Mabilis na tumayo si Rafael at bumati sa mga magulang ni Jenny. "Good evening, ma'am, sir."Napangiti si Stella ng makita sa wakas ng personal ang lalaking gustong pikutin ng anak. "Mabuti at napadalaw ka, hijo. Maupo kang muli. Ito nga pala ang asawa ko." Pakilala niya sa asawa na seryusong nakatingin lang sa lalaki.Biglang nakagat ni Jenny ang loob ng labi nang mapansin ang paraan ng tingin ng ama kay Rafael. Wala kasing bitbit ang binata kahit isa manlang tangkay ng bulaklak para sa kaniya.Tumikhim si Charles bago nakipagkamay sa isa pang bisita ng anak. "Nice to meet you.""Likewise, sir. Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng oras upang dumalaw dito." Nabawasan nang kaunti ang kabang nadarama ni Jenny nang makitang pormal na nag uusap ang ama at si Rafael. Nang magsalubong ang tingin nila ng ina ay ngumiti ito sa kaniya."No problem, nagkakilala na siguro kayo ni Gabriel?""Ye, sir." Sagot ni Rafael."Alright, alam ko ang kuwento sa likod ng pagkakilala ninyo ng anak ko
Nangunot ang noo ni Gabriel nang makita ang dala ng isang lalaki. Maliit na paper bag lamang iyon at hindi niya malinaw nakikita ang pangalan niyon. Iniabot lang ni Roger ang dalang pangregalo ng amo dito saka lumabas din agad. Napangiti si Jenny nang makita ang hawak na ngayon ni Gabriel. Iyon ang relo na kinuha kanina sa shop. Hindi niya akalaing maglalaan nang ganoong regalo ang binata sa parents niya."Nabalitaan ko po na mahilig kayong mangulekta ng couple items kaya naisip kong bilhin ito para sa inyo." Pormal pa rin ang mukha ni Gabriel na iniabot sa ama ni Jenny ang dalang regalo.Namilog ang mga mata ni Stella nang makita ang ibinibigay sa kanila ni Rafael. Marami naman siyang alahas na ginto pero ngayon lang nakakatanggap ng regalo na ganoon kamahal.Umangat ang isang sulok ng labi ni Charles at pinigilan ang magpakita ng malaking katuwaan sa bisita. Nagkamali pala siya nang husga dito kanina. Hindi niya akalaing nalaman nitong nagpapa reserve siya ng ganoong alahas na b
Sa silid, inis na pinalabas ni Jenny ang katulong kahit hindi pa tapos magligpit ng kalat niya. Siya na ang nagtuloy niyon at doon ibinunton ang inis. Ngunit lalo lamang siya nainis dahil pangit ang pagkatiklop na gawa niya. Nang may kumataok sa pintuan ay nabulyawam niya ito. "Hindi ko kailangan nang tulong!"Napairap siya sa pintuan nang wala nang nag ingay pa. Muli niyang hinarap ang kalat sa kama at dinampot ang isang dress. Napahaba ang nguso niya at hindi alam itiklop iyon."Hina-hanger iyan."Kahit nagulat ay hindi niya nilingon ang binata na nangahas nang pumasok sa silid niya. Napahiya rin siya at hindi naisip na kailangan e hanger ang hawak ngayon. Sa halip na ipagpagtuloy ang ginagawa ay mabilis niyang nilikom ang mga nasa kama at binitbit tapos isiniksik sa isang kabinet."What are you doing?" amuse na tanong ni Rafael sa dalaga habang pinapanood sa ginagawa nito.Hindi niya sinagot ang binata at ngapatuloy lang sa ginagawa. Halos hinapo pa siya sa ginagawa. Matapos isiks
"Ano ang isusuot ko sa pagdalo sa isang event?" nakangiti nang tanong ni Jenny sa binata. Isinabit muna ni Rafael ang huling dress sa loob ng cabinet bago nilingon ang dalaga. "Ibibili kita bukas.""Kailangan ba talaga magsuot ng dress." Mukhang biglang namroblema si Jenny."Karamihan sa dadalo ay mga modelo."Biglang napatuwid ng tayo si Jenny. "Gagawin ko ito para sa iyo."Nilapitan niya ang dalaga at hinalikan ito sa noo bago niyakap. "Thank you!""For what?" aniya habang nakatingala upang mapagmasdan ang mukha ng binata."Sa tiyagang pangungulit sa akin upang makumbinsing patulan ang kalokohang naisip mo."Napalabi siya at mukhang kalokohan pa rin pala ang tingin niya sa pagiging malapit niya dito ngayon. Nakahalik na nga ito at nakahawak sa tiyan niya tapos—naputol ang pag-eemot niya sa isipan nang magsalita ang binata."Pero hindi kita binigyan ng chance na makapasok sa buhay ko dahil sa alok mo.""Malamang dahil mas mapera ka kaysa akin saka kailangan mo rin ako bilang accesso
"Jenny, anak, may dumating na package for you."katok ni Stella sa silid ng anak. Nagamamadaling binuklat ni Jenny ang isang medyo malaling box. Alam niyang galing iyon kay Rafael kaya excited siyang makita iyon. Napangiti si Stella habang pinapanood ang anak. First time niya itong makitang excited sa pagbukas ng natanggap nitong regalo. Lagi naman itong may regalo mula sa kanilang mag asawa at sa kapatid nito pero hindi ganito ang reaction ng anak. Ang katuwa pa ay alam nito na dress iyon, samantalang tuwing bilhan niya ito nang ganoong gamit ay ayaw na tingnan. "Mommy, sa tingin mo ay babagay sa akin ito?" Nakangiting itinaas ni Jenny ang dress na kulay maroon. "Yes, hija. Ang galing pumili ni Rafael at mukhang alam na ang sukat ng katawan mo." May kasamang panunukso niya sa anak. "Pero, mom, hindi siya nagpaparamdam maghapon. Baka may ibang babae nang lumalandi sa kaniya?" "Silly!" Natatawang kinuha niya ang hawak ng anak. "Isang negosyante ang lalaking gusto mong pikutin
Nahiga na sa sofa na nasa sala si Tanya at nainip sa pagdating ni Rafael. Inaantok na siya dahil malapit na mag umaga. Si Alice ay tulog na rin at hindi na mahintay pa ang binata. Inis na tumingin siya sa orasang nasa dingding, wala namang sinabi kay Alice ang binata kung makauwi ba o hindi. Hindi rin sinasagot ang tawag niya. Nakausap niya ito kanina dahil kay Roger na cellphone ang gamit niya pero pinatayan din agad siya ng tawag. "Shit, bakit ba nakalimutan kong kunin ang numero ni Roger?" kastigo niya sa sarili.Naipikit niya ang mga mata dahil sa inis na nadarama. Hindi na talaga niya malabanan ang antok na nadarama.Nagising si Tanya nang naramdamang may bumubuhat sa kaniya. Nang maamoy ang pabangong gamit ng taong bumubuhat sa kaniya ay napangiti siya. Parang may kumiliti sa puso niya dahil sa sobrang saya. Gamit pa rin ni Rafael ang pabangong gusto niya ang amoy para dito."Bakit ngayon ka lang?" malambing niyang tanong sa binata nang maibaba na siya nito sa kama.Nakatitig
Nadismaya si Jenny nang si Roger ang dunating upang sunduin siya."Ms. Jenny, sobrang busy po ngayon si Sir Rafael kaya ako ang inutusang sunduin ka." Paliwanag ni Roger nang mapansin ang pagsimangot ng dalaga.Napabuntong hininga si Jenny, wala naman siyang magawa pa. Ang mga magulang ay kanina pang umalis at hindi niya alam kung saan pumunta. Mabilis na iniwas ni Roger ang tingin sa likod ng dalaga nang maglakad na ito papunta sa sasakyan. Halatang galit ito at parang maton maglakad gayong naka dress. Sana lang ay hindi ito ganito mamaya sa event. Pinigilan niya ang sarili na mapasipol nang mapatingin muli sa katawan ng dalaga. Daig pa nito ang model dahil sa ganda ng kurba ng katawan nito.Hindi personal na nasundo ng amo niya ang dalaga dahil nagkaroon ng emergency sa naturang event. Kailangang personal na asikasuhin iyon ng amo upang walang maging problema mamaya. Ang event ay gaganapin sa mismong hotel na pag aari rin ng pamilya nito. Hindi lang basta event ang magaganap, magka
"Huwag kang magkamaling idapo sa makinis kong bakat iyang marumi mong kamay!" Pinandilatan pa ni Jenny ng mga mata si Jules.Hindi makapaniwalang napatingin si Jules sa kaniyang kamay na natigil sa ere. Siya? Sinabihan na marumi ang kamay? "Hoy babae, ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa asawa ko!" Galit na duro ni Laila kay Jenny.Inis na hinampas ni Jenny ang kamay ng babae gamit ang dala ang pouche ngunit nakailang ito. Ang pinakaayaw niya ay nanduduro. Pagsitaana na siya nang hindi maganda, huwag lang talaga duruin qt nalabas ang sungay niya. "Huwag mo akong maduro ha kung ayaw mong maputol iyang daliri mo!" Takot na sumiksik si Laila sa tabi ng asawa. "Honey, nakita mo iyon? Ang bayolente niya kaya hindi dapat mapabilang sa pamilya niyo!"Umikot ang mga mata ni Jenny at animo'y nasaktan niya kung umakto ang babae. Pagtingin niya kay Tanya ay mukhang natuwa pa ito sa ginawa niya sa pinsan nito. Napangisi siya, mukhang nagpaplastikan lang ang dalawa para lang mapagtulungan