Share

Chapter 42

Eliezah

DAHIL sa pagdating ni Papa ay nagising ang mga kasamahan namin na natutulog. Gulat pa sila ng makita ang Papa ko. Sa pagkaka-alam nila ay patay na ang mga magulang ko at ako nalang ang sa pamilya namin.

"Ipaliwanag niyo po sa'kin kung papano nangyari ang..."

Huminga ng malalim si Papa at saka nagsalita. " Nong araw na inambush ang sasakyan namin noong birthday ng Mama mo ay may nagligtas sa'kin. Noong dumating na tayo sa hospital ay may kumuha sa'kin na hindi ko alam. Hindi ko kilala ang kumuha sa'kin. Isang taon akong comatose sa hindi ko kilalang bahay. Ang tanging nakikita ko lang ay ang dalawang nurse na salitan sa pagbabantay sa'kin at isang Doctor na hindi ko makita ang mukha bukod sa mga mata niya. Wala akong maalala nang magising ako kahit ang sarili kong pangalan ay hindi ko maalala. Tumakas ako sa bahay na tinutuluyan ko at nagbakasakali na may maalala ako kahit papano pero mas lalo lang nagulo ang utak ko. Palaboy laboy ako hanggang sa may tumulong sa'kin na lalaki
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status