atang mamahinga ka na lang muna kaysa mag-gym, Nacho.” Hindi ko na napagilang magsalita. Nahinto tuloy siya sa ginagawa niya para tignan ako.“Bakit, may mali ba?” tanong niya habang inaabot na ang tumbler sa tabi niya. Maya’t maya uhaw, maya’t maya humihinto. Halatang pagod na pagod siya.“Oo, latang-lata ka. Mukhang may sakit. Mabagal ang paggalaw at mukhang pinipilit mo lang itong mga ginagawa mo dito sa gym,” sagot ko naman saka ko siya inabutan ng towel.“I haven’t been able to sleep for several day. Gusto kong mag-gym, gusto kong mapagod, gusto kong makatulog na ng mahimbing kaya ako nagi-gym ngayon,” paliwanag naman niya.“Hindi ata gym ang kailangan mo, mas kailangan mo atang magpahinga sa ngayon. Baka lalo lang sumama ‘yang pakiramdam mo. Pero, ikaw, kung gusto mo talagang ipi
Corvus’ POV“Oh, syet!” sabi ko kaya nahinto sa paglalakad si Nacho. Bumalik siya para lapitan ako. Hinawakan niya ako sa balikat kasi yumuko ako. Hinawakan kong mabuti ang tiyan ko na para bang sakit na sakit ako. Um-acting kasi ako na sumakit ang tiyan ko.“Bakit, anong problema, Corvus?” Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Tila nakuha ko siya agad sa acting ko. Umupo pa siya para makita ang itsura ng mukha ko.“Napasama ata ang lagay ng tiyan ko sa kinain kong biko kaninang umaga. Sira na nga ata talaga iyon,” pagsisinungaling ko. “Ilang araw na kasi itong nakalagay sa fridge ko, mga isang linggo na ata. Sa pagmamadali kong kumain ng almusal, iyon ang nadampot ko kasi late na akong nagising kanina.”Umiling siya. “Baliw ka ba, bakit mo naman kinain pa ang ganoong pagkain na matagal na palang naka-imbak sa fridge mo, sasakit talaga ang tiyan mo niyan,” sabi niya at saka ako inalalayang maglakad. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong magbanyo. Siguro, doon na lang muna ako habang kinak
Corvus’ POVAkala ko hindi na darating si Miss Helena. Patulog na sana ako kasi halos ala una ng madaling-araw. Kaya lang biglang may bumusinang sasakyan sa labas.“Nariyan na ata siya, Corvus,” dinig kong sabi ni Miss Alina.“Oo nga, pagbubuksan ko na siya ng pinto,” sagot ko. Nasa gate na agad siya pagbukas ko ng pinto.Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay ko. Baka kasi may makakita sa kaniya. Pinamamanmanan pa naman ako ni Nacho. Sinadya niyang late nang pumunta dito para wala sigurong makakita sa kaniya.“Nandito ba si Alina?” una niyang tanong sa akin nang maupo na siya sa sofa ko. Tinanggal niya ang jacket niya at saka binaba sa lamesa. Wala siyang kaayos-ayos ngayon. Parang normal na tao lang. Siguro para hindi siya makilala ng mga tao. Pero ganoon pa man, maganda pa rin siya.“Yes, nandito siya sa tabi. Kapag sasapit kasi ang dilim, hindi puwedeng wala na siya sa tabi ko. Delikado, may demonyo kasing nangangain ng mga ligaw na kaluluwa,” sabi ko sa kaniya.“Talaga? Naku, ma
Corvus’ POV"Puwede bang dito muna tayo magpalipas ng gabi, Corvus?” dinig kong sabi ni Miss Alina habang nandito ako sa terrace ng villa niya. “Na-miss ko kasi si papa. Gusto kong bantayan muna siya habang naririto pa siya.”Sa tono nang pananalita niya, na parang nagmamakaawa, hindi tuloy ako makatanggi. Gusto ko sanang mag-movie marathon sa bahay. Kaya lang, saka na lang. Nag-request siya kaya dapat ko itong pagbigyan.Tumango ako kasi gusto ko na ring matulog ng maaga. Napagod kasi ako sa ginawa namin ngayon araw.“Sige, ayos lang naman sa akin, Miss Alina.”“Salamat, Corvus. Pasensya ka na talaga sa mga pang-iistorbo ko sa iyo,” sabi pa niya kaya napakamot ako ng ulo.“Huwag mong isipin na naiistorbo mo ako. Ayos lang, kasi trabaho rin naman itong binigay mo sa akin. Saka, tandaan mo na hindi ka istorbo sa akin. Para nga sa akin, blessing ka na dumating sa buhay ko. Dahil sa iyo, may pera na ako, dahil sa iyo may sarili na akong bahay. Dahil sa iyo, puno ng stock ng pagkain ang
Alina’s POVOras-oras, pangalan ko ang bukambibig ni papa. Oras-oras umiiyak siya. Panay ang hanap niya sa akin kaya parang dinudurog tuloy ang puso ko kasi hindi ko manlang siya mayakap at ma-comport kasi kaluluwa na lang ako ngayon. Hindi ko naman siya mapasok sa kaniyang panaginip kasi maya’t maya ay gising siya. Kung makatulog lang, minuto o segundo lang. Hirap na hirap siyang makagawa ng tulog, dala na rin kasi na may edad na rin siya. Kung buhay lang sana si mama, may nag-aalaga sana sa kaniya. Sana rin talaga mabuhay pa akong muli. Gusto kong alagaan si papa. Gusto kong bumawi sa kaniya. Sa totoo lang, nasayang lang ang mga oras at panahon ko sa pagsama sa walangyang si Nacho. Kung nilaan ko lang dapat kay papa ang mga mahahalagang oras ko, naalagaan at natutukan ko pa sana siya.Nung gabi na, nagpaalam na ako kay papa kasi need ko nang lumapit kay Corvus. Ang gago, nadatnan kong nagja-jákol sa loob ng kuwarto niya rito sa ikalawang palapag ng villa ko. Hindi ko pinahalatang na
Alina’s POVNadatnan ko si Corvus na natutulog pa sa loob ng kuwarto niya. Mukhang simula pa nung umalis ako kanina ay hindi pa ito nagigising hanggang ngayon. Sayang, gustong-gusto ko pa naman nang gawin ang tinuro sa akin ni white lady, kaya lang nahihiya naman akong istorbohin siya sa pagtulog kaya mamaya na lang siguro kapag kusa na siyang nagising. Maaga pa naman din.Pinuntahan ko na lang muna si papa sa kuwarto niya. Gising na ito, narinig ko na naman na tinatawag niya ako. Nakailang banggit agad siya sa pangalan ko sa doctor na tumitingin sa kaniya.“Parating na po ‘yon, magpalakas po kayo para pagdating ni Miss Alina, masaya po kayong magba-bonding mag-ama,” magalang na sabi sa kaniya ng doctor. Ganito sila mang-uto para kumalma ang mga pasyente. Mabuti na lang, magaling at mabait ang doctor na nakuha nila Corvus at Helena.Dumating na rin ang kasambahay na magpapainom kay papa ng gatas. Pag-alis ng doctor, pinilit niya itong painumin ng gatas kahit na panay ang ayaw ni papa.