"Shit, doon ka at dito ako!" Utos ni Roy sa tauhan habang mabilis na tumatakbo bago kumaliwa. Hinahabol nila ang dalawang lalaki na kanina pa napapansin na may kahina-hinalang kilos sa event. Sa bilis nang pangyayari kanina ay nagulat na lang siya nang makitang may buhat ng babae ang mga iyon.Mula sa loob ng aasakyan, tumatawa na pinapanood ni Vans ang nangyayari sa labas ng naturang hotel. Tanging sa labas ng hotel lang mayroon siyang monitor dahil patay ang mga surveillance camera sa floor kung saan ginanap ang event at mga silid nila Charles. Natatawa siya sa tauhan ni Charles dahil nalinlang ng tauhan niya. Ang akala ng mga ito ay si Stella ang nakuha ng tao niya. Sinadya niya ang ganoong set up upang malayang magawa ng tao niya ang plano sa loob ng hotel. Bago pa madiskubri ng tauhan ni Charles na patibong lang ang lahat at natitiyak niyang tapos na ang trabaho sa loob ng hotel.Pagdating sa isang daan, na kurner nila Roy ang dalawang lalaki. Pumorma sila at humanda sa maaring
"Mauro, dito na tayo. Pumasok ka na sa bathtub." Hinihingal na inalalayan ni Diana ang binata. Hindi siya napagod dahil sa bigat nito kundi dahil sa sensasyong lumukob sa kaniyang katawan. Nahahawakan na kasi ng binata ang masilang bahagi ng katawan niya.Hinayaan ni Mauro na mahulog ang katawan sa loob ng bathtub. Pero isinama niya ang dalaga. Nang dumapa ito sa katawan niya ay agad niyang kinuyumos ng halik ang labi nito."Uhmmm, Mauro... wait!" Pigil niya sa binata nang makawala sa mapagparusang halik nito. Ngunit naging bingin ito at muling kinabig ang kaniyang batok. Sa ikalawang pagkakataon na paghugpong ng kanilang labi ay nadarang na siya. Hindi na niya napigilan ang sarili at tumugon sa halik ng binata.Mabilis na hinubad ni Mauro ang damit ng dalaga at walang inaksayang oras. Biglang lumakas ang pakiramdam niya dahil pinagbibigyan ang gusto ng katawan. Lalo siyang nasabik nang tumambad sa mga mata niya ang malulusog na dibdib ng dalaga. Salitan iyong sinubo at hinaplos.Pa
"Bakit hindi ka makasagot? Nasaan na ang kapatid ko?" angil ni Vans sa lalaking kausap."Si-sir, kanina ko pa po hindi makuntak si Tikboy." Nautal ang lalaki at natakot kay Vans.Nanlisik ang mga mata ni Vans at sinuntok sa mukha ang lalaki dahil sa galit. "Bobo, bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Gumawa ka nang paraan at alamin kung saan niya dinala ang kapatid ko matapos gawin ang trabaho niya sa silid!"Sapo ang mukha at tarantang tinawagan muli ng lalaki si Tikboy. Ito kasi ang nagpanggap na isa sa waitress na kasama ni Stella kanina sa pagdala kay Mauro sa isang silid.Sinindihan ni Vans ang sigarilyo at biglang hindi mapakali. Hindi alam ng kapatid niya itong ginawa niya kaya pinaubaya niya sa tauhan ang paglayo dito sa gulong mangyayari."Sir, nasa third floor na po sila!" Anunsyo ng lalaking nasa harap ng monitor.Tumutok ang tingin ni Vans sa screen at ang unang napansin ay ang dugo sa sahig.Lahat ng taong nakatingin sa screen monitor ay kinabahan nang mapansin ang dugo sa
Hindi malaman ni Magda kung ano ang dapat gawin nang magkagulo na sa venue. Nag deklara si Charles na walang palabasin na guest at staff na naka assign sa event. Tumabi siya kina Sophie at natatakot na baka bigla siyang hulihin ng pulis.Matapos mabihisan si Stella, sinuri ni Charles ang mukha nito. Ganoon na lang ang galit niya nang makita ang ilang kalmot sa leeg nito. Namumula rin ang pisngi ng dalaga at may bakat ng kamay. "Sino ang may gawa nito sa iyo?"Nanumbalik ang kaba sa dibdib ni Stella nang maalala ang nangyari sa kabilang silid kanina dahil sa tanong ni Charles. "Honey, hindi ko sinasadya. Nakapatay yata ako!""Shhhh, don't be scared! Sorry kung hindi kita naprotektahan kanina, pero sinisiguro ko na pagbabayarin ang mga taong may gawa nito sa iyo!" Lalo lamang natakot si Stella nang makitang galit ang binata. Nanginginig na yumakap siya dito. "Huwag kang magalit, natatakot ako!""I'm sorry! Please huwag ka nang matakot at hindi sa iyo ako nagagalit." Hinalikan niya sa
"Sir, buhay pa po ang lalaking ito." Anunsyo ng pulis na siyang sumusuri sa lalaking nakahiga sa sahig. "Dalhin niyo siya sa hospital at kailangan niyang mabuhay. Make sure na walang ibang makalapit sa kaniya, maliban sa mapagkatiwalaang doctor at nurse." Utos ni Charles sa pulis."Sir, wala pong damage ang babaing ito at natutulog lang din siya." Anunsyo ng isa pang pulis kay Charles. "Iwan niyo siya at may kasama akong doctor upang suriin siya." Sinunod ng mga pulis ang binata. Matapos kuhanan ng mga larawan ang loob ng silid ay umalis na ang mga ito kasama ang lalaking nagsimula nang magkaroon ng malay.Pinaalis na rin ni Charles sa silid ang mga taga media at mga bisita ng kapatid. Pero lahat ng mga ito ay under investigation. "Sir, nasa loob po ng banyo sina Mauro at Diana." Pagbigay alam ni Roy sa amo.Napabuntonghininga si Charles at inutusan si Roy na bigyan ng maaring maisuot ang dalawa. Nagkalat kasi ang damit ng mga ito sa loob ng silid. Si Elizabeth ay sinusuri na rin
Naluha si Elizabeth dahil sa sakit, hindi malaman alin ang hahawakan, ang nasaktang tiyan o ang ulo na halos matanggal na ang buhok dahil sa pagkahila ni Charles. "Charles, gising na si Stella at hinahanap ka."Saka lang binitiwan ni Charles ang buhok ni Sophie nang tawagin siya ng abuelo. "Igapos niyo ang babaing iyan at huwag hayaang makatakas!" Mahigpit niyang bilin sa tauhan bago nagmamadaling nilapitan ang abuelo na nasa bungad ng pintuan."Puntahan mo na siya at umiiyak." Pagtataboy ni Ramon sa apo.Magpumiglas si Sophie nang talian siya sa kamay ng dalawang lalaki. Parang mas gustohin na lang niyang hulihin siya ng pulis kaysa ang manatili sa mga kamay ni Charles. Pinagulong ni Ramon ang kinaupuang wheelchair palapit kay Elizabeth. Pagkaharap nito sa kaniya ay binigyan niya ito ng malakas ng hampas sa tagiliran, gamit ang kaniyang baston na laging nakasabit sa kinaupuan.Napamura si Elizabeth matapos mapadaing dahil sa sakit. Gusto niyang saktan ang matanda at sagad sa buto
Mukhang natuod na si Diana sa kinatayuan nang bigla siyang yakapin ng kapatid. Yakap na kulang na lang ay pisain siya sa sobrang higpit niyon. "Diana hija, agad kaming sumugod dito ng kapatid mo nang mapanood ang balita. Sobra kaming nag aalala sa iyo."Napalunok ng sariling laway si Diana nang marinig ang tinig ng abuelo. Sa ibang taong nakakarinig sa sinabi nito ay masabing sobra siyang mahal ng matanda at concern."Mr. Vincent, pasensya na kung na delay ang pag akyat niyo dito. Kung ako lang ang masusunod ay manatili sana sa pangangalaga ko ang apo niyo." Bati ni Charles sa matanda.Ngumiti si Vincent sa binata at nakipagkamay dito. "Naintindihan namin ang sitwasyon. We're glad at ligtas kayong lahat. Pero kailangan kong kunin ang apo ko at kaya ko siyang pangalagaan."Ngumiti rin si Charles sa matanda at gumanti ng mahigpit na pakipagkamay dito. "Asahan niyo po na laging nasa inyo na ang mga mata ko mula ngayon." Makahulugan niyang turan."Aalis na kami, kung ano man ang nangyari
"Malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan ng nobya mo kaya huwag kang mag alala. Ang eririsita ko ngayon ay vitamins nilang mag ina."Nakahinga nang maluwag si Charles nang marinig ang findings ng asawa mula sa kaibigang doctor. Naipagpasalamat niya at hindi katulad sa una nitong pagbubuntis ang kalagayan nito ngayon. "Ibigay mo lang lagu ang gusto niyang kainin o inumin at iwasang sumama ang loob niya." Patuloy na pagbigay payo ni Jenny sa kaibigan."Kuya, ano ang pinaglilihian ni Ate para mabili ko?" excited na tanong ni Sophie sa kapatid.Napaubo si Jenny at mabilis na sinupil anv ngiti sa labi nang samaan siya ng tingin ni Charles. Alam niya kasi kung ano ang pinaglilihan ni Stella. Mabuti na lang at tulog ito kaya hindi naririnig ang tanong ni Sophie."Huwag ka nang mag abala at ayaw niyang kainin kapag galing sa ibang tao." Pagdadahilan ni Charles upang hindi na mamilit sa pagtatanong ang kapatid.Napalabi si Sophie at hinarap ang abuelo ngunit nagkibit balikat lang ito."Lol