"Let's go?" nakangiting tanong ni Mauro sa dalaga pagkakita dito sa labas ng hospital. Kasama nito ang personal bodyguard nito."Mauro, hindi pa dumarating si Charles at ayaw kong iwan si Lolo Ramon lalo na at nasa paligid lang si Magda." Nag-aalala si Stella na baka galitin na naman ni Magda ang matanda."I see, ayos lang ba na dalawin ko siya?" Sandaling napaisip si Stella. Kilala ng matanda si Mauro noon bilang kaniyang manliligaw at kaibigan na rin. Walang nasama kung dalawin ito ng binata. Mabilis na inalalayan ni Mauro ang dalaga nang tumango ito. Ang akala niya kanina ay nauna pang umalis si Charles. Nakapagtaka rin at hindi nito inuna ang abuelo gayong nasa hospital.Bago makapasok ng silid kung nasaan ang matanda ay nakasalubong ni Stella si Magda. Matalim pa rin ang tingin sa kaniya pero umiwas naman ng daan. Mukhang galing ito sa silid kaya dali-dali siyang pumasok na upang tingnan ang kalagayan ni Don Ramon.Nagulat si Sophie sa biglaang pagpasok ng dalawang taong hindi
Naikuyom ni Charles ang kamao nang mabalitaang nanatili pa si Mauro sa bahay nila. Mukhang doon pa balak maghapunan at si Stella pa ang magluluto."Kuya, sigurado kang hindi ka uuwi sa bahay niyo?"Nilingon ni Charles ang kapatid. Mabilis niyang pinatay ang sindi ng sugarilyo at hinarap ito. "Mula ngayon ay iwasan mo na muna si Stella. Ayaw kong magkaroon ng problema muli sa kaniya. Naintindihan mo naman ang ibig kong sabihin?"Kinakabahang tumango si Sophie sa kapatid. Mukhang hindi maganda ang timpla ng mood nito kaya hindi niya masabi ang gustong sabihin. Kanina nang tumawag ito ay hindi na siya nagtanong. Kahit sa ganitong paraan ay makatulong siya sa kapatid. Biglang natahimik ang kapatid nang makitang palapit sa kanila ang madrasta."Hijo, ano ang ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na nasa hospital ang lolo mo?" nagtatakang tanong ni Magda."Maayos na siya, pumunta ako dito para sabihin sa inyo na bawal kayong lumapit kay Stella mula ngayon.""Hindi mo na kailangang sabihin iyan
"Sir, hindi pa rin po umaalis ang manliligaw ni Ma'am Stella.' Message ni Rhea kay Charles.Naikuyom ni Charles ang kamao matapos mabasa ang mensahe ni Rhea. Naroon siya ngayon sa condominium niya at hindi mapakali. Pagtingin niya sa suot na relo ay alas dyes na ng gabi."Kumusta si Lolo?" tanong niya sa nurse. "Tulog na po siya, sir, kaya nagkaroon ng oras ang dalawa na makapag usap ng masinsinan." Reply ni Rhea.Napabuga ng hangin sa bibig si Charles. Tumayo siya pero bumalik din agad sa kinaupuan. Kahit alanganing oras pa para tawagan ang dalaga ay ginawa na niya.Nangunot ang noo ni Stella nang makita kung sino ang tumatawag. Ang akala niya ay nasa himpapawid pa ang lalaki. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag nito ngunit nag-aalala siya sa banta kanina ni Charles."Si Charles ba ang tumatawag?" tanong ni Mauro nang mapansin na nag aalinlangang sagutin ng dalaga ang tawag sa cellphone nito."Ahm, yes, baka kukumustahin niya si Lolo."Ngumiti si Mauro at pinakita sa dalaga na ok lan
"Ano ang gi—uhmmmp!" Hindi na niya naituloy ang dapat sabihin at mabilis na sinilyohan ng binata ng halik ang kaniyang halik. Itinulak niya ito ngunit parang bakal itong hindi natinag sa kinatayuan."I miss you! anas ng binata sa pagitan ng paghalik sa dalaga.Lalo lamang nainis si Stella sa narinig. Kahit nadadarang sa halik nito ay nangibabaw ang galit na nadarama. Kinagat niya ang ibabang labi nito upang pakawalan siya.Dinilaan ni Charles ang labing dumugo kasunod ng pagpunas gamit ang dalari. Hindi niya napaghandaan ang ginawa ng dalaga."Damn you! Wala tayong relasyon para halikan mo kahit anong oras mong gusto!" angil niya sa binata habang pinupunasan ang labi gamit ang likod ng palad.Nanliit ang medyo singkit na mga mata ni Charles at hindi hinayaang makaalis sa kinaupuan ang dalaga. "Then, madaliin ko ang kasal natin upang magkaroon tayo ng relasyon!""Jerk, hinding-hindi ako magpapakasal sa isang tulad mo at ayaw ko nang maranasan muli ang dinanas ko sa iyo noon!"Biglang l
"Everyone, meet our new intern!" Pumalakpak ang babae mula sa training room upang kunin ang atensyon ng lahat ng empleyadong naroon.Iginala ni Stella ang tingin sa paligid ng narurang department. Karamihan ng naroon ay babae at iilan lamang ang lalaki. Tatlo silang empleyadong ipinasok ngayon at puro babae lang din."Welcome!" Sabay na bati ng karamihan nang naroon kina Stella.Tinandaan ni Stella ang mukha ng mga empleyadong hindi bumati sa kanila. Bumati siya sa mga ito ngunit sinulyapan lang siya at nagpatuloy sa ginagawa sa harap ng salamin."Alright, na training naman na kayo bago ipinasok dito, right?" tanong ni Lexter sa tatlong intern. Siya ang assitant team leader doon."Yes, sir, don't worry po at pinsan ako ng manager dito." Pinigilan ni Stella na tumaas ang kilay nang marinig ang sagot ng kasabayan niyang si Lorna. Kanina pa nito ipinagyayabang sa kanila na pinsan ito ng manager doon. Hindi niya alam kung bakit nakapasok ito roon gayong nasa rules ng kompanya ay bawal an
Mabilis na pinigilan ni Stella si Aprilyn nang likumin nito ang gamit at ilagay sa isang maliit na box. Ang akala niya ay abutin pa siya ng ilang araw sa department na ito bago mabunyag ang tunay na estado niya sa kompanya. Hindi niya hahayaang mawala sa kompanya ang tauhang matino at may puso."Stella, ayaw ko na ring isiksik ang sarili ko dito at ayaw ko na makatrabaho ang tulad nila." Ipinagpatuloy Aprilyn ang pagligpit sa gamit. Galit na inagaw ni Stella ang hawak ni Aprilyn at sininghalan ito. "No, manatili ka sa department na ito at sila ang dapat na alisin sa trabaho!"Tigagal na napatitig si Aprilyn sa babaing nagagalit. Mukha naman itong hindi nasisiraan ng bait pero umaakto ng hindi tama."Anong kagulohan ang nangyayari dito?"Natahimik ang lahat nang marinig ang matinis na tinig ng bagong dating na babae."Manager Laura, mabuti at dumating ka na. Kanina pa nanggugulo ang bagong pasok na empleyada at pati ang pinsan mo ay pinagsasalitaan ng hindi maganda!" Sumbong ni Loida.
Lalong nagalit si Stella nang makitang hindi lumalaban ang dalawang babae sa ginawa ni Laura sa mga ito. Hindi niya matulungan ang mga ito dahil nahawakan na siya ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay.Saka lang tinigilan ni Laura ang dalawa nang mapagod. Ayaw niyang ubusin ang lakas sa dalawa at kailangan ilaan sa babaing naglakas loob na saktan siya. Nakangising inayos niya ang nagulong buhok bago marahang lumapit kay Stella. Kahit magpumiglas ito ay hindi makawala dahil hawak ng dalawang lalaki."F*cker, kung ilang sampal ang ginawa mo sa dalawang iyan ay ibabalil ko sa iyo mamaya!" angil ni Stella kay Laura.Tumawa si Laura, kasama ang iba pa at pinagtatawanan ang pagtapang-tapangan ni Stella."Laura, baka masaktan ng husto ang mga palad mo kapag ginamit mo sa babaing iyan. Hayaan mong ako ang gumanti para sa iyo sa baliw na iyan!" Presinta ni Lorna.Sinuri ni Laura ang palad at pumilantik ang mga daliri. Namula na nga ang palad niya at tig limang sampal din yata ang naibigay ni
Nagtaka si Laura nang biglang naging balisa ang nobyo pagkakita sa babaing nanakit sa kaniya. Biglang uminit ang ulo niya at naisip na tama ang hinala kanina. "Honey, sino siya at bakit ganoon na lang kalakas ang loob niya na kalabanin ako? Kilala mo ba siya?"Biglang nairita si Vanz sa mga sumbong ng nobya. Ayaw niyang mapahiya kay Stella dahil sa kaniyang nobya. Pero ayaw niya ring maipahiya nito ang nobya niya sa harap ng maraming tao at sa harapan niya."Bakit hindi mo siya sagutin?" tanong ni Stella sa pinsan."Pag-usapan natin sa opisina ang ano mang hindi ninyo pagkaintindihan." Pormal na sagot ni Vanz kay Stella."Sino siya sa buhay mo at bakit hindi mo ako magawang ipagtangol ngayon sa kaniya?" galit na sikmat ni Laura sa nobyo. Tumibay ang kutob na tama ang hinala at biglang naging mahinahon ito sa harap ng babae.Matalim ang tinging ang ipinukol ni Vanz sa nobya at pinararating dito na huwag nang magsalita pa. Ngunit hindi nito nakuha o nabasa ang pakahulugan ng tingin niya