"Sir, buhay pa po ang lalaking ito." Anunsyo ng pulis na siyang sumusuri sa lalaking nakahiga sa sahig. "Dalhin niyo siya sa hospital at kailangan niyang mabuhay. Make sure na walang ibang makalapit sa kaniya, maliban sa mapagkatiwalaang doctor at nurse." Utos ni Charles sa pulis."Sir, wala pong damage ang babaing ito at natutulog lang din siya." Anunsyo ng isa pang pulis kay Charles. "Iwan niyo siya at may kasama akong doctor upang suriin siya." Sinunod ng mga pulis ang binata. Matapos kuhanan ng mga larawan ang loob ng silid ay umalis na ang mga ito kasama ang lalaking nagsimula nang magkaroon ng malay.Pinaalis na rin ni Charles sa silid ang mga taga media at mga bisita ng kapatid. Pero lahat ng mga ito ay under investigation. "Sir, nasa loob po ng banyo sina Mauro at Diana." Pagbigay alam ni Roy sa amo.Napabuntonghininga si Charles at inutusan si Roy na bigyan ng maaring maisuot ang dalawa. Nagkalat kasi ang damit ng mga ito sa loob ng silid. Si Elizabeth ay sinusuri na rin
Naluha si Elizabeth dahil sa sakit, hindi malaman alin ang hahawakan, ang nasaktang tiyan o ang ulo na halos matanggal na ang buhok dahil sa pagkahila ni Charles. "Charles, gising na si Stella at hinahanap ka."Saka lang binitiwan ni Charles ang buhok ni Sophie nang tawagin siya ng abuelo. "Igapos niyo ang babaing iyan at huwag hayaang makatakas!" Mahigpit niyang bilin sa tauhan bago nagmamadaling nilapitan ang abuelo na nasa bungad ng pintuan."Puntahan mo na siya at umiiyak." Pagtataboy ni Ramon sa apo.Magpumiglas si Sophie nang talian siya sa kamay ng dalawang lalaki. Parang mas gustohin na lang niyang hulihin siya ng pulis kaysa ang manatili sa mga kamay ni Charles. Pinagulong ni Ramon ang kinaupuang wheelchair palapit kay Elizabeth. Pagkaharap nito sa kaniya ay binigyan niya ito ng malakas ng hampas sa tagiliran, gamit ang kaniyang baston na laging nakasabit sa kinaupuan.Napamura si Elizabeth matapos mapadaing dahil sa sakit. Gusto niyang saktan ang matanda at sagad sa buto
Mukhang natuod na si Diana sa kinatayuan nang bigla siyang yakapin ng kapatid. Yakap na kulang na lang ay pisain siya sa sobrang higpit niyon. "Diana hija, agad kaming sumugod dito ng kapatid mo nang mapanood ang balita. Sobra kaming nag aalala sa iyo."Napalunok ng sariling laway si Diana nang marinig ang tinig ng abuelo. Sa ibang taong nakakarinig sa sinabi nito ay masabing sobra siyang mahal ng matanda at concern."Mr. Vincent, pasensya na kung na delay ang pag akyat niyo dito. Kung ako lang ang masusunod ay manatili sana sa pangangalaga ko ang apo niyo." Bati ni Charles sa matanda.Ngumiti si Vincent sa binata at nakipagkamay dito. "Naintindihan namin ang sitwasyon. We're glad at ligtas kayong lahat. Pero kailangan kong kunin ang apo ko at kaya ko siyang pangalagaan."Ngumiti rin si Charles sa matanda at gumanti ng mahigpit na pakipagkamay dito. "Asahan niyo po na laging nasa inyo na ang mga mata ko mula ngayon." Makahulugan niyang turan."Aalis na kami, kung ano man ang nangyari
"Malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan ng nobya mo kaya huwag kang mag alala. Ang eririsita ko ngayon ay vitamins nilang mag ina."Nakahinga nang maluwag si Charles nang marinig ang findings ng asawa mula sa kaibigang doctor. Naipagpasalamat niya at hindi katulad sa una nitong pagbubuntis ang kalagayan nito ngayon. "Ibigay mo lang lagu ang gusto niyang kainin o inumin at iwasang sumama ang loob niya." Patuloy na pagbigay payo ni Jenny sa kaibigan."Kuya, ano ang pinaglilihian ni Ate para mabili ko?" excited na tanong ni Sophie sa kapatid.Napaubo si Jenny at mabilis na sinupil anv ngiti sa labi nang samaan siya ng tingin ni Charles. Alam niya kasi kung ano ang pinaglilihan ni Stella. Mabuti na lang at tulog ito kaya hindi naririnig ang tanong ni Sophie."Huwag ka nang mag abala at ayaw niyang kainin kapag galing sa ibang tao." Pagdadahilan ni Charles upang hindi na mamilit sa pagtatanong ang kapatid.Napalabi si Sophie at hinarap ang abuelo ngunit nagkibit balikat lang ito."Lol
Napabuntonghinga si Charles nang tuluyang magising ang diwa mula sa pagkatulog. Agad na tiningnan niya ang anak at baka nagising dahil sa ginagawa sa kaniya ni Stella. Wala talagang pinipiling lugar ang paglilihi ng dalaga at mukhang uhaw na naman. Bago pa ito makagapang pababa ay mabilis niya itong pinigilan.Nakasimangot na nag angat ng tinig si Stella mula sa ilalim ng kumot. Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng binata pero hindi naman siya naglilikha ng ingay o naglilikot."Not here!" namamaos ang tinig na sita niya sa dalaga."Just keep quiet."Naiiling si Charles at tinuruan pa siya ng dalaga upang hindi marinig ng anak nila. Hindi nga naman halata at madilim ang paligid plus nasa ilalim ito ng kumot. Pero hindi talaga niya napipigilan ang sarili na huwag mapaungol. Mabilis siyang bumangon at binuhat ang dalaga papunta ng banyo na naroon lang din sa silid ng anak.Pagkababa sa kaniya ng binata ay agad na tinungo ng bibig ang kanina pang gustong isubo.Napaungol ng mahina si Ch
Hello everyone! Nais ko lang po magpasalamat sa lahat nang sumubaybay sa kuwento ng buhay nila Charles at Stella. maraming salamat po sa pag-spent ng oras, data at ang iba ay pera upang ma-unlock ang bawat chapter ng book na ito. Magkaroon po ng book 2 ito at sana ay subaybayan niyo pa rin. I'll make sure po na magustohan niyo rin ang maging kuwento ng buhay ni Diana na pinsan ni Stella. Abangan niyo po kung paano matulungan ni Stella ang kontrabidang napag-utangan ng loob. Ano na ang kalagayan niya ngayon after iligtas ang buhay ni Mauro at Stella? Magkaroon ba siya ng puwang sa puso ni Mauro? Ano ang maging kuwento ng bidang kontrabida? Iyan po ang mga dapat ninyong abangan sa mga next chaper. P.S: Nakapaloob pa rin sa next book ang mga nauna nating bida upang hindi niyo sila ma-miss.Nawa'y nagustohan niyo po ang librong ito. Maari niyo rin pong basahin ang librong ito na ako ang nagsulat. THE BES MISTAKE, THE BILLIONAIRE'S SECRET, THE HEARTLESS CEO, LANGIT SA PILING MO and THE TAS
Galit na naihampas ni Vincent ang hawak na folder sa lamesa matapos mapanood ang balita. Tapos na ang kasal nila Stella at Charles at hindi manlang sila imbitado. "Lolo, lahat ng baord of directors at investors ay naimbitahan bukod sa ating kaalyado. Mukhang ang sunod nilang gagawin ay agawin na ang posisyon sa iyo."Matalim ang tinging ipinukol ni Vincent kay Vans. "Naging inutil ka na talaga at naikasal ang dalawang iyan na hindi mo agad nalaman!"Napabuntonghininga si Vans at tinanggap ang matalim na salita mula sa abuelo. Ilang lingo lamang ang nakalipas mula nang mangyari ang gulo sa hotel kaya hindi niya inaasahan itong biglaang kasal ng dalawa."Pareho na kayo ng kapatid mo na naging inutil at walang kuwenta!" Muling angil ni Vincent sa apo."Lolo, calm down. Kailangan nating mag isip ng sulosyon ngayon kaysa ang mag away." Mahinahon niyang pakiusap sa matanda.Pabagsak na ipinatong ni Vincent ang nakakuyom na na palad sa lamesa sa lamesa. "Ang kapatid mo, siguraduhin mong hi
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Diana nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Lalo niyang niyakap ang sarili sa takot nang makitang kapatid ang pumasok."Hindi ko kasama si Lolo."Nabawasan ang takot niya nang marinig ang sinabi ng kapatid."Sa sunod na lingo ay lalabas ka na dito at kailangan mong gawin ang iutos sa iyo ni Lolo."Umiling si Diana habang yakap pa rin ang mga tuhod. Mas gustohin na lang niyang mamatay ngayon kaysa at gawan ng masama ang pinsan at si Mauro. Pakiramdam niya ay nag iisa na lang siyang lumalaban sa buhay. Walang nagmamahal at ayaw niyang mamatay na galit sa kaniya lahat ng tao, lalo na si Mauro.Napatiim bagang si Vans dahil sa katigasan ng ulo ng kapatid. Kung kasama niya lang ang abuelo ay tiyak nasaktan na naman ito ng matanda. Hindi niya akalaing ganoon katindi ang pagmamahal nito kay Mauro at handang isakripisyo ang sarili para sa lalaking iyon."Kapag nagmatigas ka pa, mapilitan si Lolo na patayin ang lalaking iyon!"Hintakutang nag angat ng tingin