EliezahNAGISING ako sa isang puting silid. Iginala ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ito sa lalaking nakayuko sa gilid ng kama ko. "Steve," malat na boses kung tawag sa kanya. Nag-angat ng tingin si Steve. "May kailangan ka ba? Nauuhaw ka?" Umiling ako. "Anong nangyari?" "Nahimatay ka kanina dahil sa stress. Siguro hindi na kinaya ng katawan mo ang mga pangyayari kaya nag-collapse ang katawan mo. I'm sorry kung alam ko lang sana na... " Hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng bumukas ang pinto at pumasok si Papa roon. Nang makita niya akong gising na ay mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Mabuti naman at gising ka na, anak." Tumingin ako kay Steve at nakuha niya naman ang ibig kung sabihin. Ngumiti siya at tumango saka tumalikod at lumabas. "Anak, mau nararamdaman ka bang masakit? Or..." Pinigilan ko si Papa. "Okay lang ako Pa." Sagot ko at bumangon. Inalalayan niya akong bumangon. Humilig ako sa headboard ng kama at tumingin sa kanya. "Totoo ba Pa?" Tanong
EliezahISANG linggo na akong nakalabas sa hospital at isang linggo ko naring hindi nakikita si Zykiel. Pagkauwi ko galing ng hospital ay kinabukasan ay umalis agad si Zykiel dahil ipinagtulakan ko na siyang umalis agad pero humiling siya that before he leave, he want to feel me again and I agreed. He took me many times till I drop out beacuse of tiredness. When I woke the next day, he already left leaving a single note with his handwritten on it. My dearest babe, I leave early because I don't want to see you see me leaving. I can't afford to see you while I'm walking away from you. I love you so much babe. Mahal na mahal kita. Uuwi ako sa amin like you wanted me to. I will clear all the things and I will try to fix the sin I've done to you. When I'm done, I will be back and we will get married. I love you babe, I hope you will finish your matters early. I already miss you, babe. Till we see again, babe. I love you.Love, ZykielIbinalik ko ang papel na huling alaala kay Zykiel.
EliezahNAGISING ako sa sobrang sama ng tiyan ko. Parang hinahalungkat na ewan. Nasusuka ako pero puro laway lang naman ang sinusuka ko. Pinunasan ko ang malamig na pawis sa noo ko. Nagmumog ako saka nagpahid ng labi. Lumabas ako sa banyo saka tiningnan ang oras. Alas singko y media na pala. Nag-ayos nalang ako ng sarili at bumaba. Nasa punong hagdan na ako ng marinig ko ang mahinang kanta ni Papa na nagmula sa kusina. Napangiti ako. Medyo matagal na nooong huli kong marinig na kumanta si Papa. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Papa na nakasuot ng apron habang nakaharap sa kalan. "Good morning Papa!" Masiglang bati ko. Humarap si Papa habang may hawak na sandok. "Good morning din naman! May pasok ka ngayon sa HQ?" Tanong niya. "Opo. Sabi ni General kagabi ay ngayon darating si Tito Gaell at lahat ng special ops ay nakahanda na para sa pag-aresto sa kanya. Gusto ko na talagang makulong siya para makuha na natin ang hustisya para kay Mama." Kumuyom ang kamay ko. "Ako rin nam
EliezahTUMAKBO ako deretso sa comfort room ng restaurant not minding the stares of the customers inside. I cried hard inside the cubicle I occupied. Umiyak ako hanggang sa nakontento ako. Pinahid ko ang luha ko saka ako lumabas sa cubicle. Mabuti nalang at walang taong pumasok dahil baka magtaka sila. Naghilamos ako tapos ay lumabas na ako sa comfort room. Umupo ako sa medyo walang tao at tinawag ang waiter. Nag-order ako ng light meal. Nawala ang gana kong kumain pero kailangan kong kumain. Tumunog ang phone ko. Hinugot ko ito sa mula sa bulsa at tiningnan ang caller. Si Raziell. "Hello?" Sagot ko. "Elie, where are you?" Sagot niya sa kabilang linya. "Nandito ako sa V's restaurant. Lunch. Why?" Takang tanong ko. "Alright. Give me five minutes." Sabi niya saka namatay ang linya. Nagtataka kong binaba ang phone ko. Dumating ang order ko kaya nagsimula na akong kumain habang hinihintay si Raziell. Mayamaya pa ay natanaw ko siyang pumasok sa bukana ng restaurant. Tinaas ko ang ka
EliezahMATAPOS makababa ay binuhat niya ako papasok sa unit niya. Nakamasid lang ako sa kanya habang tina-type niya ang password. 08131993Masama ko siyang tiningnan nang mapagtanto ang meaning ng password niya. Ngumisi lang naman siya at saka pumasok. Dumiretso siya sa kusina at inilapag ako sa mesa. "Huwag kang malikot dyan, baka anong mangyari dyan sa dinadala mo." Dinuro niya ako bago siya tumalikod at binuksan ang ref. Nanubig ang bagang ko ng masilip ko ang mansanas sa loob ng ref niya. Humaba ang leeg ko ng isinara niya ang ref at nahuli niya akong kanda-haba ang leeg habang nakatingin sa mansanas. Napalunok ako habang nakatingin sa nakasarang pinto ng ref. "Do you want to eat something?" He asked. Umismid ako at nag-iwas ng tingin. Bahala siyang manigas. Hindi ko siya kakausapin. Kausapin niya mukha niya!I heard him sigh. "Okay. Alin ba rito ang masarap kainin?" Sambit niya sa nanunudyong tuno at binuksan ulit ang ref. Automatic na tumingin ako roon pero sinara niya u
Eliezah"PAKAWALAN mo siya, Zykiel! God!" Masamang tiningnan ni Nayla si Zykiel sa ibaba na nakanganga parin. "Nakalimutan mo bang buntis ito?!" Tinuro ako ni Nayla. "I'm fine, agent 00015." Sambit ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Tss. Bahala nga kayo! Ang gugulo niyo!" Tinalikoran niya ako at padabog na bumaba sa hagdan. "Siguraduhin mong safe si Eliezah, Zykiel kundi lagot ka sa'kin. Ako ang ninang ng anak niyo! Kaya ingatan mo!" Galit na sambit ni Nayla. Napangiti ako sa inasal ni Nayla. Parang kailan lang ay nagmamaka-awa siya na balikan siya ni Zykiel pero ngayon ay...hmm. Mukhang hulog na hulog na nga siya kay Kieron. And speaking of Kieron. Hindi ko pa siya nakikita simula noong birthday ko. Hindi ko alam kung saan siya nagsusuot. "You don't have to remind me, Nayla." Sambit ni Zykiel at tinulak na si Nayla palabas. Nang makalabas na si Nayla sa pinto ay naroon parin ako nakatayo. Pagbalik ni Zykiel ay nagsalubong ang tingin namin at ako ang naunang magbaba ng
ELIEZAHMATAPOS sabihin ni Zykiel ang huling kataga ay nagpaulan siya ng bala dahilan para magtakbuhan ang mga tauhan ni Fergie Morgan. Hinila niya ako pasakay ulit sa elevator habang nagpapaulan parin siya ng bala sa kalaban habang ako ay paulit ulit na pinipindot ang button. "Zykiel baka tamaan si Papa!" Nag-a-alalang sigaw ko dahil baka tamaan si Papa sa dami ng pinaulan niyang mga bala. Pagkasara na pagkasara ng pinto ng elevator ay saka lang siya tumigil. Humagulhol ako ng maisip na kasama ng mga demonyong iyon ang Papa ko. Niyakap ako ni Zykiel. "Kaya ng Papa mo ang sarili niya, Elie. Magtiwala ka" sambit niya habang hinahagod ang likod ko. "Huwag ka ng umiyak. Makakasama kay baby iyan." Alo niya."P-pero...pero si Papa...baka a-anong m-mangyari..." humihikbi kong sagot. Huminga siya ng malalim at ikinulung ang mukha ko sa mga palad niya. Pinahid niya ang luha na nagkalat sa mukha ko saka siya marahan na nagsalita. "Hindi mangyayari iyon. Magtiwala ka sa kakayahan ng Pap
Eliezah"PAANO MO BA GUSTONG MABARIL, Manong Jorgie?" Walang emosyon kong tanong. Napamaang siya sa tanong ko. Pero may itinatago pa pala siya sa likod niya at nang ilabas niya iyon ay binaril ko siya ng walang alinlangan. Nabitawan niya ang kutsilyo sa kamay at deretsong napahiga habang umaagos ang dugo sa bibig at sa dibdib niya. Binitawan ko ang baril at wala sa sariling umakyat sa ikalawang palapag. Nagtungo ako sa isang kwarto kong saan matatagpuan ang mga baril ko. Kumuha ako ng backpack at saka naglagay ng mga baril at iba pang mga kakailanganin ko bukas. Nang matapos ay kumuha ako ng damit sa kwarto ko at isinilid rin sa bag. Pagkatapos ay mabilis na bumaba. Sumakay ako sa kotse at nilagay sa passenger ang bag. Pagdating ko sa bahay ni Zykiel ay ganun parin. Mukhang hindi siya umuwi. Sinipat ko ang relo ko at alas cuatro na ng madaling araw. Ilang oras nalang. Nangi-alam ako sa kusina ni Zykiel at may nakita akong mansanas roon at agad na nanubig ang bagang ko. Iyon ang gi