Share

CHAPTER 4 - THE CURSE

Clavem POINT OF VIEW

Naibaba ko kaagad ang dala kong palanggana ng marinig ko ang sigaw galing sa banyo. Binuksan ko kaagad ang pinto sa banyo nang nakita ko si Heres sa bathtub at umiiyak dahil sa nakabukas na hot shower na aksidente nitong napihit.

Pumasok ako kaagad at pinihit pasara ang shower. Kumuha ako agad ng towel at ipinalupot sa kanyang katawan. Basang-basa na ang buong pulang bestida niya at patuloy pa rin sa pagtangis.

"Clavem..." tawag niya.

Tumingin ako sa kanya ng walang pagaalinlangan at gumuhit sa kaniyang mga mata ang pagsusumamo sa akin.

"Please... let him go. I'm begging you, Clavem... let him go."

Namamaga na ang mga mata niya maging ang sipon nito ay tumutulo na sa kaniyang ilong pero wala itong pakialam.

"Clavem.. ." mahinang tawag niya sa akin. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "I can pay you how much just name your prize just stay away from him."

I bit my lower lip and sighed. Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya. "I don't need your money."

"If you don't want m-money..... then I can do w-whatever you wish... Just p-please... be the one to reject him." Kinuha niya ulit ang aking kamay at hinigpitan ito sa kaniyang paghawak.

Pinipigilan ko ang pagpatak ng namumuuong mga luha ko dahil sa bigat ng nasasaksihan ko sa harapan ko. Alam kong masakit at sobrang nahihirapan na si Heres sa lagay naming tatlo pero hindi lang siya ang nahihirapan ako rin naman. Hindi ko rin puwedeng ireject si Sortitus dahil iniisip ko siya at maging ang kahihinatnan ng pack n'ya kapag sa oras na tinanggihan ko ang nakatadhana lalo na't may malaki pa siyang responsibilidad at misyon na dapat gampanan.

"I can't reject him. Hanggat hindi si Sortitus ang mag reject sa akin hindi ako aalis.... I'm sorry," matibay at diretsahan kong pagkakasabi sa kaniya. Umangat ang kaniyang ulo at bumilis ang kaniyang paghinga.

SLAP!

"You slut wolf!" lait niya sa akin. "At the first place you doesn't care of my feelings at all. You only love yourself so you fvcking enjoying my pain..... Let's see next if you can stand here. I swear I'll make your life a leaving hell in this house! I despise you!"

Umalingawngaw ang hiyaw niya sa buong banyo. Tiniis ko ang lahat ng kaniyang mga pagsampal at pambubugbog sa akin kung ito lang ang magpapagaan sa kaniyang sakit na nararamdaman at ilabas ng kaniyang pangigigil at galit, ayos lang tatanggapin ko lahat.

"Holy shit! What happened?!"

Dumating si Sortitus at saka kumalma si Heres. Puno ng gulat si Sortitus sa nadatnan niyang paghihikahos ni Heres at samantalang ako ay walang magawa para pakalmahin siya. Bukod sa kaniyang pagliliyab sa galit sa tuwing lumalapit ako sa kanya ay mas lalong sumisikip din ang kanyang dibdib.

Itinupi ni Sortitus ang long sleeve polo niyang suot at ginawang 3/4. Mabilis na binuhat at ipinahiga niya si Heres sa kama at tinanggal ang dalawang botones sa kaniyang polo.

Napalunok ako't aligagang kumuha ng tubig sa Ref. sa baba ng kwarto. Pagkapanik ko ay agad ko na itong inaabot kay Sortitus ang tubig na ininom naman ni Heres. Kumalma ito ng panandalian pero bumalik din ang kaniyang tensyon ng magtama ang mga mata namin.

"P-Please, S-Sortitus... please get that women out of my s-sight," hagulhol niyang saad.

Tinabihan niya sa kama si Heres. Pinatahan at ikinulong niya sa kanyang mga bisig.

"Shhh... Heres, I'm here... shhh... go to sleep. I'm not going somewhere else... I will stay here all night with you," mainit niyang pagpapatahan dito. Hinawi-hawi niya ang buhok ng luna at niyakap ng mas mahigipit at hinalikan sa noo ng ilang minuto.

Nanatiling blanko ang ekspresyon ko. Naka froze ang katawan ko na pinagmamasdan ang dalawang mag asawa sa harap ko. Tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Sa isang iglap ay nagtama ang mga mata namin ni Sortitus.

"Iwan mo muna kami ng asawa ko," pakisuyo niya sa akin nang kausapin ako gamit ng isip.

Nakuha ko na ang nais niyang sabihin kaya't bumalik ang sarili kong katinuan at naigalaw ang katawan.

"I love you... my alpha."

"I love you too, my luna Heres."

Bumagsak ang luha ko pagkalabas ko ng silid. Napatiyad ako sa pader at napadausdos na lang, nakatingin sa kisame at ikinuyom ang mga kamaong nakapatong sa 'king tuhod nang marinig ko ang mga lumabas na salita sa bibig ni Sortitus na minsan ay hindi ko narinig sa kaniya na masabi sa akin na mahal niya ako.

"I love you, Sortitus...."

Hindi ko inaasahan na tototohanin lahat ang mga banta ni Heres sa akin ng gabing iyon. Pinaalam ni Sortitus na hindi muna siya makakauwi ng ilang araw para sa pangunguna at pagtulong sa kanyang mga Gamma at Zeta na ihanda, palakasin at i-ensayo ang mga bagong recruit na sundalo. Naging bangungot naman ang mundo ko ng makasama kong naiwan si Heres sa mansyon at pagkatapos ng trabaho niya sa kaniyang kumpaya ay ako naman ang hinahalimaw nito.

"What are you doing?!" Pagkuno't noo kong sigaw.

"Oh! Clavem. And'yan ka na pala. Sinusunog ko lang ang mga basura mo. You should thank me after," humahalakhak siya ng napakalakas.

"Basura?"

Lumapit ako sa kaniyang kinaroroonan patungong hardin. Nakita ko sa loob ng drum ang sinusunog niyang mga gamit ko, kasama ng mga regalo sa akin ni Sortitus at ang pendant na bigay sa akin ng kuya ko.

Kumawala ang mabilis na paghinga ko at ang nagwawalang puso ko sa galit.

" 'Wag ka na manghinayang sa mga gamit mong luma at basura. Don't worry baka sabihin mong madamot ako. Bibilhan na lang kita ng bago, branded pa," pag iinsulto niyang sabi.

Gumulis ang mahaba kong kukong dilaw sa drum at nangangati ang pangil kong lumabas.

"Hey!"

Nang inilapat ni Heres ang kaniyang kamay sa aking balikat ay agad ko itong kinuha at binali.

Umuusok ang ilong ko at humagpos ang mainit na hangin sa aking bibig. My eyes turn into purple color and my half wolf reawaken.

"Tiniis ko lahat ng pang aalipin mo sa 'kin, Heres. Pero ang sunugin ang gamit ko na lubusang importante at may sentimental value ay ibang usapan na 'yan!"

Ngumisi siya't buong lakas na ibinaliktad ang puwesto namin. Kung ako ang nang iipit sa braso niya ay ako naman ang pinapalipit niya ngayon.

"Kung sawang-sawa ka na sa buhay na pinili mo ay puwes lumayas ka! Ihahatid pa kita!" matinis niyang bulyaw.

Nagtuos kaming dalawa. Tatlong puntos sa akin at dalawa lang sa kaniya.

"Clavem!"

Nanlaki ang mata ko ng nakauwi na si Sortitus na akala ko ay sa susunod pang linggo ito makakabalik.

"Akala ko sa susunod na linggo pa ang balik mo?" kinakabahan na tanong ko.

Magkasalubong ang kilay at umuusok ang ilong sa nasaksihan niya.

"Damn bullshit!"

Mukha siyang dragon na bubuga ng apoy nang lapitan niya kami. Hinawakan niya ang palapulsuhan ni Heres at inalayo sa akin.

Lumingon siya sa akin nang nanlilisik. "I finished there so I went home early to rest. But you're going to give me another headache, Clavem?!"

Hindi siya makapaniwala sa hindi ko naman talaga sinasadya. "I can't believe na kaya mong manakit, Clavem. Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko sa iyo. You change alot!"

"No. No! Let me expla -- "putol kong salita nang biglang humagulhol ng iyak si Heres.

"No! She planned to kill me! So if I'm gone you, my husband, will be all hers!" pagsigaw niya.

Inilabas niya ang kanyang cell phone at may ipinakita siya dito kay Sortitus. Labis ang pagkagulat ni Sortitus sa mga nakita niyang larawan. Isinend din ni Heres sa messenger ko ang mga larawan. Kinuhanan niya ng litrato ang sarili nito na puno ng pasa at mga sugat ang buong katawan.

"She!" Panduduro niya sa akin. "Siya ang may gawa lahat ng iyan sa akin, mahal ko. Ngayon sortitus hindi ka pa ba naniniwala sa akin na masamang mate ang babae mo?!"

Ang mga mata ni Sortitus ay nakafocus lamang sa mga mata ni Heres at tila'y hinihipnotismo niya ang sariling asawa sa mga sinasabi nito upang paniwalaan.

"Sortitus! Makinig ka sa akin!" hiyaw ko nang nakakuyom ang kamao.

Inilagay ni Heres ang kanang palad niya sa panga ng asawa at hindi pinutol ang pagtititigan nilang dalawa.

"Sortitus!" muling bulyaw ko.

Namilog ang mga mata ni Sortitus at umigting ang panga nang sa wakas ay siya na rin mismo ang pumutol sa pakikipagtitigan kay Heres. "Damn you, Clavem!" he grinned his teeth. Inilagay ang kamay sa kaniyang baba at malalim na nag isip ng ilang segundo. Hindi siya makapakaling nagpalakad-lakad at pabalik-balik sa kaniyang nilalakaran. Lumapit siya sa akin at dinuro ako ng tagos sa buto. "Sinong nagbigay sa iyo ng persimo, babae, na saktan si Heres?!"

Namumugtong pag iling ko at pagsenyas na hindi totoo ang lahat ng mga sinasabi niya. "She's a liar. I didn't even dare to lay a hand on her pero ngayon sumusobra na siya kaya ko s'ya nasaktan! But believe me, ngayon lang ito at hindi ko naman nagawa sa kanya ang mga ibinibintang niyang pananakit at pambubugbog ko dito ng mga ilang araw. She did that all to herself to get rid of me. In fact she's the one who hurting me without you here!"

Nakikita ko siya sa kuwarto at sinasaktan ang sarili. Sinubukan ko siyang pigilan pero ilang beses pa niya akong pinagbabantaan na tutuluyan na patayin ang sarili kapag pinakialaman ko siya. Kung ano-anong matutulis o babasaging bubog na mga bagay ang pinagkukuha niya at pinagsasaksak sa sarili't sinusugatan. Itinatama niya ang kanyang sarili sa pader at sinusuntok ang sariling sikmura. Naghired pa ito ng mga tauhan para pagtulungan na bugbugin ito, lumpuhin at balian ng kamay.

"Tign --- " hindi pa tapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Sortitus.

"No need to explain, you are caught in the act," he uttered deeply and angrily. Gumuhit ang kirot sa kaniyang mata at nababasa ko ang pagakadismaya niya sa akin. "Akala ko mabait ka, but I'm fvcking stupid to believe."

Hinawakan niya ang kamay ni Heres na punong-puno ng pag iingat at sabay na inakbayan at inalalayan dahil iika-ika itong maglakad. Kitang-kita ko kung paano siya mag alala at alagaan si Heres. Pero paano ako? Nasaktan din naman ako ah? Nasugatan pero kahit kaunting pagkalinga mo o pag aalala sa iyo, Sortitus, ay wala! Ni-kamustahin ako pagkabalik mo ay wala akong narinig mula sa 'yo.

Nakita ko ang pagkindat at ang pagngisi ni Heres ng pasimple bago pa tuluyan na pumasok silang mag asawa sa loob ng mansyon at ito ako nagluluksa mag isa sa hardin.

Sa ilalim ng puting buwan sa kakahuyan ay tumatakbo ako na naka anyong lobo. Humahagulhol at kinakausap ang lobo sa loob ko. Lahat ng mga hinanaing ko sa puso ay isinisigaw ko kahit na binabalot ang buong paligid ng liwanag dahil sa puting sinag na nagmumula sa buwan.

"I hate everything that happens to me but I'm not regretting to love him but he is not destined to love me back. Dearest Luna Goddess why are you making me suffer like this? Do I did something to trigger your hatred and put me into a curse and be the mistress of my own mate?!"

Ang buong akala ko na matatapos na ang lahat ng pagdurusa ko ay hindi pa pala ito ang katapusan dahil hindi lang bangungot ang aabutin ko kun'di impyerno at bingit ng kamatayan.

"You killed the Queen Mother!"

Hiway ng isang batang lobo sa aking likuran at gumuhit sa kaniyang mukha ang takot sa kanyang nakita.

Bumalik ako sa aking ulirat ng matagpuan ang aking sarili na nasa harapan ng duguang reyna ng mga red pack. Ang mahal na reyna at ang ina ni Heres.

Napalunok ako at nanlaki ang mga matang binitawan ang silver knife na nasa aking kamay na puno ng dugo na galing sa kanya.

Napaaatras akong binasahan ang sarili sa sahig habang paulit-ulit ang pag iling at pagpagpapaniwala sa sarili na hindi ako ang may gawa nito.

"I didn't kill her.... I-I didn't kill the Q-Queen!"

Laking gulat ko ng makita rin ang sarili na dinudugo sa gilid ng magkabilaan kong hita.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
JECkk
Langya ka Heres may araw at gabi ka rin ... Cno nga ba ang mas matimbang kay Sortitus Ang fated mate nya o ang Luna nya!?? hmmm
goodnovel comment avatar
Jedda Balcuba
kelan po update nito miss A?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status