Pagkalabas ni Diana ng silid ay si Denise agad ang nakita niya. Mukhang nanadya pa at inilalantad sa kaniya ang kasuutan nito."Good morning, kumusta ang tulog mo kagabi?" bati ni Denise pero ang ngiti ay nang-aasar."Mahimbing, hindi ba obvious sa mga mata ko?" Idinilat pa ni Diana ang mga mata para magmukhang nasobrahan siya ng tulog.Napangisi si Denise at hindi pinansin ang pamimilusupo ni Diana. "Ano ang feeling na sa unang gabi ng kasal niyo ay ibang babae ang kasama ng asawa mo?"Mariing naglapat ang labi ni Diana pero nanatiling mahinahon. Nakikinita niya ang dating sarili sa pagkatao ni Denise. Ngumiti siya kalaunan na ikinakunot ng babae. "Proud ka pa sa ginawa mong pakikiapid? Ano ang ipinagyayabang mo sa akin ngayon, na ikaw ang mahalaga sa buhay ng asawa ko?"Dumilim ang aura ng mukha ni Denise at tumalim ang tingin kay Diana."Baka nakalimutan mong kaibigan lang ang turing niya sa iyo at ginagamit ka lang din upang saktan ang damdamin ko? At least ako ay aware na hindi
"Tita, tito, hayaan niyo po kaming magpaliwanag!" Kahit masakit ang balakang at binti ay humakbang si Denise palapit sa ginang."Hindi na kailangan magpaliwanag dahil klaro na sa amin ang lahat!" Galit na baling ni Beth kay Denise.Mula sa pagkayakap sa ginang, humulma ang kakaibang ngiti sa labi ni Diana nang magsalubong ang tingin nila ni Denise. Kahit papaano ay masaya siya dahil nabawasan na ang papel ng karibal sa pamilya ni Mauro."Ano na ang nangyayari sa iyo, Mauro? Dito mo pa sa pamamahay ko ginawa ang kahalayan ninyo? Parang binastos mo na rin pati ang iyong ina!" singhal ni Kobe sa anak.Napapiksi si Denise sa kinatayuan at natakot sa ama ni Mauro. Hindi niya akalain na mabaliktad ang sitwasyon at sa kaniya na galit ang pamilya ng kaibigan. Nilingon niya ang kaibigan at nagpapasaklolo ang tingin dito ngunit mukhang pati ito ay hindi natuwa sa kaniya."Mom, dad, hayaan niyo po munang mag usap kami ni Diana." Mahinahon na pakiusap ni Mauro sa mga magulang."Hindi na kailangan
"Lolo, I'm sorry! Kailangan ko pong gawin ito upang hindi ka na makapanakit ng ibang tao. Mahal ko po kayo, lolo, kaya gagawin ko ito. Hangga't malakas ka at may kapangyarihan sa kompanya ay manganganib ang buhay ng maging anak ko." Patuloy sa pag iyak si Diana habang inilalabas ang mukhang pabango sa bag.Nanlalaki ang nga mata ni Vincent habang umiiling. Ang tingin niya ngayon sa apo ay ibang tao na."Alam niyo naman po kung anong klaseng pabango ito, 'di ba?" Ngumiti si Diana at inilapit sa mukha ng abuelo ang bagay na hawak. Iyon ang ginamit ng abuelo noon upang mamatay ang ama ni Stella."No! Kapag ginawa mo iyan ay tiyak pagbabayarin ka ng kapatid mo at makukulong!" Napahigpit ang hawak ni Vincent sa armchair habang hindi hinihiwalay ang tingin sa apo na patuloy sa pag iyak.Pinunasan ni Diana ang luha sa mga mata at malungkot na tumingin sa abuelo. "Hindi po nila isipin na may ginawa akong hindi maganda sa inyo, lolo. Lalabas na inatake ka sa puso dahil sa labis na galit sa gin
Kuya, huwag mo nang sundan ang yapak ni Lolo. Makuntinto ka na lang sa kung ano ang mayroon tayo ngayon. Nakabubuti sa ating dalawa na hindi na makapagsalita si Lolo.""How dare you!" Galit na hinila ni Vans sa buhok ang kapatid at pasakal na hinawakan ito sa leeg gamit ang isa pang kamay. "Dahil sa lalaking iyon ay nagawa mo ang lahat ng ito sa amin ni lolo?""Wala akong ginawa, sadyang mahina na ang puso ni Lolo kaya siya inatake." Hawak niya nang mahigpit ang braso ng kapatid at pilit na inaalis sa leeg niya ang palad nito."Hayop ka, mas masahol ka pa kay Lolo ngayon!" Galit na binitiwan niya ang leeg ng kapatid at pilit na pinigilan ang sarili na masuntok ang kapatid.Ilang ulit na huminga nang malalim si Diana bago matapang na hinarap ang kapatid. "Tama na kuya, hindi natin kailangan si Lolo upang patuloy mamuhay nang masagana at matiwasay.""Stupida! Ito ang tandaan mo, dahil sa ginawa mong ito ay hinding-hindi ko matatangap ang lalaki mong iyon! Gagawin ko sa kaniya ang ginawa
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Humarang ang katulong sa pintuan nang makitang bitbit ni Diana ang maleta."Aalis na po ako, pakidala na lang sa ibaba ng maleta ko."Mukhang napilitan lang ang katulong na buhatin ang maleta at sumunod sa dalaga. "Ma'am alam po ba nila Senyora na aalis ka?"Nag makababa na sa hagdan ay saka nilingon ni Diana ang katulong. "Opo, pakisabi na lang na hindi ko na sila mahintay at nagmamadali ako dahil malapit na ang flight ko." Pagsisinungaling ni Diana sa katulong. "Mag ingat po kayo, ma'am!"Nagpasalamat si Diana sa katulong at hinayaang ihatid siya hanggang sa labas ng gate. Hinihintay siya roon ng taxi na sinakyan din kanina.Pagkaandar ng sasakyan, nilingon pa ni Diana ang malaking bahay. Luhaan ang puso niya dahil sa taong iiwanan. Mabilis niyang ikinurap ang mga mata bago pa tumulo ang luhang kanina pang namumuo. Hindi niya alam kung ilang oras siyang bumeyahe hanggang sa tumigil ang sasakyan."Ma'am nandito na po tayo." Pukaw ng driver sa pananahim
"Kanina pa namin siya tinatawagan ngunit hindi sinasagot. Pinahahanap ko na rin siya sa tauhan ko sa paligid ngunit wala siya," ani Stella habang masama ang tingin kay Mauro .Naikuyom ni Mauro ang palad at mariing naglapat ang mga labi. Hindi niya masisi si Diana kung nagtampo ito sa kaniya. "Hahanapin ko siya."Napabuntonghininga si Kobe nang umalis na ang anak at patakbo pa itong lumabas ng hospital. Tinawagan na rin niya ang tauhan upang tumulong sa paghahanap sa kaniyang manugang.Nilibot ni Mauro ang paligid ng hospital upang hanapin si Diana. Alam niyang hindi lalayo ang asawa dahil sa kalagayan ng abuelo nito. Ngunit lahat ng sulok ng hospital ay napuntahan na niya pero hindi pa rin makita ito. Sandali siyang bumalik sa kinaroonan nila Stella at baka bumalik na roon si Diana."Sa tingin ko ay wala siya dito sa hospital," ani Charles."Sa tingin niyo ay mahahanap niyo pa siya?"Sabay na lumingon ang lahat kay Vans na kalalabas lang sa ICU room. Matalim ang tinging ipinukol ni
Napatingala si Mauro habang inaalala ang nakaraan. Dahil sa kamalditahan at kilos ni Diana noon kaya naniwala siyang lahat ng lalaking nagustohan nito ay nakasiping ng dalaga. Una naman talaga nakakuha ng atensyon niya noon ay si Diana. Nabaling lamang kay Stella dahil nga pinagtitripan noon ni Diana. Kabaliktaran ng ugali ni Diana si Stella kaya lumipat ang pagtingin niya dito noon.Nanghihinang napaupo si Mauro sa kama at parang nakikinita niya ang asawa na umiiyak doon. "How many years?" kausap niya sa asawa kahit wala ito roon. Naitanong niya sa sarili kung ilang taon siya nitong inalagaan sa puso nito?Mapaklang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang gumihit ang hapdi sa kaniyang puso. Nasasaktan siya sa isiping dumaan sa pamamalupit si Diana dahil sa kaniya. Iniligtas siya nito nang gabing iyon kahit alam ng dalaga kung ano ang maaring mangyari rito sa kamay ng sariling pamilya."I'm scared, sasaktan na naman nila ako." Naalala ni Mauro na sinambit noon ni Diana, matapos nitong
Hindi na nag-abala si Mauro na ayusin ang pagkaparking ng sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Pagkababa ay nagmamadaling pumasok siya sa loob at sina Stella agad ang kaniyang nakita. Kinabahan siya nang makitang umiiyak ito at ganoon din ang ina niya."Mabuti at dumating ka na da—" hindi natapos ni Kobe ang pagsasalita at biglang tumalikod ang anak."Puntahan ko lang sa silid ang asawa ko." Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Mauro.Napabuntonghininga si Kobe, bakas sa mukha ng anak ang labis na takot na hindi makita ang asawa nito. Ito na nga ba ang sinasabi niya noong una pa sa anak, ang bigyan ng oras ang sarili na pagtuunan ng pansin ang damdamin ng asawa nito. Binalingan niya ang asawa at tumayo. "Susundan ko muna ang anak mo."Malungkot na tumango si Beth. Sa nakikita niya rin sa histsura ng anak ay mukhang natauhan na sa tunay nitong damdamin para sa asawa.Pagkabukas ni Mauro sa silid ng asawa ay parang may malamig na kamay ang humaplos sa kaniyang puso. Para bang may malakin