Share

Kabanata 35

Alina’s POV

Nadatnan ko si Corvus na natutulog pa sa loob ng kuwarto niya. Mukhang simula pa nung umalis ako kanina ay hindi pa ito nagigising hanggang ngayon. Sayang, gustong-gusto ko pa naman nang gawin ang tinuro sa akin ni white lady, kaya lang nahihiya naman akong istorbohin siya sa pagtulog kaya mamaya na lang siguro kapag kusa na siyang nagising. Maaga pa naman din.

Pinuntahan ko na lang muna si papa sa kuwarto niya. Gising na ito, narinig ko na naman na tinatawag niya ako. Nakailang banggit agad siya sa pangalan ko sa doctor na tumitingin sa kaniya.

“Parating na po ‘yon, magpalakas po kayo para pagdating ni Miss Alina, masaya po kayong magba-bonding mag-ama,” magalang na sabi sa kaniya ng doctor. Ganito sila mang-uto para kumalma ang mga pasyente. Mabuti na lang, magaling at mabait ang doctor na nakuha nila Corvus at Helena.

Dumating na rin ang kasambahay na magpapainom kay papa ng gatas. Pag-alis ng doctor, pinilit niya itong painumin ng gatas kahit na panay ang ayaw ni papa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status