Share

Kabanata 1

Nagising si Alison na na parang may pumupukpok sa kanyang ulo.

"Uuughh", daing nya habang hinihilot pa ang kanyang ulo. Babangon na sana sya ng maramdaman na may mabigat na bagay na nakadagan sa parteng tiyan nya.

Dahil sa pagtataka ay nagmulat sya ng mata nya at dun nya lang napagtanto na wala sya sa kanyang apartment. Napalinga linga pa sya sa paligid para siguraduhin na hindi sya namamalikmata.

Hanggang sa napalingon sya sa kabilang parte ng kama na kanyang hinihigaan. Napasighap na sya ng makita ang mukha ng isang gwapong lalaki at n*******d pa at ang isang braso ay nakayapos pa sa kanyang tiyan.

"S***a!!", wika nya habang inaalala ang mga nangyare ng nakaraang gabi.

Dahan dahan nyang inangat ang braso ng lalaki, nang makabangon sya ay agad nyang hinanap ang mga damit na kung saan-saan nakalagay. Nang makapagbihis ay nagmamadali syang lumabas ng kwarto, wala na syang pakialam kung may naiwan syang lalaki sa loob ng kwarto na iyon, ang mahalaga ay makaalis sya bago pa ito magising.

Agad syang pumara ng masasakyan at nagpahatid sa kanto kung saan malapit ang kanyang apartment.

Nagmamadali na pumasok sya sa loob ng apartment para mag asikaso ng sarili, kailangan nyang bilisan ang kilos dahil pag nagkataon ay malilate sya sa kanyang klase.

"Hoy bruha, san ka nagsususuot? Hinahanap kita kagabi sa loob ng bar di na kita natangpuan.", yun agad ang bungad ng bestfriend nyang si Lea ng makapasok sya sa loob ng apartment. Nagsama na lang sila sa isang apartment dahil gusto nilang makatipid. Halos hati sila sa mga bayarin sa tinituluyan, sa pagkain naman ay minsan nagsi-share na lang din sila.

Medyo natigilan sya bigla ng narinig nya ang tanong ng kaibigan. Kasama nga pala nya ito kagabi papunta sa bar.

"Hoy, ano? Nag alala ako sayo, tinatawagan din kita kagabi hindi naman din kita macontact", sunod na wika nito.

"Ah eh....ano kasi...mamaya ko na lang ikukweto sayo. Baka malate pa tayo sa school pag ngayon ako nagkwento", sagot nya na lang muna, dahil hindi nya alam pano sasabihin sa kaibigan nya ang kagagahang ginawa nya, iipon muna sya ng lakas ng loob.

"Gaga, oo nga pala", biglang itong nataranta. "Sige na mag ayos ka na dun at para makaalis na tayo agad, bilisan mo ha?", pahabol nito.

Tumango lang sya bago nagmadaling pumunta sa kwarto para mag ayos.

Minadali nya lang ang pagliligo at dali dali syang nagbihis ng maayos na damit. Saka nya lang din naramdaman na medyo masakit ang buong katawan nya, para syang nabugbog lalo na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita.

Pagkatapos nya makita ang sarili sa salamin ay agad na syang lumabas ng kwarto. Agad naman silang umalis ni Lea papunta ng school. Sigurado naman siyang hindi pa sila malilate dahil medyo maaga pa mabuti na lang din at nagising sya ng maaga kanina.

Nang makarating sa school ay agad na din silang naghiwalay ng kaibigan dahil magkaiba sila ng course na tinitake. Si Lea ay BA, sya naman ay CS ang course na tinitake.

Pagkapasok nya sa loob ng classroom ay tamang tama naman dahil wala pang prof. na andun. As usual ay medyo maingay ang mga kaklase nya, may mga kanya kanyang pinag kakaabalahan. May mga tsismis pa nga syang naririnig sa ibang umpukan.

Agad syang naupo kung saan nakaupo ang iba naman nyang kaibigan.

"Ali, bakit parang medyo tinanghali ka ng pasok ngayon?", tanong ni Angel na halatang nagtataka din na ngayon lang sya nakarating sa room, sanay kasi ang mga ito na halos lagi syang maaga pumasok. Minsan ay nauuna pa sya kay Lea pumasok.

"Medyo, masama kasi ang pakiramdam ko ngayon kaya tinanghali ako ng pasok", yun na lang ang sinagot nya. Totoo naman na masama ang pakiramdam nya dahil ang buong katawan nya ay parang binugbog. Ang kuyang pogi na yun ang may kasalanan talaga, sana lang ay hindi na nya ito makita.

Sakto naman na dumating ang unang prof. nila at nagsimula na ang klase. Ang mahirap lang ay hindi nya maintindihan ang tinuturo ng nasa unahan, iba ang tumatakbo sa isip nya. Habang nawawala ang sama ng pakiramdam nya ay lalo naman nyang naaalala ang mga nangyare kagabi. Hindi nya alam kung bakit sya pumayag na makipagsex sa lalaking hindi nya kilala at mukhang mayaman pa. Nakakahiya, talagang wala pa syang ginawa kagabi kundi umungol ng umungol.

Hanggang mag uwian ay wala pa din sya sa sarili, umuna na din syang umuwi kay Lea dahil may pupuntahan pa daw ito, sya naman ay walang ganang maggala dahil sa daming gumugulo sa isip nya.

Habang sya naglalakad pauwi ay naisipan nya munang bumili ng makakain sa karinderya malapit sa inuupahan nila. Bibili na lang sya ng lutong ulam dahil tinatamad sya mag luto. Kanin na lang ang lulutuin nya sa bahay.

Nang malapit na sya sa karinderya ay biglang may kotse na tumigil sa tapat nya. Medyo tumabi naman sya sa gilid ng kalsada, magpapatuloy na sana sya sa paglalakad ng biglang may humawak sa braso nya. Agad naman syang napalingon sa sobrang gulat at pagkainis, pero sa halip na mainis ay bigla syang napasinghap ng makita nya kung sino ang humawak sa braso nya.

"Nakita din kita baby girl", wika ng lalaking kaharap nya, walang iba kundi ang lalaking kanina pa gumugulo sa isip nya.

Halos hindi sya makahinga ng ayos at tulala lang sa mukha ng lalaki.

"Ah...ano po? P-pasensya na po kuya, baka po hindi ako yung sinasabi mong baby girl", halos mautal pa sya sa pagsagot, gusto na lang nyang lamunin ng lupa.

Kanina lang ay pinapanalangin nya na wag na silang magkita pero ngayon ay andito na ito sa harap nya.

Ngumisi lang ito ng nakakaloko bago magsalita ulit.

"Hindi ako pwedeng magkamali baby girl, ikaw ang babaeng nagpabaliw sa akin kagabi", wika nito habang nakangisi pa din at titig na titig sa mukha nya

Halos ramdam nya ang pag init ng mukha nya dahil sa sinabi ng lalaki. Diyos ko ano ba naman itong nagawa nya.

"Ah...eh, ano po kasi hindi ko po kayo kilala, ngayon pa lang po tayo nagkita", pagpapalusot pa nya.

"Hindi mo ako kilala?", tanong nito sabay lapit ng bibig nito sa tainga nya. "Gusto mo ipaalala ko sayo kung pano ka umungol ng paulit ulit kagabi", bulong nito sabay pasimpleng nilapat ang labi sa kanyang leeg.

Agad naman syang napapitlag sa kuryenteng naramdaman niya dahil sa simpleng paglapat ng labi nito sa balat nya.

Hindi na nya alam kung ano pang isasagot sa lalaki, mukhang hindi talaga ito naniniwala na hindi nya ito kilala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status