Share

Perfect Lie  (A Billionaires Fake Wife)
Perfect Lie (A Billionaires Fake Wife)
Author: Panyang

Pagtatagpo

Isang napakagandang umaga ang bumungad kay Ethyl. Ito yung unang araw kung saan simula na nang katuparan nang kanyang mga pangarap.

Interview niya sa isang sikat at prestihiyosong kompanya nang bansa. Nasa harapan lang naman niya ang isang napakalaking gusali na bakas ang pagiging successful nito sa larangang napili. Ang MRTZ Empire ang kinikilalang napakatayog na negosyo sa buong bansa. Papasok na siya nang biglang makabungguan niya ang isang lalaking nagmamadali na may hawak na coffee.

"Sorry, sorry po miss , pasensiya na talaga nagmamadali kasi ako,"

Bakas sa mukha nito ang pagkataranta. Napakabilis nitong nawala sa harapan niya ni hindi man lang nito tinanong kung kumusta siya , kung di ba siya napaso o ano. Biglang nainis si Ethyl.

Badtrip! Napaka naman talaga oo! Malas na agad ang sumalubong sa kanya sa araw na to. Hindi sana magtuloy tuloy ang kamalasang ito hanggang sa interview niya. Nakarating siya sa taas na laman pa rin nang isip niya ang lalaking yun na may kasamang inis. Nakasimangot tuloy siya habang inaantay na tawagin ang kanyang pangalan. Nagsimula nang magtawag ang isang babae nang mga pangalan na papasok. Sa pagkaka alala niya hindi lalagpas sampu yung papel na nagpasa bago ang kanya pero bakit mukhang hindi pa ata siya natatawag. Malapit nang maubos lahat nang aplikante kakalabas masok. Humigit kumulang sa bente pirasong aplikante lang naman ang nag aapply kaya lalo siyang kinabahan na baka hindi pa siya matawagan ay may ma hire na sila. Maihi ihi na siyang nag aabang sa labas. May naririnig na siya na may natatatanggap sa mga ito at magsisimula na agad sa training. Dahil dito mas lalo pang umigting ang kabang nararamdaman niya.

"Ethyl Saldamonte"

Biglang tayo at gulat na gulat si ethyl nang marinig pangalan niya!

"Yes mam present! "

oopps tsaka niya na realize ang nasabi nang biglang nagsilingunan lahat nang tao sa kanya at may humagikhik pa nang tawa, pigil na pigil huwag humagalpak.

"Sige miss pasok ka na nag aantay na ang mga boss sayo" biglang pukaw nito sa kanya. Kitang kita sa maputi niyang balat ang pamumula nang kanyang mukha dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit naman kasi ganun sinagot niya, kasalanan talaga to nang lalaking yun dahil hindi nito tinatantanan ang isipan niya. Dahil sa nangyari dala-dala niya hanggang interview ang pagkainis.

Pagpasok niya sa loob nakita niya ang isang may katandaang babae na may hawak hawak na tungkod. sa kabilang gilid nito nakaupo ang dalawang lalaki na may edad na , at isang gwapong maligno ay este tao na tahimik lang nakatingin sa mga papel. Inisa isa nito tingnan ang kanyang mga dokumento. Pakiramdam niya pinasok siya sa freezer dahil sa nanlalamig niyang pakiramdam. Hindi niya kasi mapigilan ang kaba. Dito nakasalalay ang pangarap nila nang lola niya kaya hindi pwedeng hindi niya makuha ang trabaho na to.

"Miss Ethyl Saldamonte,...! biglang basag nang lalaki sa nakakabinging katahimikan. Tila wala ni isang may gustong magsalita.

"Yes po!"

Kinakabahang sagot ni Ethyl. Pakiramdam niya anytime kakatayin siya nito.

"You're pass!"

"Ahhh ok po...." kalmadong sagot niya. Nang biglang mag sink in sa utak niya mga sinabi nito.

"Po...? Pass po ako...?? As in tanggap na?? Pe. ... Peroo wala pa po kayong tinatanong sa akin? Pano pong naging pass?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status