Share

CHAPTER 6 - SCAR OF THE YESTERDAY.

Sortitus POV

"Ito rin naman ang ginusto mo, hindi ba?" mabalasik na sikmat ni Clavem.

'Kahit kailanman hindi ko hiniling na sapitin mo ito.'

Napakunot ang noo kong umiling. Ikinukubli ang luhang nais ng lumuha. Ni-walang kahit anong boses ang lumabas sa aking bibig, dama ko ang pagsikip ng dibdib, maging ang paghinga'y hinaharangan na rin. Tanging boses lamang sa aking isip ang aking naririnig.

Ang kanyang mga idinikta't iginiit ay sagad hanggang buto. Ilang ulit din akong napalunok nang pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya at mas piniling lumuhod muli at idinuko naman ang ulo sa pagkakataong ito. Ipinikit ang mga talukap at isinara ang bibig, walang ingay ang maririnig mula sa kaniya. Siya'y naghihintay na lamang sa kan'yang napipintong pagpanaw sa mundo.

"Woughhh! Sarap! Iyon lang ba ang kaya mo 'insan?" Maangas na ani ni Fortis ng makatayo habang dinidilaan ang kanyang sariling dugo sa labi.

Iritable kong minulat ang aking talukap. Malalim na suminghap at taas noong tumayo sa pagkakaluhod na kapantay ni Clavem. Napatikhim, napalunok at nilinis ang gilagid gamit ang dila ko't kinuyom ang kamao. Wala akong choice kun'di pabayaan muna si Clavem sa kanyang posisyon upang maturuan ko ng leksyon ang pinsan kong si Fortis.

"Son of a whore!"

BLAG!

Paulit-ulit kong ibinalibag at inihagis si Fortis. Siya rin ay aking sinakal. Pinatikim ko ito ng high-kick na sipa at mabilis na umuulit na pagsapak sa kabuuan ng kaniyang katawan. Binuhat ko rin ito gamit ang buong lakas ko't inikot-ikot sa ere subalit kahit anong gawin kong pagtotorture sa kanya ay mas lalo lang siyang lumalakas mang inis.

"Mukang nag-eenjoy ka pa!?" Gigil na singhal ko. Ramdam ko na rin ang pagod sa katawan at ang walang humpay na paghingal. Ngayo'y nakapatong ako sa kaniyang tiyan at dinidikdik ang kaniyang pagmumukha gamit ang isang siko ko, samantalang ang natirang kamay ko ay nakasuporta sa pag-ipit sa kaniyang mga kamay sa likod nito.

"Kahit kailan talaga, Sortitus, bata kang lumaban, mahina... Hindi lang pala mahina, Napakawalang kuwentang lumaban parang bata na walang panama sa akin!" panlalait niya. "Kaya't pinagbibigyan lang kita sa rounds na ito!" Humagikhik ito.

Ngumisi ako upang ipakita ko dito na hindi ako naapektuhan sa kanyang sinabi. "Bata pa nga talaga ako, Kuya Fortis, kaya bata pa ako kung lumaban." Nakaisip ako ng isang gimik na s'yang tiyak kong sasabog ito. "Ikaw mas matanda ka sa akin ng ilang taon nga ulit? Ilang taon ka na? Trenta pero hanggang ngayon wala ka pa ring asawa? At bakit? Dahil... takot lahat ng mga dalaga sa iyo."

"Bullh*t! You fvcking shut your mouth!" sigaw niya. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang balasik niyang awra sa pagkapikon.

"Walang nagtangkang magmahal sa iyo dah---" hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin ng buong lakas niyang tinadyakan ang tiyan ko para makawala. 'Tyempong handa na itong lumaban kaya't pagkaatras ko sa kanya habang sapol ko ang aking tiyan ay agad naman itong buong pwersang bumangon at sabay pagtumbling nito ng patalikod ang estilo. Sa kanyang paglapag paharap ay unang dumampi sa lupa ang kaniyang kanang palad saka tumukod ang isang paa sa sahig at marahang inangat ang ulo, tanging matatalim niyang titig at pagguhit sa linya sa kanyang labi ang bumuhay muli sa kaniyang kumpiyansa na ako'y pabagsakin.

"Shit ass! Huminto ka na! Ako ang alpha mo at ikaw ang gamma ko hindi tayo magkalaban dito!" madiin at malaman kong bulyaw sa kanya.

Loko-loko s'yang humagalpak at pinagkrus ang kamay sa dibdib at idinampi ang hintuturo sa kaniyang labi at nagpanggap na nag-iisip. "Alpha? Wala akong alpha!"

"The fvck," mahinang sikmat ko. "What is happening on you?!" takang tanong ko. "I am not only your alpha but I'm your cousin too."

Kinati niya ang kanyang ilong. Tinitigan ang maduming sapatos bago ito tumitig muli sa akin. Gumuhit ang puno ng inggit at hinanaing sa kanyang mga mata. "Walang alpha na hindi nagbibigay ng konsiderasyon at pakikinig sa nakakababa sa kanya. Walang alphang walang sariling utak at boses kaya't nahiligang dumedepende sa iba. Walang alphang hindi marunong pamunuan ng tama ang nasasakupan niya! Walang alphang malas na katulad mo na s'yang magiging dahilan pa ng pagbagsak ng sarili mong kalahi! Walang alphang walang sariling paninindigan at tapang na ipaglaban ang karapatan para sa kanyang nasasakupan. Walang alphang hindi kayang patayin ang babaeng ito na nasa kanyang harapan para sa kaligtasan ng karamihan!"

Kita ko ang pagliliyab ng kanyang mga mata at umaapoy na tensyon sa pagitan naming dalawa habang papalapit siya sa akin. "Higit sa lahat walang alphang manhid sa nararamdaman ng sarili niyang kadugo. Nasaan ka ng mga panahon na kinakailangan kita 'insan? Mga pagkakataong sinasaktan ako ng sarili kong ama at sa bawat pagpalo, pagpapahiya at paglatigo niya sa 'king balat ay wala siyang bukang bibig kun'di ikaw na pamangkin niya na ipinagmamalaki sa lahat dahil ikaw ang paborito at ako naman ang punching bag nito, kahit na ang buong katotohanan ay wala ka naman talagang ilalaban kumpara sa akin simula pa lang!" Hindi siya makapaniwalang napabuntong hininga at pinatunog ang dila. "Ano bang mero'n sa tulad mo tabo (taong-lobo)? Espesyal ka ba, hugh? Dahil ba diyan sa tinatago mong sikreto sa likod ng tadyang mo?!" Nakalisik niyang sinilip ang aking likuran pero agad ko namang nakuha ang kamay nito bago pa niya madako ang nais niyang malaman at buong diing dinakma ko ang palapulsuhan n'ya hanggang siya na mismo ang kumalas. "Fvck you!"

All this time, akala ko...... akala kong mababaw lamang ang pinagseselosan nito dahil sa ako ang alpha at hindi siya pero mali ako, pinagbubuhatan na pala s'ya ng inakala kong amang sobrang mahal ang anak nito.

Sinubukan kong pakalmahin si Fortis at hawakan siya sa balikat. Naging blanko ang isip ko at nawalan ako ng boses sa mga puntong iyon para sabihing patawad kung wala ako sa tabi nito at maipagtanggol siya ng mga panahon na kinakailangan n'ya ako? o patawad dahil ako ang dahilan ng kaniyang paghihirap ng dahil sa akin?

Malakas na pagtulak sa akin ni Fortis at ipinagpatuloy niya ang kanyang pananakit kay Clavem habang hindi niya pinuputol ang matutulis at sindak niyang tingin sa 'kin.

"Masarap ba? Masarap bang panoorin ang mga segundong ito na binabalatan ng buhay sa mismong harapan mo ang babaeng mahalaga at kaugnay ng iyong buhay. At sa puntong ito ay wala ka ng magawa kun'di pagmasdan na lamang siya't sabihin sa iyong sarili na duwag ka't lampa!" Humagalpak ang isang demonyong tawa habang nilalasap niya ang mga ginagawa niyang kahayupan sa kapwa lobo.

Hindi ko na kaya. Ramdam ko rin ang pagwawala ng lobo ko sa galit.

Akmang susugod na ako at sasagpangin na siya nang biglang dumating ang mga guwardiya kaya't hindi ko na naituloy ang balak ko.

"You know all what to do. Take care of the alpha. But remember don't make our dear unwonted alpha to explode 'cause only I can," matikas na pagkasaad ni Fortis sa mga bagong dating. Walang prenong dinakot nila ang aking braso at mahigpit na hinawakan upang makasiguro na hindi ako makakawala sa kanila. Ibinaling ni Fortis ang kanyang mga matang binabalot ng kalungkutan at paghihiganti. Binigyan rin niya ako ng matapang na mukha at mukhang hindi mapagkakatiwalaan. "Ako na ang bahala sa fated mate mo, Alpha. Aalagaan ko siya."

Gusto kong sumabog nang puwersahang hinila ni Fortis ang mga braso ni Clavem at sapilitang pinatayo kahit na labis na nanghihina ang babae.

"You fucking, Asshole! Take it gently!" bulyaw ko na tila'y walang narinig si Fortis.

Nang makalabas na sila ay saka naman nagsenyas ang mga sundalo ni Heres na ihatid ako sa silid panauhin.

"I can walk. Hands off on me!

_ _

"Pabagsakin ang Alpha!"

"Hindi siya ang nararapat na maging alpha! Hindi siya marunong makinig sa kanyang nasasakupan!"

"Magpahanggang ngayon, mahina ka pa rin! Kahit ganap ng lobo ay hindi pa rin magampanan ng tama ang kanyang tungkulin!"

"Pwe! Isa s'yang tae at nararapat lamang palitan ng mas deserving sa puwesto niya!"

"Bobo! Estupido, kahihiyan siya sa ating pack!"

"Anong klaseng asawang alpha siya? Hahaha. Isang siyang bulag! Nasa harap na niya ang pumatay pero ano na? Nga-nga?!"

Mga d***g at reklamo ng sambahayan sa aking pamumuno. Nawala na ang tiwala, pagmamahal at respeto nila sa akin bilang lider ng dahil sa inasta at pagtatanggol ko sa harapan din nila mismo sa isang mamatay lobo. Nasa isang iglap ang lahat ng mga pinaghirapan ko ng maraming taon ay nawala na lang sa loob ng isang araw. Pagkatapos akong ihatid ng mga lobong sundalo sa silid panauhin upang magbihis ng pormal na kasuotan ay inutos ni Heres na ako'y dumiretso sa labas ng kaharian. Kung saan ginaganap ang paglilitis, pagpataw ng mga parusa at ang pagpugot ng ulo sa mga sino mang nagkakasala at mga pumapatay.

"Nakita mo na, Sortitus?! Wala na ang puso nila sa iyo! Nang dahil sa babaeng iyan!" Panlilisik at panduduro ni Heres kay Clavem. Napukaw ang atensyon ng lahat nang marinig ang laguslos ng tanikalang bakal na nakakakabit sa magkabilaang palapulsuhan ng dalawang paa ni Clavem at ang nakaposas niyang kamay at nylod cord sa leeg. Isang blankong ekspresyon ng mata ang nanatili sa kaniya kahalintulad at walang nagbago kung kailan ko ito huling nakita. Labis-labis ang kahabagan ng loob ko ng makita ko s'yang duguan at basag ang mata dahil sa natamo niyang suntok sa kaliwang bahagi na ibinaon katulad ng paghampad ng latigo sa kaniyang likod at mga hiwa niya'y nag iwan ng marka na puno ng pasakit at pagdurusa. 

SKYPHOENIX

Naway ito po'y inyong masuportahan! Paumanhin po sa mga curse na words heheh 😅

| 1
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Poor Clavem..
goodnovel comment avatar
Calista Dale
For what reason kaya why they need to kill the queen.. and to put the blame to Clavem..
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
C Clavem nga ba ang pumatay sa queen?? o bka na frame up lang xa.. huhu..pinagkaisahan ng lahat c Clavem
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status