Share

Chapter 14

Humalukipkip ako at pasimpleng sinulyapan si Nabrel. Naabutan ko ang salubong niyang kilay habang tinatanaw ang aking suot.

Isang beses niya pang pinasadahan ang aking suot bago nag-angat ng tingin sa aking mukha. 

"Kita ang braso mo, Talianna. Ang nipis mo. Malamig na sa labas. Hindi ka magdadala ng jacket?" Komento niya at hinaplos ang kaniyang buhok. 

Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. "Duh! Iyong girlfriend mo nga kita ang pusod!" maanghang kong sinabi. 

Kitang-kita kong natigilan siya. Nanliit pa ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napairap. 

"Sino?" Malamig ang kaniyang boses. Magarbo niya akong tinitigan na tila ba nanghahamon. 

"Anong sino?!" Napairap ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Dapat ba ay kailangan pang pangalanan ang girlfriend niya? Maliban na lang kung hindi nag-iisa! 

He slowly licked his lower lip and tilted his head. "Wala akong maalalang may girlfriend ako, Talianna." 

"Ha! I can't believe you're denying this, Nabrel. Ganiyan ka palang boyfriend." I snorted. 

Pumikit siya at marahang umiling. "Ano bang sinasabi mo?" Marahang sambit niya at patuloy akong tinitigan. Kitang-kita ko sa mga mata niyang natutuwa siya sa usapan na ito.

"Whatever. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang itanggi."

"Talagang itatanggi ko dahil hindi naman totoo. Sino bang girlfriend ang tinutukoy mo, Talianna?"

Natigilan ako at sandaling tumitig sakaniya. Nag-angat siya ng kilay.

"Hindi mo ba... girlfriend... ang kasambahay kong si Blair?" Punung-puno ng pagdududa ang tono ko.

He bit his lip, obviously suppressing a smile. Ngumuso siya, titig na titig pa rin sa akin. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking sistema kasabay ng matinding kalabog ng dibdib ko. Para bang may nagdiriwang doon. Hindi ko matanto kung para saan ang pagdiriwang na iyon. May mga munting nilalang na naghahari roon...

"Wala akong girlfriend. Hindi ko alam kung bakit mo naisip iyan. Parang... gago lang, Talianna," bulong niya sa huli at umiling.

Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Pinuno ko ng hangin ang aking baga. Hindi ko namalayan na napigil ko ang aking paghinga.

"Tss. I don't believe you..." I whispered. 

I heard him chuckled softly. Mas tumindi ang kaba ko. 

"Iyong crush ko kasi may boyfriend. Hinihintay ko pa ang paghihiwalay nila."

Nilingon ko siya. His face was serious but he immediately gave me a weak smile. Naiwan ang tingin ko sakaniyang mukha nang tinanaw niya ang hagdan.

"Tara na, Blair?" Aniya at doon lamang ako lumingon sa aking likuran.

Tipid ang ngiti ni Blair. Lumingon siya sa akin at bahagyang nagtagal sa akin ang tingin niya. "Hindi na pala ako sasama, Nabrel. May pinapagawa si Sir Lavino. Uhm, enjoy na lang kayo. Ako nang magpapaliwanag kay Kaloy kung bakit hindi ako makakadalo. Maiintindihan niya naman siguro.

Nanatili lamang akong nakatingin sakaniya. Ngumiti siya at bahagyang tumango sa akin.

"Ganoon ba? Mauuna na kami kung ganoon. I-text mo na kaagad si Kaloy. Baka magtampo iyon." Nabrel chuckled a bit. 

"Oo nga, e. Maayos naman ang paalam ko kanina kay Sir Lavino. Nakapagtataka lang na nagbago bigla ang isip niya," aniya at lumingon sa akin ngunit mabilis ding umiwas. "Sige. Mag-iingat kayo," may lumbay sa tinig niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka makita niya sa mga mata kong ako ang nasa likod ng lahat. Mukhang gustung-gusto niyang dumalo. Pasensiya na, Blair. Maglinis ka na lang diyan. Tutal iyon naman ang trabaho mo. 

"What?! Maglalakad lang tayo?!" Bayolente kong sinabi paglabas namin. Buong akala ko ay dala niya ang kaniyang motor! At medyo malayo raw ang kanila. 

"Hindi ka ba marunong maglakad, Senyorita?" Inosente niya pang sambit na halatang nang-iinis. 

Humalukipkip ako at tumigil. Bitbit niya ang mga pulutan na pinabili ko sa driver. Nagulat pa siya kanina nang sabihin kong nagpabili talaga ako. Aniya ay hindi naman daw kailangan dahil may pagkain naman sa handaan ngunit nagpumilit pa rin akong dalhin iyon. Nabili ko na, e. Alangan naman iwan ko pa sa mansiyon? E, binili ko naman talaga iyon para kay Kaloy. 

"Biro lang. Sasakay tayo ng tricycle." Tamad siyang napailing at nanguna na sa paglalakad.

Naglakad kami ng ilang sandali hanggang sa may nakita siyang dumaang tricycle at pinara iyon.

"Nabrel! Iuuwi mo na ba iyan?" Humalakhak ang tricycle driver nang makita ako. Nagtaas ako ng kilay sakaniya kahit alam kong hindi niya makikita dahil medyo madilim dito sa pwesto amin.

Tumawa lang si Nabrel at sinenyasan na akong pumasok. Naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa aking likod. Nagtaka ako nang hindi siya pumasok. Yumuko lang siya at tinanaw ako mula sa loob.

"Ayos ka lang ba riyan? Doon na ako sa likod," aniya.

"What? Bakit sa likod ka? May space pa naman dito!" Nilakasan ko ang aking boses dahil sa ingay ng tunog na hatid ng tricycle.

Ilang sandali siyang natigilan at napakurap. "Sigurado ka?" Aniya sa tonong nagtataka.

Umirap ako. "Of course! Pumasok ka na."

Umusog ako sa gilid nang umamba siyang papasok. Nakayuko siya dahil tumatama ang ulo niya sa bubong ng tricycle. Umatake sa aking ilong ang amoy niya. He smelled really good. No traces of any expensive perfume but completely masculine scent. Nagtatama ang aming mga braso.

Nakatanaw lang siya sa labas. Ngumiti ako at dahan-dahang ipinasok ang aking braso sa pagitan ng kaniyang tagiliran. Mabilis siyang napalingon sa akin at kitang-kita ko pa ang pagkunot ng kaniyang noo. Nanatili lamang ang aking matamis na ngiti habang tinititigan siya. I rested my chin against his arm. 

A quiet contentment spread through me. I felt dizzy with excitement. It was... very strange. It was so intense and it scared me.

Bakit may ganito? Marahas ang bawat pagtambol ng puso ko...

"I just want to do this. Big deal ba?" I whispered to him. Kahit sa dilim, nakita kong umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking mukha. Napapikit ako ng dahil doon. 

Nanatili lamang siyang madilim ang titig sa akin. He pursed his lips, a slight furrow between his brows as he stared pointedly at me with an icy coldness. He was... I could tell... annoyed. 

I bit my lower lip and slowly pulled myself away from him. Tinanggal ko rin ang braso ko sakaniya. Nag-iwas ako ng tingin. Itinuon ko na lamang ang mga mata ko sa harapan, kahit wala namang interesante roon. Ramdam ko ang matinding init sa aking pisngi. What the hell am I doing... 

Halos sampung minuto ang biyahe namin hanggang sa marinig ko siyang pinapatabi ang tricycle. Nagkunwari akong balewala lang ang lahat ngunit sa aking kaloob-looban ay labis na ang kahihiyang nararamdaman. 

Inilahad niya ang kaniyang kamay nang ako na ang lalabas. Walang pagdadalawang-isip ko iyon tinanggap. I smiled at him and uttered a thank you in a small voice. Nakakunot lamang ang kaniyang noo, hindi sumagot at nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang aking labi at nanahimik na lamang sakaniyang gilid. Halos makalimutan ko pang kailangan pala namin magbayad. Naalala ko lang bigla nang makita kong nag-abot siya ng pera sa tricycle driver na nakatingin sa akin. He was smirking at me then he turned to Nabrel. 

"Grabe, Nabrel! Saludo talaga ako sa'yo." Humalakhak siya. 

Ngumuso ako at nilingon si Nabrel. Umiling lamang siya habang nakangisi.

"Salamat, Jason. Ingat," aniya at nauna nang maglakad. Sumunod ako sakaniya habang tinatanaw ang paligid. Simple ang mga bahay at magkakatabi talaga. Karamihan sa mga iyon ay gawa sa kahoy ngunit halatang matibay ang pagkakagawa. 

Tumigil din ako sa paglalakad nang tumigil si Nabrel. He offered his hand and I immediately held it. Mukhang nababagalan siya sa pagsunod ko. Dinig ko ang pagbati sakaniya ng ilang mga nakakasalubong namin. Tumatango siya ngunit hindi na tumitigil upang pahabain pa ang usapan. Nakikita ko pa ang tingin ng mga taong nakakasalubong namin. 

"Senyorita!" It was Kaloy. Malaki ang kaniyang ngiti at nakalahad pa ang mga braso na tila ba nag-aabang ng yakap. Sa likuran niya ay ang tingin ko'y kanilang bahay. Nakikita ko mula rito ang mga plastic na mesa at upuan. May mga bisita nang nakaupo roon. At may naririnig din akong lalaking kumakanta sa karaoke. 

Bumitaw ako mula kay Nabrel at lumapit kay Kaloy. I was about to give him a hug but Nabrel immediately pulled Kaloy's sleeve away from me.

"Oh! 'To na ang sisig at letson kawali mo. Ilagay mo na ito roon at uupo na kami ni Talianna. At tigilan mo ang pagtawag ng senyorita sakaniya. Hindi porket birthday..." Humina at dumiin ang kaniyang tono sa dulo. Nagkamot ng ulo si Kaloy at tinanggap na lamang ang mga plastic mula kay Nabrel. 

"Naku! Tinotoo mo nga, Senyo- Talianna! Salamat dito, ah. Halina kayo. Pasok na at nang matikman niyo ang luto ni Inay," he said cheerfully. I noticed that he was wearing a semi-formal outfit, a red polo shirt and a pair of dark jeans. Of course. It was his birthday. 

Umupo kami ni Nabrel sa isang bilugang mesa. Kami lang ang naroon. Lumilinga ako sa paligid habang nakaupo kami. Nakita ko ang nakababata niyang kapatid na kasama sa isang mesa ang ibang mga kalalakihan. They had a bottle of beers in front of them. I remembered his name. Senyel. Napansin ko rin na halos lahat ng mga mata ay nasa aming banda. I awkwardly smiled at them. Nilingon ko si Nabrel sa aking tabi na nakatitig lang din sa akin. 

Ngumuso siya. "Ayos ka lang? Hindi ka ba... naninibago? Ganito talaga kapag may okasyon sa lugar namin. Sa bahay madalas ginaganap. Tiyak na sa mga function hall ka sanay." 

Kumunot ang noo ko. Bakit parang nagpapaliwanag pa siya? I admit it. Kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta sa mga okasyong ganito. Iyong sa bahay lang ang selebrasyon. But it was fine with me. Bakit naman hindi magiging okay sa akin ang ganito? 

"I could say that this is fun. Aren't we gonna eat yet? I'm starving. Hindi ako kumain sa mansiyon, Nabrel," I said, dismissing the topic.

Kinagat niya ang kaniyang labi at marahang tumango. "Hintayin mo ako rito. Ikukuha kita ng pagkain. Kumakain ka ba ng ube-halaya? Gawa iyon ng nanay ni Kaloy." He smiled gently.

"Uhm, sure," sagot ko kahit hindi naman ako pamilyar sa binanggit niyang pagkain. 

Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Alam mo ba kung ano ang ube-halaya, Talianna?"

"Kung anuman iyan, I'm sure it tastes good. Matamis iyan, right? You said it's ube."

"Gawa iyon sa ube na may bagoong. Naglalaban ang tamis at alat kaya talagang masarap." Ngumisi siya. 

Kumunot ang noo ko. Bagoong at ube? 

"I didn't know na pwede iyon. Hindi kaya sumakit ang tiyan ko, Nabrel?" I pouted.

"Hindi naman siguro. Ikukuha na kita." Umamba siyang tatayo kaya mabilis kong hinawakan ang kaniyang braso. Nilingon niya iyon kaya mabilis kong binitawan. 

"Uhm, sasama ako." 

Umiling siya at hinaplos ang kaniyang buhok. "Huwag na. Diyan ka nalang. Sandali lang ako." Habang nagsasalita siya ay may nakaagaw ng kaniyang atensiyon. Ngumiti siya sa kung sinumang nakita niya. Sinundan iyon ng mga mata ko at natanaw ang isang magandang babaeng nakadilaw na dress. Sa tabi niya ay isang lalaki. Nakahawak ang lalaki sa baywang nito.

Morena ang babae at matangkad. She looked like a beauty queen. Maiksi ang buhok nito. I pursed my lips when she hugged Nabrel. Pagkatapos ay tinanguan ng kasama nitong lalaki si Nabrel. 

"Ang sabi ni Kaloy, hindi ka raw pupunta! Niloloko ako ng gunggong na iyon!" She pouted.

Ngumiti si Nabrel. And... I saw how his eyes twinkled. His face was lit up bright and he had that soft look on his face. Tila ba wala siyang ibang nakikita kundi ang babaeng kaharap. Wala ang lahat. Tanging silang dalawa lang. 

"Alam mo naman ang pinsan mong iyan, Hailey. Tsaka hindi pwedeng hindi ako dumalo. Ang lapit lang ng bahay."

"Bibigwasan ko talaga ang Kaloy na iyon! Teka lang, ha? Babatiin ko lang siya at bibigwasan na rin. Love, halika na. Puntahan natin si Kaloy." Pumulupot ang braso niya sa braso ng kaniyang kasamang lalaki.

Nagpaalam sila sa isa't isa bago tuluyang maglakad papasok ng bahay. Si Nabrel ay nanatiling nakatitig sa babaeng papalayo. Napakurap ako at nag-iwas ng tingin.

Tumango lamang ako nang magpaalam siya upang kumuha ng pagkain.

Nang maiwan akong mag-isa, doon ko naramdaman ang panlalamig. Para bang ngayon lang nanuot sa akin ang nangyari. Para akong nahihilo... ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko kahit na nakaupo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status