Mabilis lumipas ang mga araw, namalayan na lang ni Alison na sembreak na pala nila. Ito ang laging inaabangan nya, dahil alam nyang pwede syang umuwi sa probinsya nila sa Quezon. Doon nakatira ang kanyang mga magulang pati na din ang kanyang mga nakababatang kapatid. Doon sya nag aral hanggang Highschool at ng magkaroon sya ng pagkakataon na makapag aral sa syodad ay hindi na sya tumanggi pa. Si Lea ang talagang nagsabi sa kanya na pwede syang mag aral ng kolehiyo sa kung saan sila nag aaral ngayon."Hello, anak? Anong araw ka uuwi dito sa atin?", boses iyon ng kanyang ina mula sa kabilang linya. Napagpasyahan nya kasing tawagan ang mga ito para ipaalam na uuwi sya sa kanila. "Nay! Sa sabado po ang uwi ko dyan", sagot nya sa ina. "Mabuti naman, miss ka na namin ng tatay mo pati na din ng mga kapatid mo", halatang masaya ang ina ng malamang uuwi sya. "Miss ko na din po kayo", naiiyak sya sa tuwa dahil alam nyang masaya ang mga ito na magkakasama sama ulit sila. "Sasabihin ko sa iy
Pagkatapos nilang kumain kasama ang pamilya ni Alison ay wala na silang ginawa kundi ang makipag kwentuhan ng kung ano-anong bagay. Sinuggest din ng kanyang mga magulang na ipasyal nya si Razen sa kanilang lugar para naman daw maging pamilyar dito ang binata. Tuwang tuwa naman ang lalaki dahil gusto din nitong makapamasyal sa kanilang lugar. Hindi man nya aminin sa sarili ay natutuwa sya dahil mukhang tanggap ng mga magulang si Razen. Kahit pa nga nalaman ng mga ito ang agwat ng edad nila. Basta pinayuhan lang sila ng mga magulang nya na hangga't maaari ay magtapos muna sya ng pag aaral.Sumang ayon naman si Razen sa sinabi ng mga magulang. Isa iyon sa dahilan kung bakit mas humahanga sya sa lalaki. Masyadong mature ang pagiisip, aminado naman sya na minsan nagiging parang bata ito umasta pero pagdating sa plano sa buhay ay seryoso itong mag isip. Pagkatapos nilang maghapunan ay agad na silang naghanda matulog, ito ang isa sa namimiss ni Alison sa kanilang probinsya. Mas nakakapagpa
Patuloy sa pag inom ng alak si Razen habang inaalala ang ginawa sa kanya ng fiancé nya."Maghiwalay na tayo", yan ang unang salitang narinig nya mula kay Katherine. Andito sila sa restaurant na pinareserved nya para sa dinner nila ng babae. "Pwede bang pag usapan muna natin ito ng ayos?", may halos pagmamakaawa nyang wika sa fiancé nya. "Hindi na, wala na tayong dapat pag usapan pa", mabilis na sagot naman nito. "Kung hindi mo nga lang naibibigay ang lahat ng luho ko ay matagal na akong nakipaghiwalay sayo", pahabol pa nito na lalong nagpabigat sa nararamdaman nya. "Please, wag mo namang gawin 'to sakin, mahal na mahal kita babe", kulang na lang ay lumuhod sya sa harap nito para wag syang iwan. "May mahal na akong iba, mas naibibigay nya lahat ng pangangailangan ko, hindi lang pagdating sa pera at luho. Mas napapaligaya nya ako, hindi katulad mo na mas inuuna mo pa ang ibang bagay, ni hindi mo manlang ako mabigyan ng oras", wika ng babae bago ito tuluyang tumayo at lumabas ng rest
Nagising si Alison na na parang may pumupukpok sa kanyang ulo. "Uuughh", daing nya habang hinihilot pa ang kanyang ulo. Babangon na sana sya ng maramdaman na may mabigat na bagay na nakadagan sa parteng tiyan nya. Dahil sa pagtataka ay nagmulat sya ng mata nya at dun nya lang napagtanto na wala sya sa kanyang apartment. Napalinga linga pa sya sa paligid para siguraduhin na hindi sya namamalikmata. Hanggang sa napalingon sya sa kabilang parte ng kama na kanyang hinihigaan. Napasighap na sya ng makita ang mukha ng isang gwapong lalaki at nakahubad pa at ang isang braso ay nakayapos pa sa kanyang tiyan. "Shuta!!", wika nya habang inaalala ang mga nangyare ng nakaraang gabi. Dahan dahan nyang inangat ang braso ng lalaki, nang makabangon sya ay agad nyang hinanap ang mga damit na kung saan-saan nakalagay. Nang makapagbihis ay nagmamadali syang lumabas ng kwarto, wala na syang pakialam kung may naiwan syang lalaki sa loob ng kwarto na iyon, ang mahalaga ay makaalis sya bago pa ito magi
Hindi lubos maisip ni Alison na magkikita pa sila ng lalaking nakatalik nya noon lang nakaraang gabi na napag alaman nya din na Razen ang pangalan. At lalong hindi sya makapaniwala na ngayon ay andito na sila sa labas ng apartment na tinutuluyan nya. Nagpumilit ang lalaki na sumama kung saan sya nakatira, tatanggi sana sya pero nabigla sya ng bigla na lang sya nitong pinapasok sa loob ng sasakyan. Wala na syang nagawa kundi ang magpatianod na lang sa ginawa ng lalaki dahil medyo nahihiya na din sya dahil simula pagbili nya ng ulam ay kasama na niya ang lalaki na walang ginawa kundi kausapin sya ng kausapin. "Dito ako tumutuloy", pagkausap nya sa lalaki ng nasa harap na sila ng gate ng apartment na tinitirhan nya."Mukhang maayos naman pala ang inuuwian mo", wika nito habang nakatingin pa din sa apartment. Hindi naman nya maiwasan na mapatingin sa lalaki habang nagsasalita. Ngayong maliwanag na ang paligid ay mas nasigurado nyang gwapo talaga ang lalaki, halatang mayaman din base na l
Nang makarapasok sila ni Razen sa kwarto nya ay mabilis itong nagtanggal ng saplot sa katawan. Siya naman ay parang estatwa na pinapanood ang ginagawa ng lalaki. Napasinghap naman sya ng hubarin na nito ang damit pambaba, napalunok sya ng makita kung gaano kalaki ang pagkalalaki nito. Buhay na buhay ito at kitang kita ang mga galit na ugat. Lalo nyang napagtanto kung bakit sobrang sakit ng pagkababae nya kaninang umaga. Halos hindi sya makapaniwala na kinaya nya iyon nung nakaraang gabi. Habang nakatingin sya sa pagkalalaki ni Razen ay parang may nag uudyok sa kanyang isip na hawakan iyon. Pinipigilan nya lang dahil medyo nahihiya pa din sya sa lalaki. Ayaw nya namang isipin nito na sabik na sabik syang mahawakan ang bagay na iyon. Halos pigilan nya ang paghinga ng humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Titig na titig ito sa mga mata nya, hinawakan nito ang kanyang leeg at saka masuyong hinalikan ang kanyang mga labi. Ramdam na ramdam nya ang halatang pagpipigil nito. Gumapang ang
Kasalukuyang magkasama sila ngayon sa sasakyan ni Razen, kanina ng tinanong sya nito kung gustong sumama sa bahay nito ay wala na syang nagawa kundi ang pumayag na lang. Wala din naman syang gagawin sa apartment nya kaya okay na din na sumama sya dito para di sya mainip. Isa pa ay sinabi din nito na hindi sya uuwi hanggat hindi sya kasama, hindi nya alam kung matutuwa o maiinis sya sa inaasta ng lalaki. Kung titingnan ito ng ibang tao ay parang mature mag isip pero pag kausap sya ay parang bata na nagliligalig pag hindi nasusunod ang gusto. Si Lea naman ay mukhang hindi makakauwi, tinawagan nya ito kanina para sana sabihin na aalis sya ngunit hindi naman nito sinagot ang tawag nya. Medyo kampante din naman sya na okay ang kaibigan kahit hindi ito sumasagot dahil sabi naman ni Razen kanina ay kasama ni Lea ang isa nitong kaibigan. Nagulat naman sya ng biglang hawakan ni Razen ang isang kamay nya at inilapit sa mga labi nito para halikan. Napaiwas sya ng tingin dito, halos magkulay k
Nasa loob ng classroom si Alison ngayon para sa kanyang panghuling subject. May sinasabi ang prof. nila tungkol sa kanilang lesson pero ang isip nya ay wala na doon. Kanina pa kasi nya nilalabanan ang antok, simula first subject ay gusto na lang nyang matulog ngunit hindi pwede dahil baka mapagalitan pa sya. Paano ba namang hindi sya aantukin ngayon ay napuyat sya kagabi. Ang magaling na si Razen kasi ay pinilit sya na matulog sa bahay nito ng dalawang gabi. Gusto sana nyang magreklamo dito dahil halos ayaw na syang pauwiin. Mabuti na lang din natawagan nya ang kaibigang si Lea para sabihin na hindi sya makakauwi muna sa kanilang apartment. Wala namang naging reklamo ang kaibigan, mukhang may ideya na ito kung sino ang kasama nya at kung saan sya matulog muna.Sa dalawang araw at gabi nya na nasa bahay ni Razen ay halos puro kahalayan ang ginawa sa kanya ng lalaki. Sya namang marupok ay laging bumibigay sa bawat pang aakit nito. Alam na alam naman ng lalaki kung paano sya maaakit, ko