Share

Kabanata 65

Corvus’ POV

Nasa isang maliwanag na lugar ako. Puting-puti ang lahat dito na para bang nasa ulap ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero pakiramdam ko ay patay na ako. Natatandaan ko kasi ang nangyari sa akin. Habang paikot-ikot ako dito at tinitignan kung nasaan ako, isang maliwanag na maliwanag na liwanag ang lumitaw mula sa harap ko. Napatakip ako ng mga kamay ko sa mata ko kasi ang sakit nito sa mata.

“Sa wakas, natagpuan mo rin ang pamana ko sa ‘yo, Corvus,” dinig kong sabi ng isang boses ng matandang babae. Parang pamilya ang boses niya.

“Sino ka? Bakit kilala mo ako?” tanong ko sa kaniya habang maliwanag pa rin ang buong paligid.

“Nung bata ka, sinumpa ko ang ina mo na balang-araw, ikaw pa rin talaga ang magmamana ng mga dapat mong manahin sa akin kahit inilayo ka niya sa akin. Gumawa ako ng ritwal para sa ‘yo. Pero huwag kang mag-alala, regalo ko naman sa iyo ang ritwal na binigay ko sa iyo. Alam mo kung ano ‘yon?”

“A-ano po 'yun?” tanong ko naman sa kaniya kasi napaisip tulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status