Share

Pain

Nanginginig pa rin ang katawan ni Ethyl at tulala lang siyang nakatitig sa kawalan. Ilang minuto na ang lumipas mula nang tumalikod ang doctor at umuwi na rin ang madrasta niya pero hindi pa rin mawala wala ang kaba niya sa puso. Hindi maalis alis sa isipan niya ang sinabi nang doctor kanina. Saan nga naman niya hahagilapin ang kalahating milyon? Ni bahay na matitirhan wala nga sila nang lola niya. Ayon sa doctor nahihirapan na mag pump ang puso nang lola niya kaya kelangan na itong ma operahan agad sa lalong madaling panahon. Ayaw tumigil sa pag agos nang mga luha niya tila ba nakikipag unahan ito sa isat isa. Ano na ang gagawin niya ngayon. Hindi niya kakayanin if mawawala ang lola niya sa buhay niya. Dahil kay lola kaya nakakahugot pa siya nang lakas nang loob harapin ang buhay. Ayaw niyang isuko ito pero paano? Nang biglang pinukaw nang isang nurse ang malalim niyang pag iisip.

"Ma'am nailipat na po sa ICU ang pasyente, pwede niyo po siya lapitan magpalit lamang po kayo nang lab gown and sundin po ang rules para hindi po makasama sa kanya."

"Sige po, thank you!"

Dali daling pinuntahan ni Ethyl sa loob nang ICU ang matanda. Parang tinutusok ang puso niya na makitang andaming nakakabit sa katawan nang lola niya. Hinawakan niya ang walang malay nitong mga kamay. Tila mahimbing lamang ito sa pagkakapikit. Hindi niya gustong umiyak sa harapan nito pero hindi niya kayang pigilan ang mga luha sa pagpatak. Tila may sariling pag iisip ang mga ito sa patuloy na pagdaloy sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kamay nito at binasag nang mga boses niya ang nakakabinging katahimikan sa loob nang kwarto.

"Lola, magpakatatag ka po. Kapit lang gagawa ako nang paraan para maoperahan ka na. Good news po may donor daw na naka standby kaya pera na lang po hahanapin ko. Pahinga ka po muna para makabawi ka nang lakas. Pinapangako ko lola magagawan ko po to nang paraan. Mabubuhay ka , magsasama pa tayo nang matagal. Kapit ka lang po!"

Habang binibigkas niya ang mga katagang yun di na niya napigilang huwag humagulgol. Tila ba nailabas niya lahat nang nakabara sa puso niya. Hinalikan niya lang ang kamay nito at umalis na. Hindi niya kayang magtagal sa loob at makita tong nahihirapan sa mga aparatung nakakabit sa katawan nito. Pagbukas niya nang pinto bumungad sa kanya ang kanyang ama na naka bingkis pa ang braso. Pagkakita sa kanya agad siya nitong nilapitan sabay dapo nang isang nakakatulirong sampal sa mukha niya.

... Slurrp...

Isang sampal na biglang nagpayanig sa utak niya.

"Papa..? bakit ..?? " nalilitong napatitig dito.

Minsan na nga lang niya to makita sampal pa ang isasalubong nito sa kanya.!

"Hinayaan kita na kasama ang lola mo pero hindi mo siya inalagaang mabuti. Hindi aatakihin ang lola mo kung tinanggap mo ang offer nang mga Galvantez. Di sana napagamot siyang maigi at hindi aabot sa puntong manganganib buhay niya. Wala kang utang na loob pagkatapos nang pag aruga nang lola mo sayo!"

"Wow, eh kayo pa kumusta? Di ba dapat ikaw ang kauna-unahang magbibigay nang magandang buhay kay lola? Pero anong ginawa mo? Pinili mo ang asawa mo ngayon kesa kay lola. Pinagpalit mo kami para sa ibang babae at anak? Sa isang anak na hindi mo naman kadugo? Asan ka ha nung paulit ulit kong sinusugod sa ospital si lola? Ni kaunting kusing wala kang tinulong sa akin! Ngayon kayo pa may ganang manumbat?"

"Bastos ka talagang bata ka! Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang kung ano ano, tandaan mo anak ka lang ako ang tatay mo!"

Andami pang gustong isumbat ni Ethyl sa ama, pero nanghihina na siya at tila wala na siyang lakas nang loob na magsalita. Napaupo na lamang siya sa upuan at humagulgol.

"Walang magagawa yang mga luha mo. Hindi ka matutulungan niyan! Ngayon na! Bumalik ka sa mga Galvantez at humingi nang tawad. At kung kelangan magmakaawa ka gawin mo. Tanggapin mo ang inaalok nila!"

"Pwede ba pa , kahit ngayon lang magpaka anak ka kay lola at maging ama ka naman sa akin kahit ngayon lang!" hindi na napigilan ni Ethyl ang sarili at nasagot niya ito nang pasigaw.

"Ingrata!"

Isang sampal na naman ang dumapo sa pisngi niya. Naalog na naman ang kanyang utak. Sasagot pa sana siya nang magsalita ulit ito.

"Pag may nangyaring masama sa lola mo tandaan mo to tuluyan na kitang hindi kikilalaning anak at kargo de kunsinsya mo siya. Sa lahat nang sakripisyo niya wala kang ginawa para maisalba ang buhay niya. May magagawa ka pero pinipili mo pa rin yang baluktot mong pride. Hindi maisasalba nang pride na yan ang lola mo itatak mo yan sa utak mo!"

Mag iisang oras na nakaalis ang ama niya pero tila walang lakas ang mga tuhod niyang tumayo. Hindi siya makapaniwala na sa kabila nang lahat maririnig niya sa ama ang mga katagang yun! Buong akala niya kahit papano eh yayakapin siya nito at e comfort na okay lang anak malalampasan din natin to! Kaso kabaliktaran nang inaasahan niya ang nangyari. Maliban sa nangyari sa lola niya mas doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ngayon niya lubos na napatunayan na walang pakialam ang ama niya sa kanya. Parang hindi siya nito anak kung pagsalitaan. Mas lalong ayaw na tumigil sa pag agos nang kanyang mga luha. Masakit bilang anak na harap harapang iparamdam sayo na wala kang halaga sa tatay mo. Ni kaunting awa o simpatya wala kang makuha dito. Ngunit kelangan niya maging matatag , kelangan niya mas lalong maging matapang dahil sa kanya nakasalalay ang buhay nang lola niya.

Umuwi muna nang bahay si Ethyl dahil nagpunta doon ang madrasta niya para humalili sa pagbabantay ayon na rin sa utos nang ama niya para daw mapuntahan niya ang mga Galvantez. Hanggang ngayon ang mga Galvantez pa rin ang pinagdidiinan nilang natatanging solusyon dahil makikinabang din sila. Pagkatapos magbihis isa isang tinawagan ni Ethyl ang mga anak at kamag anak nang lola niya. Pero lahat sila nagsasabing wala silang maitutulong. Kapos din daw ang mga ito at kung ano ano pang dahilan. May isa pang natatanging pag asa si Ethyl ang tita Annabel niya. Mabait ito sa kanila ni lola , asawa ito nang panganay na anak nang lola niya. Mula nang mamatay ang tito niya dahil sa car accident monthly itong nagbibigay nang suporta kay lola kahit tinatanggihan nang huli. Sapagkat may naulila ring dalawang bata na kelangan nito palakihin at buhayin. Nasa ibang bansa ito kasama ang dalawang anak. Nag migrate na ang mga ito mula nang mamatay ang tito niya.

"Hello tita, pasensiya ka na po wala kasi akong ibang malalapitan baka kaya mo po ako mapahiram para sa operasyon ni lola. Kalahating milyon po"

"Nakuh ang laki naman niyan Ethyl, pasensiya ka na ha wala rin kasi akong malaking perang nakapundo pero wag ka mag alala papadalhan kita yun nga lang isang daan lang ang kaya ko. 100 thousand lang ang kaya ko ibigay sayo , marami na kasing gastusin dito lalo lumalaki na mga pinsan mo at pareho pang sa private school nag aaral kaya wala akong masyadong naitatabi."

"Sige po tita malaking tulong na po yan, maraming maraming salamat po!"

"Ingatan mo si mama ha kamo sabihin mo pagaling siya at nang mabisita namin siya sa bakasyon nang mga bata! Ihalik mo kami sa kanya."

Hindi talaga nagkamali si Ethyl sa paglapit sa tita niya. Hindi pa siya binibigo nito sa tuwing nanghihingi siya nang tulong. Hindi man buo subalit nakapalaking bagay na ang binigay nito para mabawasan ang kelangan niyang likumin para sa operasyon nang lola niya. 400thousand na lang ang kulang! Saan niya hahagilapin ang natitirang perang kelangan niya. Wala siyang maasahan sa ama bagkus sa kanya pa isinisi ang lahat. Naisip niyang dumaan muna sa ospital bago puntahan ang mga kaibigan at kakilala na pwede niyang malapitan. Nasa lobby na siya nang ospital nang marinig ang nagsasalita sa intercom.

"Code blue , code blue alert. Calling the attention of Doctor Dela Vega ICU room 65!"

Inulit pa ito nang announcer nang ilang beses habang abala ang ibang mga nurse na nagtakbuhan papunta sa naturang kwarto daladala ang kung ano anong aparatu.

Rome 65? Diba yun ang kwarto ni lola? Tumakbo na rin si Ethyl papunta sa naturang kwarto. Hindi na matigil tigil sa pagkabog ang dibdib niya. Naabutan niya ang mga doctor na ne rerevive ang lola niya.

"Lola, lola!" iyak nang iyak na si Ethyl.

"Miss sa labas po muna kayo, hindi kayo pwede dito!"

Pilit na pinapalabas nang mga nurse si Ethyl. Kitang kita niya lahat kung pano pilit na binubuhay nang mga doctor ang lola niya.

"Lola lumaban ka please. Lord please si Lola! Hindi ko po kaya na mawala siya. Please po please po! Iligtas niyo po si Lola! Lola ko!....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status