Share

Kabanata 4

Kasalukuyang magkasama sila ngayon sa sasakyan ni Razen, kanina ng tinanong sya nito kung gustong sumama sa bahay nito ay wala na syang nagawa kundi ang pumayag na lang. Wala din naman syang gagawin sa apartment nya kaya okay na din na sumama sya dito para di sya mainip.

Isa pa ay sinabi din nito na hindi sya uuwi hanggat hindi sya kasama, hindi nya alam kung matutuwa o maiinis sya sa inaasta ng lalaki. Kung titingnan ito ng ibang tao ay parang mature mag isip pero pag kausap sya ay parang bata na nagliligalig pag hindi nasusunod ang gusto.

Si Lea naman ay mukhang hindi makakauwi, tinawagan nya ito kanina para sana sabihin na aalis sya ngunit hindi naman nito sinagot ang tawag nya. Medyo kampante din naman sya na okay ang kaibigan kahit hindi ito sumasagot dahil sabi naman ni Razen kanina ay kasama ni Lea ang isa nitong kaibigan.

Nagulat naman sya ng biglang hawakan ni Razen ang isang kamay nya at inilapit sa mga labi nito para halikan. Napaiwas sya ng tingin dito, halos magkulay kamatis ang mukha nya dahil sa pinagsamang hiya at kilig. Mabuti na lang at ang lalaki ay nakafocus ang tingin sa kalsada habang nagdadrive, paminsan minsan lang ito sumusulyap sa gawi nya.

Wala silang imik pareho hanggang makarating na sila sa tapat ng isang village. Bahagyang ibinaba ni Razen ang salamin ng bintana at may sinabi sa guard na tumango lang naman bago magpatuloy ang lalaki sa pagdadrive papasok sa village.

Sa labas ay nakikita nya ang ilang malalaking bahay na nadadaanan nila. Halatang mga mayayaman ang nakatira dito. Tama ang hula nya una pa lang na mayaman din talaga si Razen.

Huminto sila sa harap ng isang malaking bahay na ang kulay sa labas ay white na may touch of black sa bawat kantuhan ng bahay. May second floor din ito.

May gate din ito na may tamang taas lang, may mga tanim din na iilang mga bulalak. Malinis tingnan sa labas, parang hindi mo iisipin na isang lalaki ang nakatira dito.

"Andito na tayo baby girl", nakangiti nitong wika sa tabi nya na nagpabalik sa kanya sa realidad. Napangiti na lang din sya bilang tugon sa lalaki, pano ba naman mas gumwapo pa ito nung ngumiti.

Mabilis naman itong lumabas para pagbuksan sya ng pinto ng sasakyan. Hindi man nya aminin ay kinikilig sya sa mga simpleng ginagawa ni Razen.

Pinatakan sya ng halik nito sa labi bago sya nito alalayan papasok sa bahay nito.

Nagmakapasok sila sa loob ay halos mapanganga sya sa ganda ng loob, kung maganda sa labas ay mas lalo dito. Malinis pa lalo at halatang mamahalin lahat ng mga kagamitan na andito. Parang hindi din nadadampian ng mga alikabok ang mga gamit dito.

Inikot nya pa ang paningin sa buong kabahayan. First floor pa lang ito pero parang nakakalula na ang hitsura.

"Ang ganda ng bahay mo kuya", hindi nya napigilang ibulalas ang nasa isip nya.

"Talaga? Nagustuhan mo ba?", nakangiting tanong nito sa kanya.

"Kuya sa ganitong kagandang bahay mukha bang hindi ko magugustuhan", sagot nya dito. "Magpapagawa ako ng gantong bahay pag nakapagtrabaho na ako", masaya nya pang wika.

"Hhmm", tugon nito sabay yakap sa likuran nya. "Pwede ka naman dito, bakit magpapatayo ka pa ng bahay mo", bulong nito sa tainga nya.

"Sira!", sabay tapik nya sa braso nito na nakapulupot pa din sa beywang nya. "Bahay mo ito e, syempre papagawa ako ng sa akin", dagdag pa nya habang nakangiti na pinagmamasdan pa din ang kabuuan ng bahay.

Mahina naman itong napatawa dahil sa sinabi nya. Wala namang nakakatawa dun totoo ang sinasabi ko.

Maya maya pa ay naramdaman nya ang mga labi nito sa batok nya. Nagtayuan ang mga balahibo nya dahil sa ginagawa ng lalaki, hindi nya gusto ang gantong reaksyon ng katawan nya pag dating sa kay Razen.

"A-ah kuya, hindi ka ba nagugutom?", bahagya syang lumayo sa lalaki saka humarap dito.

"Ay oo nga pala, nawala sa isip ko ang pagkain", nangingiti pa nitong wika. "Ang sarap kasi nung kinain ko kanina, parang gusto kong kainin ulit", pahabol nito sabay kindat sa kanya.

"He! Ibang pagkain yan kuya Razen, ang ibig kong sabihin ay yung tunay na pagkain", sabay taas nya ng isang kilay dito.

Malakas naman itong tumawa dahil sa naging reaksyon nya. Nababaliw na yata ito, wala namang nakakatawa. Pero hindi nya maiwasan na napangiti na din, lumalabas lalo ang kagwapuhan ng lalaki kapag ngumingiti o tumatawa.

"I was just teasing you baby", pinatakan sya ng halik nito sa ulo bago yumakap ulit sa likuran nya.

"Teasing, teasing ka dyan, kilala kita manyak", natatawa nyang sagot dito.

"Anong gusto mong kainin baby girl?", tanong nito habang mahinang natatawa pa din.

"Gusto ko sanang kumain ng kanin kaya lang ay medyo wala akong gana, pwede bang pizza na lang sakq burger?", sagot nya dito habang pinipisil pisil pa nya ang kamay nito na nakayakap sa kanya.

"Kung yun ang gusto mo, yun ang oorderin natin", wika nito.

"Yung mura lang ha? Konti lang ang pera kong pang ambag sa pagkain", nahihiya nyang bulalas kay Razen.

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa likuran nya at pumunta sa harapan nya.

"Ako naman ang magbabayad, kahit anong gusto mong kainin bibilhin natin", wika nito habang nakahawak sa braso nya at nakatingin sa mata nya.

Tumango at ngumiti na lang sya bilang sagot dito, alam nya din naman kasi na wala syang magagawa kung anong gusto ng lalaki.

Ito na ang umorder para sa kanila, hindi nya alam kung matatawa sya dahil talagang mga mahal ang inorder nito. Hindi nya malaman ang trip ng lalaki.

Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder ni Razen, ito na din ang kumuha sa rider ng mga pagkain.

Niyaya naman sya nito papunta sa kusina para dun na daw kumain. Akala nya ay pizza at burger lang ang inorder nito pero umorder din pala ito ng spaghetti.

Nagsimula na din agad silang kumain, hindi nya alam kung matatawa sya dahil mas mukhang gustom pa ang lalaki kesa sa kanya.

"Hinay-hinay ka sa pagkain kuya", paalala nya dito habang pinipigilang matawa.

Napatingin naman ito sa kanya, hindi nya na napigilang matawa dahil may mga sauce pa ng spaghetti sa gilid ng mga labi nito.

"Bakit ka tumatawa baby gurl?", medyo nakakunot ang nuong tanong nito sa kanya.

Ang cute nito parang batang walang ingat sa pagkain.

Itinuro nya dito gamit ang nguso ang dahilan kung bakit sya natatawa.

Kumunot naman ang nuo nito.

"Ha? Gusto mo ng kiss? Mamaya na pagkatapos natin kumain baby girl", nakangisi pang wika nito.

Napailing na lang sya sa sinabi ng lalaki at tumayo sya para lumapit dito.

"Ang kalat mo kumain, para kang bata kuya, alam mo ba yun?", sabay pahid nya ng tissue sa gilid ng labi nito na may mga nagkalat na sauce.

"Stop calling me kuya", sabay hawak nito sa kamay niya. "Saka bata pa naman talaga ako kaya nga dumedede pa ako sayo", dugtong pa nito.

Nanlaki ang mata nya, sya na ang nahihiya sa mga lumalabas sa bibig ng lalaki.

"Letse ka! Ang manyak mo talaga, pati ba naman yun", sabay hampas nya dito saka inirapan bago sya bumalik sa pagkain nya.

"Sa gwapo kong ito, manyak? tsk tsk", sabay tawa nito.

Napapailing na lang sya habang pinagpatuloy ang pagkain. Sa tuwing mapapabaling naman ang tingin nya kay Razen ay kikindatan pa sya nito.

Mas mauuna pa yata syang mas mukhang matanda kesa sa lalaking kasama nya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status