Share

Chapter 9:

Linggo ngayon ibig sabihin pahinga kami sa trabaho sa bahay. Pag-ganitong linggo lumalabas ako para magpadala ng pera kay Mamang para may panggastos sila sa bahay. Pagkatapos, bibili na ako ng personal needs ko bago ako bumalik.

Minsan magkasama kami ni Linda. Kaya lang napapa-gastos ako kapag kasama ko ito.

"Lalabas ka ngayon, Ming?" tanong ni Aling Loleng nang magkasalubong kami sa sala ng bahay.

"Opo, ilang araw na po kasi akong kinukulit ni Patrick na lumabas kaya pinagbigyan ko na," sagot ko.

Ilang araw na rin kaming magka-tawagan ni Patrick. Tulad ng sabi niya gabi-gabi ito kung tumawag. Minsan pa'y hindi ko na sinasagot dahil sa pagod at minsan talagang ayoko lang siyang makausap.

Alam kung kabastusan iyon. Pero mas mabuti na iyon kesa sagutin ko nga wala din naman akong sasabihin sa kanya.

Kapag nag-uusap kasi kami tagapakinig lang ako sa mga kuwento niya.

"Ganon ba. Anong oras kayo magkikita?" Nakangiting tanong ni Aling Loleng.

"Mamaya pa pong hapon," agap kong sagot.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status