“Bakit siya narito? Anong ginagawa ni Sandro? Sinusundan ba niya ako?” tanong ni Aika sa sarili nang mahagip ng kanyang paningin ang binatang nakatitig lamang sa kanya at nakaupo malapit sa kanila.“Ano pang gusto mong orderin, Aika? May gusto ka pa bang kainin?” tanong ni Jose sa anak, hindi magawang alisin ni Aika ang kanyang mga mata sa binata.“Why is he staring at me like that? May mali ba akong ginawa sa kanya?” natigilan si Aika at napaisip sa ginawa niya sa binata hanggang pumasok sa kanyang isipan ang pagtangging ginawa niya sa alok nito sa kanyang paghahatid.“Bakit naman siya magagalit sakin? Hindi naman kaming dalawa saka hindi ko naman hiniling ihatid niya ako,” sumimangot si Aika, hindi niya namalayang naihain na ang mga pagkain na kanilang inorder.“Bakit, Aika? Ayaw mo ba ng mga nakahain sa hapag?” tanong ni Jose nang makita ang pagsimangot ng dalaga.Muling ibinalik ni Aika ang kanyang paningin sa ama na nasasaktan sa ikinikilos niya, ngumiti siya sa ama at tumugon, “
Nakangisi si Cassie na pinapanood ang paalis na si Aika, “kung hindi magiging akin si Sandro, pwes, magiging akin ang lahat ng yaman ng ama mo, Aika,” nakatitig pa rin si Cassie sa malayo ng si Aika.Nararamdaman ni Jose ang matinding iringan ng dalawa, alam niya na hindi ito simpleng misunderstanding dahil iba ang pakiramdam niya sa mga sinasabi ng kanyang anak laban sa dalagang si Cassie ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagbubulag-bulagan para mapapaniwala niya si Cassie na nagtatagumpay siya sa anumang binabalak niya sa pamamahay niya.“Hindi mo bang talaga naiintindihan kung bakit ganun na lamang ang galit ng anak ko sa iyo?” mariing tanong ni Jose sa kanya.“H-hindi po, tito,” sambit nito kahit alam na alam niya ang ikinagagalit ni Aika sa kanya ngunit ayaw niya itong ipaalam sa matanda para hindi siya nito patalsikin sa mansyon at hindi rin masira ang mga plano niyang pagkuha ng yaman nito.Tumango lamang si Jose sa sinabi ng kanyang pamangkin, “kumain ka na ba?” tanong ni Jose
Nadadalas ang pagsama ni Aika sa kanyang ama na siyang nasasaksihan ni Sandro at ikinagagalit ng binata, kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ng binata dahil sa pagsama-sama ni Aika sa isang matanda.Hindi niya maiwasan ang husgahan ang dalaga dahil dito, sobrang frustrated si Sandro sa nangyayari. Hindi niya maisip na darating ang araw na isang matanda ang kanyang magiging karibal sa puso ng dalaga.Buong araw niyang iniisip kung ano ang kulang sa kanya, tingin naman niya ay higit na lamang ang kanyang katawan at mas lalo na ang fresh niyang itsura hindi katulad ni Jose.Inabutan ni Sandro sa parking lot ng condominium na tinutuluyan niya ang sasakyan ng kaibigan nito, “kanina pa pala siya dumating hindi man lamang ako sinabihan,” napapakamot ng ulo si Sandro.Matagal bago umakyat si Sandro sa itaas, nanalamin siya sa salamin ng kanyang sasakyan at tinignan ang sarili hanggang sa narinig niyang may tumunog sa sasakyang malapit sa kanya.“Kanina ka pa nakatingin dyan, may nagbago b
“Ate…” nagmamadaling nanakbo si Gio sa ate niya, “hwag mo akong isusumbong kay mama, ha? Gustong-gusto ko kasing makasama si papa,” pakiusap ni Gio sa ate.“Oo, pumasok ka na. Bukas na tayo mag-usap pag-alis ni mama,” utos ni Aika sa kapatid.“Maaaa.. andito na si Gio, magbihis na Gio para hindi ka matuyuan ng pawis sa katawan.”Agad ring nagpalit si Aika ng kanyang damit sa loob ng kanyang silid, lumabas siya sa silid para samahan ang pamilya sa kusina dala ang kanyang tablet. Tahimik siyang nakiupo sa kaniyang pamilya habang nakatutok ang mga mata sa tablet.“Kumusta naman ang trabaho mo, Aika?” tanong ni Soledad, hindi sumasagot si Aika sa tanong ng ina niya dahil busy siya sa pagbabasa ng impormasyon tungkol kay Cassie.“Oy, ate, kinakausap ka ni mama,” kinalabit ni Oliver ang ate niyang nakatunganga sa gadget niya.Agad ibinaling ni Aika ang kanyang mga mata sa ina, “ano po iyon?” tanong niya sa ina, “akin na nga iyang malaki mong cellphone na iyan,” utos ni Soledad.“Ma, tablet
Dalawang oras ang lumipas nang dumating na ang sasakyan ng ama ni Aika, hindi makatayo ng tuwid si Aika dahil sa nananakit niyang mga paa sa kakatayo doon sa tapat ng mansyon ng ama. Humahangal bumaba ng sasakyan si Jose nang makita ang anak niyang nakatayo sa labas, bumaba rin ang sobrang saya na pinsan niyang may dalang mga bag ng pinamili sa mall.“Anak, bakit narito ka sa labas? Kanina ka pa ba rito?” tanong ni Jose sa anak.“Opo, pa. I wanted to call you but I don’t have any number in my contacts kaya hindi kita matawagan. I tried asking po your guards sa number mo pero pinag-isipan nila akong nagpapanggap lamang na anak niyo,” kwento ni Aika sa ama. Alam niyang hindi siya tatratuhin ng mga guards ng ganito kung walang ginawa si Cassie sa mga ito.Mabilis pumasok si Cassie sa loob ng mansyon dala ang mga gamit habang nakatitig ang Don sa mga guwardiyang nakabantay sa kanyang nasasakupan, “bakit hindi ninyo ibinigay ang numero ko sa anak ko o kaya tinawagan niyo man lamang sana ak
Marahang idinilat ni AJ ang kanyang mga mata, agad niyang naramdaman ang pagsakit ng kanyang tagiliran na natamaan ng bala dahil sa insidenteng panlalaban niya matapos ang pagdinig sa kanyang kasong pagpatay at pagsintensya sa kanya ng habang buhay na pagkakakulong kasama ang kanyang ina na nagtago sa kanya.Unang hinanap ng kanyang mga mata ang kaniyang ina sa loob ng silid ngunit mukha ng dalawang masungit na pulis ang bumungad sa kanyang pagmulat.“Mabuti naman at nagising ka na,” mataas at malaki ang tono ng boses ng pulis na nagsalita. Pumasok sa isip ni AJ ang nangyaring pakikipag-agawan niya ng baril at pangho-hostage niya kay Lalaine.“Nasaan ang mama ko?” napuno ng pag-aalala si AJ para sa kanyang ina.“Nandun na sa kulungan ang nanay mo at hinihintay ka na,” saad ng pulis sa kanya, nasi pang magtanong ni AJ tungkol sa kanyang ina subalit tinalikuran na siya ng mga pulis, lumabas ng silid at isinara ang pinto.“Kumusta na ang pasyente sa room na ito, doc? Maaari na ba siyang
Hindi pa rin makapaniwala si Lalaine sa nalaman niya tungkol sa ama ng kaniyang kaibigan, “I am happy for you na buhay pala ang tatay mo,” masayang saad niya sa kaibigan.“Thank you. In fact, gusto ko ngang makilala mo ang tatay ko. Parating na rin naman siya dito, he usually picks me up in here,” masaya niyang kwento sa kaibigan. Natutuwa si Lalaine para sa kaibigan dahil unti-unti na nitong nakakamit ang mga pangarap niya pati na rin ang mabuo ang pamilya nila.“E, paano si tiya Soledad niyan? Pumayag ba siyang makipagkita kayo sa papa niyo?” nag-aaala si Lalaine para sa ina nito dahil batid niyang masasaktan ito.“Hindi pa nga, e! Humahanap pa ako ng tyempo para sabihin sa kanya ang totoo,” kwento niya.“Dapat ay agad mong masabi sa kanya bago pa kayo magkaroon ng misunderstanding, alam mo naman si tiya, may pagka-matampuhin,” biro ni Lalaine.“Kaya nga, hindi ko pa nga maisip kung paano ko sila pagbabatiin ni papa dahil ayaw pa rin niyang makausap si papa matapos niya kaming iwana
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta